Andriette's POV
Isang buwan na ang lumipas nang makalipat kami dito sa US. Wala na akong naging balita tungkol kay Jake dahil tinatago lahat sa akin ni Freya.
Okay na rin siguro 'yon para hindi ako masyadong mag-isip ng kung ano-ano. Delikado, baka madamay ang baby ko.
Alas-otso pa lang ng umaga nang magising ako. Paglabas ko ng kwarto ko ay saktong naabutan ko si Trev na naghahain ng pagkain sa lamesa.
"Hi, Andriette," bati niya nang makita niya ako. "Maagang umalis si Freya kasi hinahanap siya nung boss niya kaya ibinilin ka muna niya sa akin," paliwanag nito at pinatay na ang kalan.
He reminds me of Jake. Kung wala si Alena, siguro ganito kami ni Jake.
"Tara na, kain na tayo. Ibinilin rin pala ni Freya na painumin ka ng gamot pagkatapos mong kumain," patuloy nitong sabi.
Ngumiti naman ako at naupo na sa bakanteng upuan. Siya na ang naghain ng mga niluto niya tsaka siya umupo sa tapat ko.
"Alam mo, nakakainggit ka," sambit nito habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.
"Huh?" naguguluhan kong tanong.
"May pake si Freya sayo, sa'kin wala," pagmamaktol nito na ikinatawa ko naman.
"Maging mabait ka kasi kay Freya. Malay mo, mag-iba ang ihip ng hangin at bumait siya sayo," mungkahi ko at dinampot na ang kutsara.
"Wala na yatang pag-asang bumait 'yon, grabe kumulo ang dugo nun pagdating sa akin eh," giit niya na mas lalo kong ikinatawa.
"Siya nga pala, pwedeng magtanong?" basag niya sa katahimikan habang kumakain kami.
"Sige, ano 'yon?" tanong ko at muling sumubo ng pagkain.
"Ano ba talagang nangyari?" tanong niya na nagpatigil sa akin. "Ayaw kasi magkwento ni Freya kaya sayo na lang. Kung okay lang," medyo nag-aalinlangan niyang tanong.
"Kilala mo pa si Alena?" tanong ko sa kanya.
"'Yung ex ni kuya?" Tumango ako. "Anong meron sa kanya?" tanong niya ulit.
"Sila na," mapait akong ngumiti.
"Ha?!" gulat niyang tanong. "Akala ko ba, kasal na kayo? Tsaka, diba buntis ka sa anak niyo?" naguguluhan niyang tanong.
"Hindi ko din alam, naguguluhan din ako sa nangyayari. Si Freya lang talaga ang nakakaalam ng lahat," sagot ko naman.
"Bwisit kasi 'yang si Freya, parang hindi kapatid eh," inis niyang sabi at mahina naman akong natawa.
Sa kanilang tatlo, si Freya ang hindi madaldal lalo na sa mga ganitong bagay. Kapag sinabi mo sa kanya ang sikreto mo, hindi na talaga 'yon makakalabas sa kanya. Iyon ang maganda kay Freya, mapagkakatiwalaan siya.
...
"Dri, gusto mo mamasyal?" pagkuha ni Trev ng atensyon ko habang naghuhugas siya ng pinggan. "Sabi kasi ni Freya, ipasyal daw kita dahil 'yon daw ang bilin ng doktor."
Oo nga pala, bago kami umalis ng Pinas ay binilin sa akin ng OB ko na dapat maglakad-lakad ako at dapat makalanghap ng sariwang hangin.
"Familiar ka dito?"
Ang alam ko kasi ay sa Australia talaga siya nakatira pero nagbabakasyon lang siya dito sa US. Halos kapitbahay nga lang namin siya dun sa condominium eh.
"Yeah. Actually, isang taon din akong nanirahan dito dati. Lumipat lang ako sa Australia kasi nandun 'yung trabaho ko. So ano? Gusto mo mamasyal?" pag-uulit niya ng tanong kanina.
"Sige," sagot ko at tumayo mula sa kinauupuan ko.
"Alright, maligo ka na tapos mamaya, alis na tayo." Tumango naman ako at muling bumalik sa aking kwarto para makapaghanda na.
...
"Ang ganda pala dito," komento ko habang naglalakad kaming dalawa.
Hindi naman tirik ang araw at hindi rin mainit sa paligid kaya hindi na kami gumamit ng sasakyan.
Malapit lang din naman kami sa condo dahil bawal akong mapagod sakaling mapalayo kami.
"Ilang buwan na pala 'yung tiyan mo, Dri?" tanong niya habang naglalakad kami.
"Tatlong buwan na."
"Ang swerte ni kuya," he looked at me. "Magkakaroon na siya ng baby sa taong mahal niya," he smiled.
"Ikaw ba? Ayaw mo pa bang magkaroon ng sariling pamilya?" pag-iiba ko ng usapan.
"Actually, there's this girl that I really like. Bago pa ako nag-ibang bansa, gusto ko na siya," pag-amin at pansin ko ang medyo pamumula ng kanyang mga pisngi.
"Bakit hindi mo niligawan?" tanong ko habang pinipigilang kiligin.
"She's beautiful, Dri. Kaya hindi nakakapagtakang maraming nanliligaw sa kanya. Ayun, naunahan ako," mapakla niyang kwento. "Up until now, siya pa rin ang laman ng puso ko. Kaya siguro hindi ako nagkakaroon ng nobya kasi siya pa rin eh," narinig ko naman ang mapait na pagtawa nito.
"Okay lang 'yan," I tap his back. "Marami pang ibang babae diyan na pwedeng mapasayo," I cheered him up.
Parang tunay na kapatid na ang turing ko kay Trev. Siya ang una kong nakilala kasi magbarkada kami nung kolehiyo. Siya din ang dahilan kung bakit ko nakilala si Jake.
'Yung babaeng tinutukoy niya naman, mukhang kilala ko na kung sino. 'Yung best friend ko dahil nung kolehiyo. Lagi kong napapansin ang kakaiba niyang tingin sa kaibigan kong 'yon. Minsan nga ay sinet-up ko sila, mabuti na lang ay maganda ang kinalabasan.
...
"I'm home! Hi, ate!" bati ni Freya at binaba muna ang mga dala tsaka nakipagbeso sa akin.
"Hi, Freya. Kamusta ang trabaho?" tanong ko dito.
"Okay naman. Medyo nakakapagod. Grabe ba naman kasi kung magbigay ng ipapagawa 'yung boss, limpak-limpak! Buti sana kung limpak-limpak din 'yung sweldo ko," pagtataray nito at naupo sa tabi ko.
"Hoy, nandito din kuya mo oh," pagkuha ni Trev sa atensyon niya.
"Ay sorry, hindi kita nakita," pang-aasar ni Freya pero inirapan lang siya ni Trevor. "Ito naman, tampo agad eh. Ito na, hi sa pinakagwapong kuya," sambit ni Freya at umakto pang nasusuka dahil sa huling sinabi.
"Kapatid ba talaga kita?" tanong ni Trev habang nakatingin kay Freya.
"Hindi ko rin alam eh."
"Nakalimutan ko, ampon ka lang pala. Tignan mo nga oh! Ang gwapo ko tapos ang tangkad pa. Ikaw---"
"Sige, subukan mong ituloy. Didikit 'to sa mukha mo," pagbabanta ni Freya habang pinapakita ang nakayukom niyang kamao.
"Joke lang, ito naman, masyadong mainit ang ulo ng kapatid ko," panlalambing ni Trev pero tila nandidiri lang si Freya sa ginagawa ng kapatid niya.
Hindi ko naman mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ko ang dalawa.
Ang kulit talaga ng dalawang ito kapag magkasama sila.
To be continued
BINABASA MO ANG
Hiding His Son ✓|Jackson Series #1
General FictionCOMPLETED STORY Andriette and Jake's marriage life took a wild turn when Andriette visited her husband at his office only to find out that he's with another woman who is very close to him. But that's not yet the worst part, after confessing everythi...