Chapter 12

2.5K 37 4
                                    

Freya's POV

Plano ito ni Kuya Jake? Nag-usap sila? Kailan? Tsaka paano ito naging plano ni kuya? Gusto niya na bang makipaghiwalay kay ate dahil sa ginawa kong pagsisinungaling? Wag naman sana!

Muling bumukas ang pinto ng unit ko at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Kuya Trev. 

I know I hurt him. Minsan talaga, hindi ko mapigilan ang bibig kong magbitaw ng mga masasakit na salita kaya pati siya ay napagbintangan ko.

"Pagdating ni Andriette, papirmahan mo agad 'yan pero wag mong ipapabasa sa kanya," malamig nitong utos.

"P-paano ko gagawin 'yon?" tanong ko.

"Matalino ka diba? Gawan mo ng dahilan," walang gana nitong sabi. "Nasa unit lang ako kung may kailangan kayo," paalam niya at muling sinara ang pinto ng unit ko.

This is why I hate not communicating with my brothers. Hindi kami magkaintindihan!

Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at humugot muna ng malalim na hininga tsaka ibinalik ang envelope sa ilalim ng lamesita. 

Ano ba talagang plano ni Kuya Jake? Iyan ang hirap sa kanya eh, hindi marunong humingi ng tulong. Lagi niyang sinasarili ang lahat.

Habang hinihintay si Ate Andriette ay nagtungo muna ako sa unit ni Kuya Trev, gusto kong magsorry sa kanya. Ayokong harapin namin ang hipag namin na may sama kami ng loob sa isa't isa.

May key card naman ako para sa unit ni kuya kaya mabilis akong nakapasok sa loob. Naabutan ko naman siyang nakaupo dun sa may counter at may hawak nang lata ng beer.

"Kuya," tawag ko dito habang papalapit sa kanya.

Hindi siya sumagot at pinagpatuloy lang ang pag-inom ng alak.

"Kuya, sorry," panimula ko. "Sorry sa lahat ng sinabi ko kanina. Alam kong hindi mo intensiyon na sirain sila pero nagpadala lang ako ng galit at pagdududa sayo. Sorry, kuya, pinagbintangan kita. I'm sorry," pahina ng pahina ang boses ko at nararamdaman kong gusto nang bumagsak ng mga luha ko pero pinipigilan ko lang.

Hindi siya sumagot, sa halip ay tumayo siya mula sa stool at lumapit sa akin tsaka ako niyakap. Muli kong naramdaman ang pamamasa ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong naiyak habang yakap siya.

"Mahal ko si Andriette, pero mas mahal ko ang kapatid natin. Ayokong masira ang buhay niya nang dahil sa akin," sambit nito nang humiwalay siya sa yakap ko.

"Sorry talaga, kuya. And thank you, kasi hindi mo ako sinampal," sambit ko at mahina naman siyang natawa.

"Hindi ako katulad ni daddy, Freya," giit niya at pinunasan ang luha ko. "Bakit ko naman sasaktan ang pinakamamahal kong bunso? Alam mong simula bata pa lang ay tayo na ang laging magkakampi. Hinding-hindi ko sasaktan ang mahal kong prinsesa. Always remember that I'll protect you and keep you safe and feel loved until your prince charming comes."

Kung nakalimutan na ni kuya ang pagmamahal niya kay ate, malamang ay masaya na ito sa babaeng pinakamamahal niya.

Iba magmahal ang isang Trevor Jackson.

...

"Wala talaga akong maisip na dahilan para mapirmahan niya ito," pasuko ko nang sabi habang hawak ang mga papeles.

He stayed quiet for a moment until his lips formed a smirk.

"Tell her, ililipat mo sa pangalan niya ang unit na ito. Balak mo namang ibenta ito kapag bumalik na kayo sa Pinas diba? Edi wala ka nang habol dito," mungkahi niya. May point siya.

"Oo nga 'no. Plus, pwede ko naman talagang ilipat sa pangalan niya ang condo na ito! Ang galing mo!" Nakangiti kong sabi at mahinang kinurot ang braso niya. Minsan ay mahilig akong mangurot kapag nae-excite ako pero mahina lang naman.

Hinintay lang namin si ate na makarating at saktong alas-sais ng gabi ay bumukas ang pinto at bumungad sa amin si ate na maraming dala. Kaagad kaming tumayo ni kuya para tulungan siya sa mga hawak niya.

"Kamusta 'yung lakad mo, ate?" tanong ko nang kunin sa akin ni kuya ang mga hawak ko.

"Okay naman, masaya." Nakangiti niyang sabi.

Ngumiti din ako at nilingon si kuya. Sinenyasan na niya ako bago siya nagtungo sa kusina para ilapag dun ang mga pinamili ni ate.

"Ate, pwede ka bang makausap?" tanong ko nang lingunin ko ulit siya.

"Oo naman, ano 'yon?" 

Inalalayan ko muna siya papunta dun sa mahabang sofa bago nagpatuloy sa sasabihin ko.

"Ano kasi, balak kong ilipat na sa pangalan mo ang condo na ito," direkta kong sabi na labis niyang ikinagulat.

"Sigurado ka ba diyan, Freya? Baka hindi mo pa napag-iisipan ng---"

"Sigurado ako, ate. Take this as a gift from me." Nakangiti kong sabi.

"Sure ka talaga?" nag-aalinlangan niyang tanong.

Ngumiti lang ako tsaka tumango. Nang maibigay ko ang sagot ko ay kaagad niya akong niyakap habang umuusal ng pasasalamat.

"You're very welcome. I just need you to sign some documents para malipat natin sayo ang condo," sagot ko at kinuha ang brown envelope na naglalaman ng mga papeles.

Binigyan ko muna siya ng ballpen tsaka inabot ang mga dokumento. Agad ko ring tinuro kung saan siya pipirma at siniguro kong hindi niya babasahin ang nilalaman ng mga papeles.

"Done," sambit niya nang pirmahan niya ang huling papel. "Thank you talaga, Freya. It means a lot to me." Nakangiti niyang sabi.

Ngumiti na rin ako kahit sa loob-looban ko ay nasasaktan ako sa ginagawa naming panloloko kay ate. Pero kailangan kong magtiwala sa mga kapatid ko, lalo na kay Kuya Jake dahil plano niya ito.

...

"Malalagot talaga ako kay kuya kapag nakita ka niya." Umiiling na sabi ni Kuya Trev.

Ngayong araw niya kasi ihahatid kay Kuya Jake ang mga pekeng annulment papers at nagpumilit akong sumama sa kanya. Nung una ay ayaw niya talaga at tinakasan pa ako pero mabuti na lang ay nasundan ko siya.

"Para alam ko din kung anong binabalak niya. Hello? Kapatid din niya ako 'no," mataray kong sabi pero napailing lang siya dahil sa akin.

Makalipas ang ilang minuto pang paghihintay ay sa wakas at dumating na rin si kuya. Halatang-halata ang gulat sa mukha nito nang makita niya ako pero agad din siyang sumeryoso nang umupo siya sa tapat namin.

"Let me guess, sinundan ka?" tanong ni Kuya Jake at sabay kaming tumango ni Kuya Trev.

"I'm your sister, I have the right to know what you're planning."

He sighed and crossed his arms on his chest.

"We both put on a show for Alena," ha?

"Ano?" hindi ko gets...

"Nung pumunta ako sa inyo, alam kong may nakadikit na recorder sa likod ko. Sinadya kong sabihin lahat ng sinabi ko at mabuti na lang dahil nakisabay ka," agad na napaawang ang aking bibig dahil sa inamin ni kuya.

"She fell for it?" I asked.

"Definitely," he smirked.

"Okay, so what's your next plan?" tanong ni Kuya Trev.

"That will be a surprise," he grinned. "But I know one thing for sure, pagkapanganak ni Andriette, nasa tabi niya na ako."

To be continued

Hiding His Son ✓|Jackson Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon