Chapter 15

2.2K 41 7
                                    

Andriette's POV

"Nak, makikita na natin si daddy," naluluha kong bulong habang hinihimas ang tiyan ko. "Pero hindi muna tayo magpapakita sa kanya ha. Sana maintindihan mo, anak, para rin sa kaligtasan natin ito eh. Wag kang mag-alala, hindi ko hahayaang tuluyan tayong mawalay sa daddy mo, pansamantala lang ito, anak. Kapit ka lang kay mommy kahit anong mangyari ha," bilin ko at pinunasan ang aking luha tsaka tumingin sa salamin.

Ilang minuto na lang ay aalis na kaming tatlo para pumunta dun sa simbahan kung saan magaganap ang kasalan.

Walang kaalam-alam si Jake na nandito kami ngayon sa Pinas. Kahit gustong-gusto ko siyang tawagan at marinig ang kanyang boses, sinabihan ako nila Freya na delikado kung tawagan ko siya ngayon.

Bakit ba kasi ang damot ng kapalaran? Ang tanging hiling ko lang naman ay magkaroon ng masaya at tahimik na pamumuhay. Bakit laging gumugulo ang nakaplano na naming buhay?

Gusto ko lang naman makasama ang asawa ko. Masama ba 'yon?

Nakatingin lang ako sa reflection ko sa salamin habang lumuluha nang biglang bumukas ang pinto at halos hindi na ako makagalaw nang makita kung sino iyon.

Nang makita niya ako ay agad gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at dahan-dahang naglakad palapit sa akin.

"J-jake?" nauutal kong tawag habang nakatingin pa rin sa reflection niya sa salamin.

"Hi, darling," he whispered, good enough for me to hear.

Dahan-dahan akong lumingon at nang maharap ko na siya ay agad niya akong sinalubong ng mainit na yakap.

I could feel him crying on my shoulders while I was sobbing on his chest.

"I missed you," I mumbled while my eyes are closed.

"I missed you too, love. I missed you so much, I'm sorry for leaving you, but I have to do it," his voice broke.

Humiwalay siya mula sa pagkakayakap ko at hinawakan ang magkabila kong pisngi tsaka hinalikan ang noo ko.

"I know, you're just protecting us. But please, don't ever leave me again," pagmamakaawa ko at nginitian niya lang ako tsaka dahan-dahang umiling.

"I won't. Hindi na ako aalis, dito lang ako sa tabi niyo ng baby natin," he slowly caressed my tummy before leaning in to give me a kiss on my lips.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at dinadamdam ang nakakalason niyang halik nang makarinig ako ng katok sa pinto.

When I opened my eyes, I was laying on my bed.

T*ngina! Panaginip lang!

I sobbed uncontrollably while hugging a pillow.

Bigla namang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nag-aalalang mga mukha ng magkapatid.

"Ate?! Okay ka lang?!" halos mag-unahan na ang dalawa sa pagtakbo para lang makalapit sa akin.

"Anong nangyari?" tanong ni Trev nang parehas silang makaupo sa kama.

"A-akala ko, k-kasama ko na si Jake. P-panaginip lang pala," lalo akong naiyak nang maalala ang panaginip na 'yon.

Nagkatinginan naman ang dalawa at halata ang lungkot sa kanilang mga mukha bago nila ibinalik ang tingin sa akin.

"M-malapit na, ate. Malapit na kayong magkasama ulit," she weakly smiled.

"Ngayon ang kasal nila, Dri. Sigurado akong ngayong araw ding matatapos ang binabalak ni kuya. Konti na lang, magkakasama na ulit kayong dalawa," si Trev naman ang nagsalita.

I slowly nodded before wiping my tears.

Sana nga.

...

"Sigurado akong si kuya ang gumastos ng lahat. Knowing Alena, that motherfvcker is a gold digger," nandidiring sabi ni Freya nang makapasok kami sa loob ng simbahan.

"Language, Freya. Dapat mas malutong pa diyan," panenermon ni Trev at halos tumaas na ang kilay ko sa kakaiba niyang panenermon.

Baliw talaga...

Hindi pa nagsisimula ang kasal pero nag-aayos na sila at ang bride na lang ang hinihintay.

Dumaan kaming tatlo sa backdoor ng simbahan at nandito kami sa may parang balcony ng simbahan para hindi kami kita ng mga taong nasa baba.

Nag-aasaran lang 'yung dalawa habang ako naman ay pinapanood lang ang mga sakristan na abala sa pag-aayos ng altar.

Ilang minuto yata ang hinintay namin bago nagsimula ang kasal.

Kasalukuyang tumutugtog ang wedding song nila at halos maluha ako nang masilayan ang asawa kong naglalakad kasama ang mga magulang niya.

Pagkarating nila sa dulo ng altar at muli nilang hinarap ang entrance ng simbahan at narinig ko namang ang pagtawa ni Freya nang mapansin namin ang masungit niyang mukha.

Tila napilitan din sa pinaplano ng anak niya.

May ilang pang mga guests ang naglakad sa aisle at nang si Alena na ang maglalakad, kulang na lang ay sumabog ako sa galit nang matanaw ko siya.

Pwede bang barilin ko na lang siya para tapos agad?

Nang makalapit na siya kay Jake ay sabay na silang nagtungo sa harap ng pari at halos mapunit na ang labi ng babaeng ito kakangiti.

"Should anyone present know of any reason that this couple should not be joined in holy matrimony, speak now or forever hold your peace," no one dared to speak. There was only silence.

"I object," bulong ko. "Akin ang lalaking iyan."

Kung pwede lang isigaw ko ang mga sinasabi ko ay kanina ko pa nagawa.

Muling nagtinginan ang dalawa sa isa't isa nang magsalita ulit ang pari.

I couldn't hear what he was saying, I was more focused on my husband's face.

He's smiling while looking at her, and it really breaks my heart into pieces.

Pinipigilan ko lang ang pagtulo ng luha ko habang tinatakpan ang aking bibig para hindi kumawala ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan.

Nasa kalagitnaan na ng seremonya at walang ibang ginawa ang dalawa kundi tumingin sa isa't isa na may ngiti sa kanilang mga labi.

Gosh, it hurts.

"Ate, okay ka lang?" Napalingon ako nang tawagin ako ni Freya.

I just nodded in response and faintly smiled at them.

Ngunit agad nawala ang ngiti ko nang makarinig ako ng tila putok ng baril.

Paglingon ko sa altar ay agad nanlaki ang mga mata ko nang makitang yakap ni Jake si Alena at may umaagos na dugo mula sa may likod ni Jake!

"J-jake?" halos manlumo ako nang unti-unti itong bumagsak sa sahig.

Si Alena naman ay halos magwala na sa pag-iyak habang yakap ang asawa ko.

Nilingon ko ang dalawa at bakas din sa kanilang mga mukha ang gulat habang nakatingin sa kanilang kapatid.

"What the fvck..." bulong ni Trev at tumingin-tingin sa paligid na tila ba may hinahanap.

Ako naman ay muling ibinalik ang tingin kay Jake na ngayon ay pinagkukumpulan na ng mga tao.

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko, nanginginig ang buong katawan ko habang pinapanood ang mahal ko na nakahandusay sa sahig. Sunod-sunod din ang pagbagsak ng mga luha ko at halos hindi na ako makahinga.

Maya-maya pa ay unti-unting umikot ang paningin ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagsalo sa akin ni Trev.

Rinig na rinig ko pa ang pagtawag ng dalawa sa akin hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng dilim.

To be continued

Hiding His Son ✓|Jackson Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon