Epilogue

3K 55 7
                                    

Andriette's POV

Abala ako sa paglilinis ng attic ngayon kasama ang ibang mga kasambahay habang si Jake naman ay binabantayan ang mga anak namin sa sala.

Nang lumipat kasi kami dito ay hindi masyadong naayos ang iba naming mga gamit at saktong may hinahanap din ako kaya nagpatulong ako sa mga kasambahay na linisin na rin ang attic.

"Tin, pahiram ako ng cutter," sambit ko habang nakatingin sa huling kahon na may tape.

"Ito po."

"Thank you." Nakangiti kong sabi nang tanggapin ko ang cutter at sinimulan nang buksan ang kahon.

Isa-isa kong nilabas ang mga gamit dun sa loob habang sinusuri na rin hanggang sa mahanap ko na rin ang hinahanap kong notebook.

Ibabalik ko na sana ang mga gamit sa loob nang maagaw ng atensyon ko ang isang brown envelope. Pagkabukas ko nito ay bumungad sa akin ang mga litrato namin ni Jake nung mga dalaga't binata pa kami.

Isa sa mga litrato ay nung gumraduate kami ng college at parehas naming hawak ang mga diploma namin. Meron ding mga pictures namin nung nagd-date pa kami. Wala pa kami nito at nanliligaw pa lang siya.

Ang pinakahuli kong nakita ay 'yung litrato namin nung nagpropose siya. Nakaluhod siya sa harap ko habang may hawak na singsing.

This was taken in Lake Louise in Canada.

Nagbakasyon kami nun kasama ang buong pamilya niya at 'yung araw na 'yon ang huling araw namin sa Canada.

We got engaged before we went back here.

Sa likod ng litrato ay may nakadikit na isa pang litrato pero kalahati lang ang nasakop nito.

Medyo napaawang ang bibig ko nang makita ko ang sarili ko nung bata pa lamang ako.

'I finally found you'

Iyan ang nakalagay sa gilid.

"Huh?" I mumbled to myself.

Muli kong pinagmasdan ang litrato at pilit na inaalala ang mga pangyayari nung araw na kinuha ito.

I'm not alone in this picture, I'm with a boy.

Sa tingin ko ay nasa seven or eight years old pa lang ako nito samantalang 'yung katabi kong lalaki na nakaakbay sa akin sa litrato ay parang kaedad ko lang sa itsura.

"Are you okay?" tanong nung batang lalaki nang madapa ako kakatakbo.

"Oo," sagot ko na lamang habang tinutulungan niya ako tumayo.

Lumuhod naman siya bigla sa harapan ko at sinimulang pagpagin ang mga tuhod ko para matanggal ang mga dumi.

"Thank you," nahihiya kong sabi nang tumayo sa ulit.

"No problem, be careful next time," paalala niya na ikinatango ko naman.

"Uhm, gusto mo sumali sa amin?" pag-aaya ko sa kanya at tinignan ang mga kaibigan ko na naghahabulan din.

"Sure, mamaya pa naman kami uuwi eh," pagpayag niya na agad kong ikinangiti.

"Taya!" Sigaw ko nang dumapo ang kamay ko sa braso niya tsaka ako kumaripas ng takbo.

"Hey! No fair!" rinig kong sigaw niya pero hinabol niya pa rin ako.

"Sky! May bago nang taya!" imporma ko sa iba kong mga kaibigan habang tumatakbo.

Kaagad din silang kumilos nang makita nila 'yung lalaki na hinahabol na ako.

We all ran in circles for a few minutes until he finally caught someone. Unfortunately, it was me...

Hiding His Son ✓|Jackson Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon