Freya's POV
In life, we all have our endings. Some may have the happy ones, some may have the tragic ones. But for my brother and his wife, it's a fvcking twisted one.
"Give me back my son," walang emosyon nang utos ni kuya kahit tumutulo pa rin ang kanyang mga luha.
Nakita ko naman ang unti-unting pagngisi ni Alena bago binitawan ang pamangkin ko.
Pero imbis na tumakbo palapit sa amin ang bata ay mabilis itong nagtago sa binti ni Alena.
Shit, napalapit na talaga siya sa impaktang 'yan.
"Go on, dear. Lapitan mo ang daddy mo," malambing na sabi ni Alena na para bang siya ang nanay.
"Kunin mo 'yung anak ko," utos ni Kuya Jake sa amin ni Kuya Trev.
Nagkatinginan pa kaming dalawa at halos mapalunok din sa kaba pero sa huli ay sabay kaming tumayo at maingat na naglakad palapit kila Alena.
Mabilis kaming tinutukan ng baril ng ilang mga tauhan ni Alena habang naglalakad kami palapit sa kanya.
Nang nasa tapat niya na kami, yumuko ako at mahinang kinausap si Gabriel.
"Gabby? You don't remember me? I'm your Tita Freya," I mumbled, pero nakatago pa rin ang kanyang mukha sa binti ni Alena. "Remember your favorite stuff toy? The one that looks like a panda? I'm the one who gave it," I smiled when he peeked from her leg.
Tinuloy ko lang ang pagpapaalala sa kanya tungkol sa mga panahong nasa amin pa siya hanggang sa tuluyan niya na akong hinarap na may ngiti sa kanyang labi.
"Do you remember me?" Nakangiti kong tanong at inilahad ang aking kamay.
Agad itong tumango at sinunggaban ako ng yakap.
Niyakap ko na rin siya pabalik at tsaka binuhat mula sa lupa dahilan para magkatinginan ulit kami ni Alena.
"You may win this time, pero wag mong kakalimutan na hindi ikaw ang minahal at mamahalin pa. Wag ka na ring umasa na magiging parte ka rin ng pamilya. The only daughter-in-law and sister-in-law in the family is Ate Andriette. No one can replace her," I flashed a small grin when I saw the annoyance in her face. "Manalo ka na sa lahat, Alena, but you will never win my brother's heart. Ever."
"Freya, stop it," mariing utos ni Kuya Jake mula sa likod ko.
I shut my mouth and turned around with my nephew in my arms.
"Mommy!" matinis na boses niyang sigaw habang kumakawala sa braso ko at parang inaabot pa si Alena.
"Gabriel, that's not your mom," tutol ko pero umiling lang ito habang inaabot pa rin si Alena.
Medyo magalaw na siya sa pagkakayakap ko kaya naman ay ibinaba ko na siya dahil baka mahulog ko pa siya sa lupa.
Agad siyang kumaripas ng takbo palapit kay Alena at niyakap ang binti nito.
"Well look at that, he thinks that I'm his mom," proud niya pang sabi.
"Gabriel, that's not your mom. Your real mom got killed by that desparate woman!" Sigaw ko pero tila natakot ko pa ag bata.
"Freya!" sabay na suway sa akin ng dalawa kong kuya.
"What?! I'm just stating the fact!" depensa ko sa aking sarili.
"Freya, stop it! Natatakot na sayo ang bata, mamaya hindi pa 'yan sumama sa atin!" Kuya Trev gripped on my arm and pulled me away from Alena.
Iwinaksi ko ang kamay ni kuya mula sa kamay ko at lumapit na lamang kila ate.
Nang lumuhod ako ay maingat na inilipat ni Kuya Jake ang ulo ni ate at inihiga ito sa hita ko tsaka siya tumayo para lapitan si Alena.
"Akin na ang anak ko."
"Take him, hindi kita pipigilan makipag-reunite sa anak mo."
Kuya Jake knelt down and called his son. Surprisingly, he immediately ran up to his dad.
"Gosh, I missed you, little guy," bulong ni kuya habang lumuluha at yakap ang kanyang anak.
Nang humiwalay ang mag-ama sa yakap ng isa't isa ay mabilis na inayos ni kuya ang buhok ni Gabriel tsaka ito binuhat at dinala sa amin.
"Hold my son," bulong niya at inabot sa kay Kuya Trev si Gabriel.
Pagkatapos nun ay tsaka siya lumapit kay Alena.
"You win," pagsuko ni kuya at ngiting-ngiti naman ang gaga.
"Don't worry, honey. I will be a better wife than her," pagmamayabang ni Alena at ipinulupot ang mga kamay niya sa batok ni kuya.
Halos masuka ako at malaglag ang aking panga sa sahig nang biglang sunggaban ni kuya ng halik si Alena.
Tinignan ko si Kuya Trev nagbabakasakaling parehas kami ng reaksiyon pero kalmado lang siya habang nakatingin sa dalawa.
"Seriously? You'll let your brother cheat on his dead wife?!" inis kong bulong pero sinenyasan niya lang ako na tumingin sa paligid.
Mas lumaki ang aking mga mata nang sabay-sabay na nagbagsakan ang mga tauhan ni Alena. Maging ang mga tauhan niya na nasa likod namin ay sabay-sabay ding bumagsak kaya naman ay ibinaba na ng mga pulis at ilang tauhan ni kuya ang kanilang mga baril.
And Alena didn't even noticed it since she's busy kissing my brother!
Eventually, we all heard some electric sparking noise and Alena fell on the ground.
"I will never love you again, Alena," giit ni kuya at dun ko lang napansin na may hawak na pala siyang taser.
Agad lumapit sa kanya ang ilang mga pulis at kinuha ang walang malay na gaga mula sa lupa. Pagkatapos nun ay nagsimula na ring maglakad palapit sa amin si Kuya Jake habang may kinakalikot sa kanyang cellphone tsaka niya ito itinapat sa tenga niya.
"Make sure everyone is dead," malamig niyang utos at agad din namang pinatay ang tawag tsaka lumuhod para buhatin si Ate Andriette.
"What the hell?! Kaya mo naman pala sila patayin nang ganun kadali eh. Bakit mo binaril si Ate Andriette?!" Sigaw ko dahil na rin sa galit.
He can easily kill those motherfvckers in silence yet he killed his own wife?!
"Would you just shut up and follow me?" kalmado pero pagalit na sabi ni kuya nang makatayo siya.
Kahit nanggigigil ay sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa dala nilang sasakyan.
"Wife, it's over," he whispered while caressing her cheeks.
Ilang segundo ang lumipas ay dahan-dahang idinilat ni ate ang kanyang mga mata.
P*ta...
To be continued
BINABASA MO ANG
Hiding His Son ✓|Jackson Series #1
Ficción GeneralCOMPLETED STORY Andriette and Jake's marriage life took a wild turn when Andriette visited her husband at his office only to find out that he's with another woman who is very close to him. But that's not yet the worst part, after confessing everythi...