Andriette's POV
Alas-siyete pa lang ng umaga ay nagising na ako dahil maya-maya ay magigising na rin ang anak ko.
Paglingon ko at tsaka ko lang napagtanto na mag-isa lang ako dito kama.
Dumeretso muna ako sa cr para maghilamos at para tignan na rin kung nandun ang asawa ko pero walang tao dun.
Siguro maaga na naman 'yon pumasok sa trabaho.
Dumeretso na lamang ako sa kusina para magluto sana pero bumungad sa akin ang mga luto nang almusal na nakahain sa lamesa.
Meron ding bouquet na nakapatong dun sa lamesa at may sticky note din na nakadikit sa katawan nito.
'Darling, I left early for work but I prepared breakfast for you and our son. I'll come home early and get ready, may pupuntahan tayo. I love you'
Pasimple akong ngumiti at inilagay muna ang bulaklak sa flower vase tsaka umakyat papunta sa kwarto ng anak ko.
Pagpasok ko ay naabutan ko na siyang gising na gising at nagtatatalon sa kanyang kama.
"Hi, baby. Good morning!" masaya kong bati at tuluyan nang pumasok sa kanyang kwarto.
"Mommy!" mabilis siyang bumaba ng kama at tsaka tumakbo palapit sa akin kaya naman ay sinalubong ko siya ng mainit na yakap.
"Tara na sa baba. Let's have breakfast," pag-aaya ko na ikinatango niya naman.
Hinawakan ko na ang kamay niya at hinila na siya palabas ng kanyang silid.
"Where is daddy?" tanong niya nang makarating kami sa dining room.
"Uh, maaga siyang umalis, anak, eh. Pero maaga ang uwi niya later, kain na. Daddy cooked this for you." Nakangiti kong sabi at pinaghain na siya ng pagkain.
My son is turning two already in a few days.
Sinimulan na namin ang pagpapakain sa kanya ng mga solid foods at karaniwang lagi niyang hinahanap ay mga gulay.
Sinasanay na rin talaga namin siya ni Jake na kumain ng mga gulay at prutas para paglaki niya ay hindi kami mahirapan na pakainin siya.
Pagkatapos naming kumain ay naglaro muna kami saglit ni Gabby bago ko siya pinaliguan dahil pupunta pa kami sa lola niya.
Nang mapaliguan ko siya ay iniwan ko muna siya sa kama naming mag-asawa tsaka naligo at nag-ayos na rin.
...
"Kamusta ka na, hija?" tanong ng biyenan ko sa akin nang makaupo kaming dalawa sa sofa habang ang anak ko ay kalaro ang lolo niya.
"Okay naman, mi. Hindi pa rin makapaniwala na nasa amin na rin sa wakas ang anak ko." Nakangiti kong sabi at nilingon si Gabby. "Pero natatakot pa rin ako, mi. Paano kung bumalik ulit si Alena? Or 'di kaya 'yung tatay niya?"
"Don't say that, hija. Trust your husband, alam kong sinisiguro nun na wala nang mangyayaring masama sa mag-ina niya. Iyon pa? Eh ginagawa niya diba ang lahat, mapabuti lang ang lagay niyong dalawa."
"Thank you, mi. Thank you for raising your son to be a good man. Kung hindi dahil sayo, I will never have the best husband." Ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay ko.
"Thank you also for taking care of my son. Alam kong kay Gabby pa lang ay pagod ka na pero inaasikaso mo pa rin si Jake. My son is so lucky to have you. Bukod sa maganda at mabait ka na, maalaga at maasikaso ka pa. Literally a wife material."
"Thank you, mommy." Nakangiti kong sabi at hinawakan ang kanyang kamay. "Ano po pala, may pinapasabi si Freya."
"Huh? Bakit inutusan ka pa na sabihin sa akin? Why didn't she tell me right away?"
BINABASA MO ANG
Hiding His Son ✓|Jackson Series #1
General FictionCOMPLETED STORY Andriette and Jake's marriage life took a wild turn when Andriette visited her husband at his office only to find out that he's with another woman who is very close to him. But that's not yet the worst part, after confessing everythi...