Chapter 10

2.7K 52 4
                                    

Jake's POV

I went back to the hotel suite where we're staying. Alena greeted me at the door but I just ignored her and went to the kitchen to get some alcohol and went back to the living room.

"What happened?" tanong ni Alena nang simulan kong inumin ang alak. "Babe, what happened? Did the meeting didn't went well?" she asked and sat beside me.

"Payag na ako," pag-iiba ko ng usapan.

"Payag? Saan?" naguguluhan niyang tanong.

"Magpakasal sayo."

Tila nagulat pa siya sa sinabi ko pero unti-unti ding gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

"Talaga?!" excited niyang tanong at tanging tango lang ang sinagot ko. "Omg, I can't believe it! Thank you, I love you!" nagagalak nitong sabi at niyakap pa ako.

I'm not going crazy. Nasa tamang wisyo ang pag-iisip ko. Sobrang sakit ng ginawa sa akin ni Andriette at ng sarili kong mga kapatid. Tama lang na si Alena na ang piliin ko.

But...

It will just be for a show.

"Meeting adjourned," I said to everyone.

Nang makaalis lahat ng ka-meeting ko ay bumalik ulit ako sa hotel para makapagpalit ng damit, gusto kong bisitahin si Andriette at walang makakapigil sa akin.

"Where are you going?" tanong ni Alena habang sinusuot ko ang coat ko.

"Another meeting with a new client," I simply lied and didn't bother to look at her.

"Oh, okay. But wait," giit niya at lumapit sa akin.

Tinignan ko lang siya at hinintay na muling magsalita pero hindi 'yon ang ginawa niya, she hugged me.

"Ingat ka," bilin niya nang kumawala siya sa yakap.

Tumango lang ako at lumabas na ng suite namin tsaka bumalik sa sasakyan ko.

While I was driving, I can't maintain my excitement. Finally, makikita ko na ulit ang mahal ko. I felt myself smiling like an idiot when someone caught my eye.

Medyo trapik sa daan kaya napatigil ako sa tapat lang ng isang restaurant.

There, I saw them. Hindi ako pwedeng magkamali, nandun sila Andriette at si Trev na masayang nag-uusap habang kumakain. Then, I saw her baby bump.

Shit!

...

Nang makarating ako sa condominium ng kapatid ko ay ipinikit ko muna ang aking mga mata at pabagsak na sumandal sa upuan ngunit agad naman akong napadaing nang maramdaman kong may kung ano sa likod ko.

Kinapa ko pa kung ano ito bago ko tinanggal ang coat para tignan kung ano ang nasa damit ko.

A small voice recorder...

Alena must have put it behind me when she hugged me.

Oh, well I'm about to give someone a show.

Pumasok na ako sa loob ng building at nang payagan ako ng receptionist na umakyat na ay nagmamadali akong nagtungo sa elevator.

I was preparing everything that I will say later. Sana lang ay makisama si Freya.

When I reached the front of her unit, I immediately put my serious face on and rang the doorbell.

"Since when?" I coldly asked, I saw her gulped.

"W-what? W-what do you mean?" nauutal nitong tanong.

Still don't get it, sis?

"Kailan niyo pa ako niloloko?" I doubt that Andriette will really do it.

"K-kuya, it's not what it looks like," you don't even know what I am talking about.

"I left her for her safety! Tapos tatarantaduhin nila ako ni Trev?!" I yelled and she kinda flinched.

"H-huh?" naguguluhan niyang tanong.

She still doesn't get it.

Agad akong pumasok sa loob ng unit at bawak yapak ko ay may kasamang dabog para mas maging kapani-paniwala ang akto ko.

Sinadya ko din na makita niya ang nasa likod ko. In that way, maiintindihan niya ang lahat.

But before I could turn to her, I saw a picture of them holding a sign board. The board says, It's a boy.

I have a son. Shit! I can't believe it!

Gusto kong sumabog sa tuwa! Pero bago pa ako tuluyang madala ng nararamdaman ko ay seryoso kong nilingon si Freya.

"Umamin ka nga, Freya."

"S-sinong ama ng dinadala ni Andriette?" I tried to act as hurt as possible.

"Kuya---"

"SINO?!" I yelled and she flinched again.

It hurts for me to see her getting scared at me but I have to do it.

"I-I'm sorry, kuya."

I smirked in my mind. She finally get it.

"K-kailan pa nila ako niloloko?"

"N-nung dumating kami dito sa States," magaling, Freya.

"Tapos wala kang ibang ginawa?!" I started throwing my anger at her.

"T*ngina..." I tried to be angry. "Mga hayop kayong lahat! Ginago niyo ako! Wala akong ibang hiniling kundi makasama ulit ang asawa ko tapos ganito ang malalaman ko?! Mga punyeta!" kailanman ay hindi ko kayang murahin ang kapatid kong babae, pero dahil sa nangyayari sa amin ngayon, kailangan kong makumbinsi si Alena sa mga naririnig niya.

I know that he's my son. Nalaman ko sa mga empleyado ko na sinugod si Andriette sa ospital nung araw na iniwan ko siya.

Kinausap ko ang isa sa mga tauhan ni Freya na tumulong sa kanya para dalhin si Andriette sa ospital at dun ko nalaman na nagdadalang-tao siya.

Binayaran ko ng malaki ang lalaking iyon para manahimik siya at wag sabihin kay Freya na nag-usap kaming dalawa.

Nang lumipat sila sa States, nagpadala ako ng espiya para bantayan siya at ipaalam sa akin ang lahat ng nangyayari sa kanya. Para rin mabantayan ko siya mula sa ama ni Alena.

Konti na lang, makakabalik na ulit ako sa tunay kong minamahal.

Konting-konti na lang.

I hope my plan goes very well.

Aaminin kong medyo nasaktan ako nang makita ko si Andriette kasama ang kapatid ko. Ako dapat ang kasama niya, ako dapat ang dahilan ng pagngiti niya. Sa ngayon, ipapaubaya ko muna siya kay Trev.

Alam ko kung ano ang nararamdaman niya para sa asawa ko. Alam kong mahal ni Trev si Andriette na mas lalong nagpaselos sa akin nang makita ko silang dalawa na magkasama.

Naiintindihan ko kung bakit siya nagkagusto sa asawa ko. Sila ang mas malapit sa isa't isa nung una pa lang. Ang buong akala ko talaga ay liligawan niya si Andriette pero nang mapansin kong sineset-up ni Andriette si Trev sa kaibigan niya, akala ko ay 'yung kaibigan niya pala ang gusto ng kapatid ko.

Pagkalipas ng panahon, nahulog ako kay Andriette. Ang buong akala ko ay hindi siya ang gusto ng kapatid ko kaya niligawan ko siya.

Nalaman ko lang ang totoo nung araw ng kasal namin. Kinagabihan nun ay tinawagan ako ng mga kaibigan niya at sinabing naglasing daw ang g*go.

Sa kanila ko din nalaman ang dahilan kung bakit siya nag-inom pero kailanman ay hindi ko kinompronta si Trev tungkol dun.

I'm sorry, bro. But I got her first.

To be continued

Hiding His Son ✓|Jackson Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon