Andriette's POV
"Anong pangalan nung yaya, sir?" tanong ng isang pulis habang tinitignan nila ang litrato ng yaya ng anak ko.
"Yna Abalos, she's 23 years old," seryosong sagot ni Jake pero halata ang namumuong galit sa kanyang mga mata.
"'Yung bata, sir? Anong pangalan at ilang taon na?" tanong ng isa pang pulis.
"Gabriel Drake Amaury Jackson. He's already ten months now."
"Saan kayo nagpunta at saan niyo siya huling nakita, ma'am?" tanong nila sa biyenan ko.
"Nandun kami sa mini park sa labas lang mismo ng village. Iniwan ko sa kanya 'yung apo ko para magpunta sa restroom. Pagbalik ko, wala na sila, pati 'yung mga gamit ng apo ko wala na," labis-labis na pag-aalala ni mommy habang sumasagot.
Halos hindi na ako makaimik sa usapan nila dahil nalulutang pa rin ang utak ko ngayon. Tanging naiisip ko lang ay ang anak ko. Baka kung ano ang gawin sa kanya ng demonyong kumuha sa kanya.
Nagpatuloy lang sa pakikipag-usap ang asawa at biyenan ko sa mga pulis habang ako naman ay tulalang nakaupo sa sofa.
Hindi ko na maproseso ang mga nangyayari ngayon. Simula nang mawala si Gabriel ay lagi ko nang sinisisi ang sarili ko. Kung hindi ko lang siya iniwan, kung sinama na lang namin sana siya sa States, hindi sana siya mawawala.
At bukod sa lahat, kung hindi ko tinanggap ang babaeng 'yon, hindi siguro mangyayari ito.
"Darling?" Napaangat ako ng tingin nang may kumalabit sa akin at agad bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Jake.
Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako nung pulis.
"Kailan niyo po tinanggap biglang yaya itong Yna, ma'am?" nakakunot noo niyang tanong.
Medyo natagalan pa ako sa pag-iisip dahil hindi naman siya 'yung naunang kinuha ko para maging yaya ni Gabriel.
"Two months after kong manganak, kumuha kami ng yaya, 'yung yaya na 'yon, pinsan niya si Yna. Umalis siya sa trabaho kasi nagkaroon ng problema sa kanila at si Yna ang inirekomenda niyang papalit sa kanya," kwento ko habang nakatingala sa kanila.
"Nakakausap niya pa ba 'yon?"
"Hindi na. Huli kaming nag-usap ay siguro apat na buwan na ang nakalipas."
Napatango naman ang mga ito at isinulat sa isang papel yata ang mga sinabi ko.
"Please, find my son, I will pay you millions if you found him and his abductor." Napaawang naman ang bibig ng mga pulis dahil sa binitawang presyo ni Jake.
Maging kami ni mommy ay medyo nabigla din sa binigay niyang presyo.
"We will do everything we can, sir. We'll update you as soon as may mahanap kami," sagot nila na ikinatango naman ni Jake.
Nang makaalis sila ay tsaka lang ako tinabihan ni Jake dito sa sofa.
"Hija," muli akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang malumanay na boses ni mommy. "Hija, I'm so sorry. This is all my fault, I shouldn't have left him with her," nag-guilty niyang sabi.
"Mom, it's not your fault. Hindi mo ginusto 'yung nangyari. Ako 'yung may kasalanan, kung hindi ko lang tinanggap 'yung lintek na babaeng 'yon, hindi sana mangyayari ito," medyo naiiyak ko nang sabi.
"Don't blame yourself, darling. Mabababawi din natin ang anak natin. Magtiwala ka lang, hindi ako titigil hanggang hindi ko nahahanap ang baby natin," he reassured me and kissed the side of my head.
Tumango lamang ako at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
God, please, give me back my baby.
...
Agad akong nagising nang makarinig ako ng mga kalabog at sigaw mula sa baba.
Halos matumba pa ako dahil sa pagmamadali ko sa pagbangon at nang makababa ako ay naabutan kong nagwawala si Jake habang nasa harap niya ang mga pulis na nakausap namin nung isang araw at nakayuko lang ang mga ito.
"Anong nangyayari dito?" tanong ko at agad lumapit sa nagwawala kong asawa.
Mabilis itong tumigil at agad nanlambot ang mukha nang makita ako.
"Jake, bakit ka nagsisisigaw? Anong nangyayari?" naguguluhan kong tanong at binalingan ang dalawang pulis.
"Andriette..."
"Bakit? May balita na ba tungkol sa anak ko? Nahanap na ba siya?" punong-puno ng pag-asa ang buong sistema ko.
"M-ma'am," tila kinakabahan panimula ng isang pulis.
"Ano? Nahanap na ba siya?"
"Love..." tawag sa akin ni Jake pero hindi ko man lang siya pinansin.
"Why aren't you saying something?! Tell me! Nahanap niyo na ba ang anak ko?! Nasaan siya?!" paiyak ko nang tanong at naramdaman ko naman ang pagyakap ni Jake sa akin mula sa likod.
"ANO?!" I screamed on the top of my lungs.
"M-ma'am, n-nahanap po namin ito s-sa kalapit na bakanteng lote," nanginginig niyang sabi at unti-unting ipinakita sa akin ang duguang damit na nasa loob ng zip lock.
Kaagad ko ding nakilala ang damit dahil may nickname 'yon ni Gabriel.
"N-no," tila nalagutan ako ng hininga kasabay nang pagkawala ng balanse ko.
Agad din naman akong nasalo ni Jake mula sa likod at sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
"N-no, h-hindi. P-please, d-don't tell me, p-patay na ang anak ko?" ni-hindi ko na masabi ng maayos ang gusto kong sabihin.
Nanatiling tahimik ang mga pulis at nakayuko lang ang mga ito.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan nang napahagulgol sa iyak.
Nanghina bigla ang mga binti ko at agad din akong natumba sa sahig dahilan para sumalampak din sa sahig si Jake habang yakap ako mula sa likod.
"H-hindi patay ang anak ko! B-buhay siya! Buhay siya!" paulit-ulit kong sabi habang nagwawala na parang bata.
Walang ibang nagawa ang mga pulis kundi tignan lang kaming mag-asawa na may lungkot sa kanilang mga mukha.
"Jake, hindi siya patay! Hindi patay ang anak natin! Please, sabihin mo na hindi siya p-patay!" pagmamakaawa ko.
"We're sorry, ma'am."
"NO! MY SON IS NOT DEAD!" Sigaw ko at halos kumawala na ako sa yakap ni Jake pero sobrang higpit ng kapit niya.
Panay ang pagsigaw at pagtili ko sa sahig habang ang asawa ko ay nakayakap sa akin at ramdam ko rin ang mahina niyang pag-iyak sa balikat ko.
"Jake, hindi siya patay," unti-unti nang humina ang boses ko pati na rin ang buong katawan ko. "Hindi siya patay."
My baby. Please, I hope this is not true...
To be continued
BINABASA MO ANG
Hiding His Son ✓|Jackson Series #1
Ficción GeneralCOMPLETED STORY Andriette and Jake's marriage life took a wild turn when Andriette visited her husband at his office only to find out that he's with another woman who is very close to him. But that's not yet the worst part, after confessing everythi...