Freya's POV
Papasok na sana ako ng kwarto nang makita kong yakap-yakap ni Kuya Trev si ate habang inaalo ito.
Imbis na pumasok ay ako na lang ang uminom ng kinuha kong tubig at hinayaan muna sila dun.
Maya-maya pa ay tahimik na lumabas si kuya at maingat na sinara ang pinto ng kwarto ni ate.
"Tulog na siya, babalik na'ko sa unit ko. Tawagan mo ako kapag may kailangan kayo ha," bilin nito at naglakad na patungo sa pinto.
"Sandali, kuya," pagpigil ko sa kanya nang hindi man lang umaalis sa kinauupuan ko.
"Bakit?" tanong niya nang lingunin niya ako.
"Hanggang kailan ka pa ba magpapadala sa nararamdaman mo para kay ate?" direkta kong tanong na labis niyang ikinabigla.
"Anong pinagsasabi mo, Freya?" seryoso niyang tanong.
"Wag ka nang magmaang-maangan pa. Halatang may gusto ka pa rin kay ate hanggang ngayon. Hindi mo pa rin ba tanggap na kasal na siya kay Kuya Jake?" mataray kong tanong.
"Freya, concern lang ako sa bata kaya ko siya inaalagaan," I sarcastically laughed.
"Wag ako, kuya. Kilala kita. 'Yung tingin mo kay ate, hindi pa rin nagbabago. Tulad pa rin ng dati," I pointed out. "Hanggang kailan mo ba sasaktan ang sarili mo? Kuya, itigil mo na 'yan. Sa oras na malaman ni Kuya Jake na may gusto ka sa asawa niya, patay ka," pagbabanta ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin. Subukan mong ibuka 'yang bibig mo, Freya, magkakalabuan tayong dalawa," pagalit niyang pananakot tsaka nilisan ang unit ko.
Bobo, kung niligawan na niya noon pa man si ate at hindi naging torpe, edi sana masaya siya ngayon at hindi nagdudusa.
Nanatili akong nakaupo dun sa sofa at nilabas ang aking cellphone nang bigla itong tumunog.
From Kuya Jake:
Freya, kamusta si Andriette?Me:
She's good. Actually, tulog na siya.Kuya Jake:
Good. Anyway, may business trip ako diyan sa US bukas. Susubukan kong puntahan kayo.Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang message niya.
Siya?! Pupunta dito?!
Me:
What? No! I mean, you don't have to. Like, she's really fine, you don't have to check on her.Kuya Jake:
Nasisiraan ka na ba ng bait? Of course I'm not just gonna check on her. I missed her so much, I want to see her.Shit! What do I do?!
...
"Pupunta siya dito?" hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Trev.
"Oo! Kailangan nating itago si ate!" nagmamadali kong sabi.
"Huh? Bakit?" naguguluhan niyang tanong.
"Hindi alam ni Kuya Jake na buntis si Ate Andriette."
"Ano?!" gulat niyang tanong. "May iba pa ba kayong nalalaman na hindi ko alam?! All this time, hindi alam ni kuya na buntis ang asawa niya?!"
"Paulit-ulit?! Oo nga!" bulyaw ko. "Ganito na lang, ilabas mo muna si ate tapos tsaka na lang kayo bumalik kapag tumawag ako," utos ko.
"Teka nga, bakit mo ba tinatago kay kuya ang anak niya?"
"Mag-isip ka nga, kuya! Kilala mo si Kuya Jake, minsan wala 'yan sa tamang wisyo lalo na kapag nagmamadali siya. Paano kung madaliin niya 'yung plano niya kapag nalaman niya ang tungkol sa bata? May chance na pumalpak ang kung ano mang pinaplano nun! Plus, gusto rin ito ni ate. Natatakot din siyang malaman ito ni kuya dahil may chance na malaman din 'yon ni Alena. Alam mo naman ang babaeng 'yon, lahat talaga ay pilit inaalam," mahaba kong sermon sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/314106961-288-k793111.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiding His Son ✓|Jackson Series #1
General FictionCOMPLETED STORY Andriette and Jake's marriage life took a wild turn when Andriette visited her husband at his office only to find out that he's with another woman who is very close to him. But that's not yet the worst part, after confessing everythi...