Chapter 2

3.8K 72 1
                                    

Andriette's POV

"Don't you know how to knock?!" iritadong tanong ni Jake at bahagya akong binitawan pero agad niyang inilagay ang kanyang braso sa bewang ko.

"S-sir," kinakabahan niyang sabi. "I-I'm sorry po."

"Learn how to knock, Ms. Santos. Siguro naman ay may pinto kayo sa bahay niyo diba?" tila namimilosopo pang sabi ni Jake sa empleyado niya.

"S-sorry, sir. Hindi na po mauulit." Nakayuko nitong ani.

"It better be. And for your information, she is my wife," pagpapakilala niya sa akin at talagang diniinan niya pa 'yung pagkakasabi niya sa huli. "If any of you disrespect, discriminate, bully or whatever bullsh*ts you do to her, be ready to lose a job. Understand?!" Sigaw niya sa kanilang lahat na kasalukuyang nakadungaw sa labas ng pinto.

"Y-yes, sir!" sagot ng iba habang ang iba naman ay sunod-sunod na tumango.

"Now, get out," utos niya dun sa pumasok kanina.

Sunod-sunod naman itong tumango at agad lumabas ng opisina.

"Jake, what?!" I asked not knowing what to react.

"Kung may mang-away man sayo o ano, isumbong mo sa akin. Don't worry, I'll always protect you. Even if it means I have to fire all my employees," bilin niya habang ang kanyang kamay ay nasa baba ko.

He kissed me on my lips one more time before letting me go.

"Go back to work, my love. Call me if you need me." Nakangiti niyang sabi at bumalik na sa kanyang upuan.

Ako naman ay inayos muna ang itsura ko bago lumabas ng opisina niya.

I was expecting that all of their eyes are on me but surprisingly, not a single soul glance at me while I was walking back to my desk.

Thank goodness, I survived!

"Omg, girl! Is it for real? Isa kang Jackson?" tanong ni Jill, isa sa mga kaibigan ko dito.

I slightly nodded and she squealed.

"Holy sh*t! Ang swerte mo, girl! Why didn't you tell me this?" tanong niya at naupo sa tabi ko.

"I was scared. Jake wanted to blurt it out but me, I don't want to," sagot ko na lang.

"Why though? Bagay naman kayo ah," nagtataka niyang tanong.

"Long story. Basta ngayon, I have to deal with them. Mamaya, pag-chismisan nila ako," giit ko at nilingon ang mga kasama namin na ngayon ay sumusulyap sa akin.

"Oh, don't mind them. Mga inggeterang frog ang mga 'yan. Paganda pa more! Wala ring napala!" pagpaparinig niya sa mga babaeng lumalandi kanina kay Jake.

"Hoy, tumigil ka nga diyan!" suway ko sa kanya at bahagya pang tinakpan ang kanyang bibig.

"Oy, teka nga. Nasaan ang singsing mo?" tanong niya habang hawak ang kamay ko at pinagmamasdan ito. "Come on, wear it!" utos niya.

Wow ha!

I sighed before grabbing my bag and search for my ring.

Nang mahanap ko ito ay sinuot ko na ito sa daliri ko samantalang si Jill naman ay agad itong pinagmasdan.

"Shesh! Ang expensive tignan!" she said in a sassy tone.

I just laughed at her before continuing my work.

...

Ilang buwan na ang lumipas magmula nang malaman ng mga empleyado ni Jake ang tungkol sa amin at tulad ng inaasahan ko, mabilis itong kumalat sa iba pang mga empleyado.

Ngayon, iba na ang turing nila sa akin. Kung ituring nila ako ay dinaig ko pa ang isang donya kahit isa lang din naman ako sa mga empleyado ni Jake.

Sa totoo lang, ayaw na din niya na magtrabaho pa ako pero ako talaga itong makulit at pinilit siya. Hindi kasi ako mapakali kapag nasa bahay lang ako. Hindi rin naman ako makakilos dito dahil isang tambak ang mga kasambahay niya.

"Are you sure you're gonna be okay here? I'll just cancel my meeting---"

"No! Wag na, Jake. Okay lang ako. Medyo nahilo lang pero okay lang ako. Wala naman akong ibang nararamdaman," I reassured him.

"Are you sure?" tanong niya ulit na ikinatango ko lang.

We were preparing earlier for work when suddenly, I felt a little dizzy and almost fainted.

"Alright," he sighed. "Make sure you get some rest, okay? I'll come back as soon as I can," I nodded as an answer.

Niyakap niya muna ako at hinalikan sa noo bago lumabas ng kwarto namin.

Ako naman ay hinubad ko na ang uniform ko at nagsuot ng mas komportableng damit bago nahiga sa kama.

Medyo masakit pa rin kasi ang ulo ko at pakiramdam ko ay bumabaliktad din ang sikmura ko.

"Hija?" dahan-dahan akong bumangon at agad nadatnan si manang na nakadungaw sa mga pinto. "Kain ka muna bago ka magpahinga. Sinabi sa'kin ni Jake na masama daw ang pakiramdam mo," giit niya at tuluyan nang pumasok dala ang tray na may pagkain at gamot.

"Thank you po," sambit ko at tuluyan nang umupo sa kama.

"Nilalagnat ka ba, nak?" tanong niya at hinaplos ang leeg at noo ko.

"Hindi po. Masakit lang ang ulo ko, manang. Pagod lang siguro ito, ilang araw akong overtime sa opisina eh," paliwanag ko at tumango naman siya.

"Oh sige, kumain ka na at inumin mo 'tong gamot mo. Pagkatapos nun, magpahinga ka na ha," sunod-sunod niyang bilin na ikinatango ko naman.

Nang lumabas na siya ng kwarto ay kinain ko na ang dinala niyang pagkain at halos kalahati lang ang nakain ko. Ininom ko na rin 'yung gamot at nagpahinga saglit bago nahiga ulit sa kama.

Hindi pa man din ako nakakapikit nang biglang bumaliktad ang sikmura ko kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa cr.

Ilang minuto siguro akong nakasalampak dun sa sahig habang sinusuka lahat ng kinain ko nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.

Buong lakas akong tumayo at nagmumog muna bago nilapitan ang cellphone ko na nasa kama.

"H-hello?" giit ko at ramdam kong nasusuka pa ako.

"Hey, baby. Kumain ka na? Uminom ka na rin ba ng gamot?" sunod-sunod niyang tanong.

"Y-yeah. Tapos na, love."

"Are you okay? You don't sound okay, darling," nag-aalala niyang tanong.

"Yes, I'm fine. May meeting ka pa diba? Gawin mo na muna ang kailangan mong gawin, I'm fine here."

"Alright. I'll be home after the meeting. Pahinga ka na," bilin niya.

"I will," sagot ko naman.

"Love you, baby."

"Love you too, mahal."

Nang matapos ang tawag ay agad akong tumakbo pabalik sa cr para muling sumuka na kanina ko pa pinipigilan.

Now, this is a very weird morning...

To be continued

Hiding His Son ✓|Jackson Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon