Chapter 29

2.2K 30 1
                                    

Andriette's POV

"Kuya, wag mo ngang ganyanin 'yung anak ko. Tinatakot mo lang eh!" rinig kong suway ni Freya.

Teka, alam ko ay nasa States ito ah...

"Sa gwapo kong 'to, sasabihan mo ako na tinatakot ko 'yung pamangkin ko?" boses 'yon Trev.

Ayan na naman sila.

"Paglaki talaga ni Rafa, hinding-hindi ko hahayaang sumama 'yan sayo mag-isa."

"At bakit hindi naman ha?"

"Duh! Bad influence ka kaya," mataray na sagot ni Freya.

Kahit nakapikit ako ay naiimagine ko ang asaran ng dalawang ito.

"Kuya oh!"

"Tumigil na nga kayo, natutulog pa 'yung asawa ko. Kapag nagising si Andriette dahil sa kaingayan niyo, babatukan ko kayong dalawa," pananakot ni Jake habang hawak ang kamay ko at hinahaplos ang likod nito.

Unti-unti ko na ring naaalala ang mga nangyari at medyo may lakas na rin ako para idilat ang aking mga mata.

"Ate."

"Lagot ka," giit ni Trev.

"Ba't ako?! Maingay ka din kaya!"

"Ikaw lang 'yon."

"Shut up!" suway sa kanila ni Jake bago ako nilingon.

Nang luminaw ang paningin ko ay tsaka ko lang natanaw ang nag-aalalang mukha ng asawa ko.

"How are you, wife? Do you need anything? May masakit ba?" sunod-sunod niyang tanong habang mahigpit ang hawak sa kamay ko.

"Si Gabby?" mahina kong tanong.

"Don't worry, he's fine. Kasama niya ngayon sila mommy. Nandun sila sa opisina nung kinuha kong therapist para sa kanya," paliwanag niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

"A-ang baby natin?" medyo kinakabahan kong tanong.

He just smiled at me and kissed the back of my hand.

"She's perfect." Nakangiti niyang sagot habang kumikislap ang kanyang mga mata.

"Can I see her?" hiling ko sa kanya.

"Of course," sagot niya tsaka ako tinulungan na makabangon.

Pagkatapos nun ay binuhat na niya ako at pinaupo sa isang wheelchair tsaka ako nilabas ng silid habang ang mga kapatid niya ay nakasunod sa likod.

Nang makarating kami sa nursery room ay muli niya akong tinulungan na makatayo hanggang sa malakapit kami sa glass wall.

"Where is she?" tanong ko habang nakatingin sa mga sanggol na mahimbing na natutulog.

Inangat naman ni Jake ang braso niya at itinuro 'yung sanggol na nasa gitna at malapit lang mula sa amin.

I looked at her name tag sticking on her mini bed and smiled when I saw the name.

"Do you like the name?" he asked.

Nilingon ko naman siya na may ngiti sa aking labi bago unti-unting tumango bilang sagot.

Hiding His Son ✓|Jackson Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon