Andriette's POV
"You doing good, baby?" tanong ko sa anak ko at sinilip siya saglit.
Abalang-abala naman siya sa pagkukulay sa coloring book niya habang nakaupo sa carpet.
"Yes, mommy!" masigla niyang sabi at muling tinuloy ang pagkukulay.
Ako naman ako ay muling binalik ang tingin sa binabasa ko habang nakaupo sa rocking chair.
Tuwing wala dito si Jake sa mansyon ay madalas kaming tumambay ng anak ko sa library dahil mukhang namana rin ng anak ko ang hilig sa mga libro.
He has his own bookshelf full of his favorite stories and coloring books.
Minsan naman kung hindi niya trip magbasa o magkulay ay nandun siya sa playground niya naglalaro kasama ang yaya niya.
Literal na may playground talaga siya sa frontyard at mukhang okay lang sa kanya na maglaro mag-isa kaya hinahayaan na namin siya maglaro basta may nagbabantay sa kanya.
Kumuha na rin ng yaya si Jake para sa anak namin dahil ayaw niya daw na mapagod ako sa pag-aalaga kay Gabby.
"Mommy?" tawag sa akin ni Gabby kaya muli akong napatingin sa kanya.
"Yes, sweetheart?"
"Antok na'ko," pagod niyang sabi.
Mahina naman akong natawa at tinabi ang hawak kong libro tsaka pinuntahan ang anak ko.
"Let's go upstairs na," aya ko at binuhat siya palabas ng library.
Yumakap lang siya sa may leeg ko at pinatong ang kanyang ulo sa balikat ko.
Inakyat ko na siya papunta sa kwarto niya at maingat na hiniga siya sa kama. Nanatili lang ako sa tabi niya hanggang sa makatulog siya bago ako lumabas ng kwarto.
Bumaba na muna ako at nagtungo sa hardin para magdilig ng mga halaman.
Wala naman akong masyadong magawa dito sa bahay dahil isang tambak ang mga kasambahay na kinuha ni Jake. Sinisuguro niya talaga na hindi ako gagalaw dito.
Makaraan ang ilan pang minuto ay medyo bumigat ang pakiramdam ko kaya pinatay ko muna ang hose at naupo muna sa may swing.
I held my tummy as I felt like throwing up.
Ilang araw na akong ganito at kahit hindi ko pa nasusubukan ay alam ko na agad kung anong nangyayari sa akin.
Matindi talaga.
Pumasok na ako sa loob at nagtungo muna sa kusina para uminom ng tubig.
"Ma'am, ano pong gusto niyong gawin dito sa karne?" tanong ng isa sa mga kasambahay.
Pati pagluluto ay hindi ko rin talaga magawa dahil may naka-assign na para dun.
"Uhm, ikaw na bahala basta wag mong lalagyan ng vestin ha," bilin ko na ikinatango niya naman.
Dumeretso na ako sa ref para kumuha ng tubig nang maisipan kong sumubok ulit ng PT.
"Tessi, mamaya ka pa naman magluluto diba?" tanong ko sa kanya habang naglilinis siya ng lababo.
"Opo, ma'am. Bakit po? May iuutos po kayo?" tanong niya habang naglilinis.
"Pagkatapos mo diyan, pwedeng dumaan ka sa pharmacy? P-pakibili ako ng pregnancy test," nahihiya ko pang sabi.
Tila nagulat pa siya sa sinabi ko pero agad ding ngumiti tsaka sunod-sunod na tumango.
"Sige po, ma'am. Tapusin ko lang po ito." Nakangiti niyang sabi.
"Salamat. Ano rin pala, wag mo munang sabihin kay sir mo kung ano 'yung pinapabili ko ha," bilin ko at agad din siyang tumango.
Nginitian ko na lang din siya bago ako lumabas ng kusina papunta sa sala.
Kung buntis man ako, edi t*ngina mo, Jake. Usapan natin ay hintayin munang magtatlong taon si Gabby bago magkaroon ulit ng bagong baby!
Lintek talaga...
...
Confirmed, buntis nga ako.
Hay nako, Jake...
Binaba ko muna ang PT sa lababo ng cr tsaka ko hinaplos ang tiyan ko.
"Baby, ang galing talaga gumawa ng bata ng daddy mo 'no?" sarkastiko kong sabi at bahagyang ngumiti habang pinagmamasdan ang tiyan ko.
Binalot ko muna sa tissue ang PT at naghugas na ng kamay tsaka lumabas ng cr.
Muli akong umakyat sa kwarto ng anak ko at nahuli ko siyang nakahiga sa kama niya habang nanonood sa kanyang ipad.
"Gabriel," I said in a warning tone.
Mabilis niyang pinatay ang ipad niya at nagtulog-tulugan pa.
Mahina naman akong natawa bago tuluyang pumasok sa kwarto.
"I have a surprise for you," mahina kong sabi nang makaupo ako sa gilid ng kama.
Agad siyang nagmulat ng mata at paluhod na bumangon mula sa pagkakahiga.
"Ano po?" tanong niya habang kumikislap ang kanyang mga mata.
"Do you want a baby sibling?" I asked and he immediately gave me a wide smile.
"Yes, mommy! I want a baby sibling!"
"Will you be a good brother?"
"Of course! I will be the best brother, mommy! Promise!" confident niyang sabi.
Ngumiti naman ako at kinuha ang kamay niya tsaka inilapat ito sa tiyan ko.
"Mommy is pregnant, baby." Nakangiti kong sabi na ipinagtaka niya naman.
I forgot, he's only two...
"Your baby sibling is here, anak. And he or she will be out in a few months," I tried my best to explain it to him.
Tila nagloading pa siya ng ilang saglit pero maya-maya din ay agad sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
"Really?!" he asked, excitedly.
"Yes, don't tell muna kay daddy ha. Secret muna natin," he nodded and made a quiet sign.
...
Pasado alas-siyete na ng gabi nang makauwi si Jake.
Sabay-sabay na kaming naghapunan at pagkatapos nun ay umakyat na siya papunta sa kwarto namin para makapagpalit na ng damit.
Ako naman ay pinaliguan at binihisan muna ang anak ko ng pantulog at tsaka siya pinatulog bago ako nagtungo sa kwarto namin ni Jake.
Pagbukas ko ng pinto ay walang katao-tao dun sa loob ng kwarto.
Madilim ang paligid at tanging ilaw lang sa cr ang nagbibigay liwanag.
Lalapitan ko na sana ito nang biglang may kung sino ang sumulpot sa likod ko at niyakap ang bewang ko.
"Jake, you scared me!" bulyaw ko dito at mahinang hinampas ang braso niya.
"Is it true, darling?" he asked while kissing my bare shoulders.
"What true?" takang tanong ko.
Mabilis namang kumilos ang mga kamay niya at bumaba ito sa tiyan ko.
"This," sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko.
"How did you..."
"I know everything, sweetheart," maamo niyang sabi at muling inulanan ng halik ang balikat ko. "So, is it true?"
"I don't know," 'di ko siguradong sagot. "I mean, sa PT pa lang naman ako nagtake eh, I'm not sure yet."
"We'll go to the doctor tomorrow. I have a great feeling for this."
"Teka, paano 'yung trabaho mo?" tanong ko at sinubukang lingunin ang kanyang mukha.
"Don't worry about that, what's important is this," he caressed my belly and bend down to kiss it. "I have a feeling that this will be a girl," mahina naman akong natawa at sinimulang haplusin ang kanyang buhok.
Another angel is coming.
To be continued
BINABASA MO ANG
Hiding His Son ✓|Jackson Series #1
Genel KurguCOMPLETED STORY Andriette and Jake's marriage life took a wild turn when Andriette visited her husband at his office only to find out that he's with another woman who is very close to him. But that's not yet the worst part, after confessing everythi...