Chapter 18

2.1K 41 8
                                    

- A Year Later-

Andriette's POV

"Sige, mi. Mauna na ako, kailangan ko pang asikasuhin 'yung mga susuotin namin ni Jake eh. Thank you po sa pagbabantay kay Gabby." Nakangiti kong sabi habang nakatingin sa mag-lola mula sa screen ng cellphone ko.

"No worries, hija. Aba, unang apo namin ito! We're happy to babysit our grandson," masaya niyang sabi habang karga ang anak ko.

"Bye, Baby Gab-Gab! Mommy will see you soon ha, I love you!"

"Say babye na kay mommy, baby," natutuwang sabi ng manugang ko at hinawakan pa ang maliit na kamay ng anak ko tsaka iwinagayway ito.

Nang patayin ko na ang tawag ay nagtungo rin ako agad sa walk-in closet ng hotel room namin para maghanap ng masusuot mamayang gabi.

Meron kasing grand opening ng panibagong kompanya ni Jake dito sa Staes at dahil gusto niyang sumama din ako ay iniwan muna namin ang anak namin sa mga magulang ni Jake.

Mamaya na ang grand opening ng kompanya at pagkatapos nun ay mag-eenjoy na lang muna kami ni Jake dito sa US bago kami umuwi sa Pinas bukas ng gabi.

Medyo nahirapan pa ako sa paghahanap ng pwede kong masuot dahil ang daming pinabili ni Jake na mga damit na pwede ko daw suotin. Nung una ay hindi ako pumayag kasi marami naman akong damit sa Pinas na pwedeng dalhin pero nagpumilit siya dahil para raw hindi na ako magdala ng masyadong maraming damit.

Makalipas ang ilang minutong paghahanap ay nakahanap na rin ako ng damit na medyo pasok sa taste ko.

Hinubad ko muna ang suot kong damit tsaka sinukat ang napili kong dress.

Midnight blue fitted dress siya tapos ang haba ay hanggang hita ko lang at may konting slit din sa dulo ng damit.

Pagkatapos kong magbihis ay tsaka ako nagtungo sa salamin para tignan ang itsura ko.

Hapit na hapit ang damit sa katawan ko kaya naman ay kitang-kita ang kurbado kong katawan.


Hindi naman ganito ang katawan ko dati, pero nang magbuntis ako ay medyo lumapad ang ibang parte ng katawan ko.

While I was busy admiring myself, I suddenly saw him leaning against the doorframe, grinning while biting his lower lip.

"Damn," he mumbled.

Nang lingunin ko siya ay tsaka lang siya naglakad palapit sa akin.

"What?" I giggled when he just looked at me.

"Damn, baby. You're so sexy," he commented in a flirty way.

Mahina naman akong natawa habang nilalagay ko ang mga kamay ko sa batok niya.

"Ang ganda talaga ng nanay ng anak ko," malambing niyang sabi habang hinahaplos ang pisngi ko at 'yung isang kamay niya naman ay nasa bewang ko. "How did I get so lucky to find a woman like you?" tila nanlambot ang puso ko sa mga sinabi niya.

Gosh, he's so sweet.

...

"Congratulations, Mr. Jackson, for the new expansion of your property."

Kung ano-ano pa ang mga naririnig kong bati ng mga tao kay Jake pagkatapos niyang gupitin ang ribbon at buksan ang main door ng panibago niyang kompanya.

Nanatili lang ako sa isang tabi habang may hawak na isang baso ng wine habang si Jake ay paikot-ikot lang sa paligid para asikasuhin ang mga bisita niya.

Gusto ko sana siyang tulungan kaso parang bumigat ang pakiramdam ko at tila wala sa tamang wisyo ang pag-iisip ko.

I sometimes find myself just staring at the crowd.

I can't really focus well, gusto ko nang umuwi.

"Darling?" tila nabalik lang ako sa tamang wisyo nang kalabitin ako bigla ni Jake.

"Y-yeah? Kailangan mo ng tulong?" taranta kong tanong at tumayo ng maayos.

"Okay ka lang?" tanong niya at hinawakan ang braso ko. "Kanina pa kita napapansin na tulala. What's wrong?" bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Okay lang ako, mahal," I tried to smile but he's not convinced yet.

"Are you tired? Gusto mo bumalik na tayo sa hotel?"

"No! Hindi na. Okay lang talaga ako, tsaka may mga bisita ka pa oh. Asikasuhin mo muna sila, okay lang ako dito," I smiled at him and held his hand.

"Sure ka talaga?" he kept asking.

"Yes, I'm fine."

Nanahimik pa siya ng ikang segundo at tinignan lang ako hanggang sa humugot ito ng malalim na hininga.

"Fine, pero dun ka muna sa opisina ko nang makapagpahinga ka." Tumango na lamang ako at nagpahila na lang sa kanya papunta sa bago niyang opisina.

Pagkarating namin dun ay hinalikan niya muna ako sa noo bago ako iniwan dun.

Naupo muna ako sa upuan niya at nilabas saglit ang aking cellphone mula sa pouch ko. Tatawagan ko sana sila mommy para kamustahin ang anak ko ngunit nang buksan ko ang aking cellphone ay agad akong napaayos ng upo nang bumungad sa akin ang isang tambak na messages at missed calls mula kila mommy.

Agad akong binundol ng kaba at kinakabahang tinawagan sila mommy. Wala pang ilang segundo ay agad sin siyang sumagot.

"Mommy---"

"Andriette! Si Gabriel nawawala!" tila bumagsak lahat ng dugo ko papunta sa aking paa at mas lalong bumigat ang nararamdaman ko.

"M-mi, a-anong ibig mong sabihin?" kinakabahan kong tanong at tumayo mula sa kinauupuan ko.

"Pumunta kami kanina sa parke kasama ang yaya ni Gabriel. Nag-cr lang ako saglit kaya iniwan ko muna si Gabriel sa yaya niya tapos pagbalik ko, wala na sila!" mangiyak-ngiyak niyang tanong. "Inikot ko na 'yung buong parke, nagpatulong na rin ako sa mga guwardya dun pero hindi namin sila mahanap!" kaagad akong kumaripas ng takbo palabas ng opisina habang may mga luhang nagbabalak tumulo mula sa aking mga mata.

Agad kong hinanap sa paligid si Jake at nang matagpuan ko siya ay mabilis akong tumungo sa pwesto niya.

"Jake! Jake! 'Y-yung baby natin! 'Yung anak natin, n-nawawala!" nanginginig kong sigaw, bagay na pumukaw ng atensyon ng lahat.

"What?!" Sigaw niya.

Iniabot ko sa kanya ang cellphone ko para siya na ang kumausap sa mommy niya.

"WHAT DO YOU MEAN MY SON IS MISSING?!" he rumbled making everyone stood quietly.

No, my baby...

Wala na akong marinig pa sa usapan nila Jake at tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko.

I hope my baby is not harmed, please!

Naramdaman ko na lang ang paghila sa akin ni Jake papunta sa elevator. Nang makababa kami sa parking lot ay muli niyang hinawakan ang kamay ko para hilain pabalik sa kanyang kotse.

Naramdaman ko ang muling pagtulo ng aking luha kasabay nang aking paghikbi na siyang ikinatigil ni Jake sa paglalakad.

"Hey, don't cry, honey," bumalik ang masuyong boses niya at nilapitan ako. "We will find them, we will find our son, okay? I'll make sure I'll find that bastard who took our baby. Don't cry, darling," pag-alo niya sa akin at pinunasan ang aking basang pisngi.

To be continued

Hiding His Son ✓|Jackson Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon