Isaiah
Nag iimpake na ako ng gamit ko ngayon. Ilang days na lang at aalis na ako papuntang US. tinawagan na ako ng agency at sinabi sa akin na nakapasa ako sa interview at yung nag interview sa akin ay tinawagan sila para sabihin i passed sa final interview.
Sila na ang gagastos ng plane ticket ko papuntang US. siniguro ko na wala akong maiiwan na gamit dito. Sakto lang ang laman ng luggage ko. kung ano ang suot ko rito ay masusuot ko din doon sa US dahil same lang sila ng climate or weather doon.
Habang nag iimpake ako ng mga damit ko ay may nalaglag na isang bagay mula sa damit na tinutupi ko ngayon. parang piso na barya ang tunog na iyon nung nahulog ito sa sahig.
Dinampot ko naman iyon at saka pinagmasdan iyon. naalala ko na napulot ko ito sa tabi ng hinihigaan ko na hospital bed nung sinugod ako ng lalaking nagligtas ng buhay ko at nagbantay sa akin sa hospital ng ilang araw.
Hugis singsing iyon at kulay ginto. mabigat iyon hindi kagaya ng ibang singsing na nilalako sa mga jewelry shop sa mga malls sa pilipinas. ito ay mabigat at parang ilang gold bars ang tinunaw doon para maghulmang singsing iyon na makapal.
Hindi ko alam kung sa kaniya ba iyon? pag ma-may ari ba iyon ng lalaki o ng ibang pasyenteng naka confined sa kwartong iyon bago ako ipasok o ilagay sa loob ng kwartong iyon.
Naalala ko bigla rin ang lalaking iyon, napakabait niya at naawa siya sa kalagayan ko nung sinugod niya ako sa hospital. alam ko ang pangalan niya. narinig ko kasing sabi ng nurse na pumasok sa loob ng kwarto kung saan ako naka confined nung binanggit niya ang pangalan ng lalaking iyon after nito sagutan ang form na binigay sa kaniya ng nurse.
“Edward....! Edward Anderson.”
Bulong kong sambit sa pangalan niya.
Pinagmasdan ko ang singsing at may design iyon paikot sa labas na parang line na makikita sa mga heart rate monitor ng mga pasyente sa hospital. sinuot ko ang singsing na iyon at nagkasya ito sa palasingsingan ko.
Nilayo ko ang kamay ko para tignan kung maganda ba ito sa kamay ko at maganda nga siya tignan. pero naisip ko kung sino ang may ari nito. wala na akong time para hanapin ang may ari nito dahil paalis na ako ng Germany sa darating na weekend.
“Itatabi ko na lang ito at hindi isusuot.”
Bulong kong sabi.
Pinalaki ako ni nanay na kapag hindi mo gamit ay huwag mo susuotin o gagalawin. itabi mo na lang kung sakali man na hanapin ng may ari ang bagay na iyon? maibabalik natin iyon sa kaniya.
Pinasok ko iyon sa lalagyan ko na parang wallet na malaki na pinaglalagyan ko ng ballpen ko, rosary at novena. At saka ko na ulit inasikaso ang mga damit ko na kailangan pang tupiin ng maayos para magkasya ang lahat ng ito sa loob ng luggage ko.
BINABASA MO ANG
THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)
RomanceGraduate ng Caregiver si Isaiah sa Isang kilalang training center, hindi na niya natapos ang kaniyang pag ko-kolehiyo dahil gusto na niyang tumulong sa kaniyang Ina na single parent. may dalawa siyang kapatid na nakakabatang babae. kinuha siyang ca...