Edward
"Mr. President, may appointment kayo kay Director Samson ngayong araw. 1pm."
Sabi ng Secretary ko.
Nakatayo lang siya sa harapan ko at hawak niya ang folder na naglalaman ng mga schedule ko ngayon. Nakaupo lang ako sa swivel chair ko at pinaglalaruan ang ballpen ko sa daliri ko.
"Mr. President?"
Tawag sa akin ng Secretary ko. malalim kase ang iniisip ko kung ano na ang update kay Isaiah. Nawala ako sa pag iisip ung tawagin ako ng secretary ko.
"Uhm... Yes?!"
Tanong ko sa kaniya sabay angat ng tingin na rin sa kaniya.
"Mukhang malalim ang iniisip niyo, itutuloy niyo po ba ang appointment niyo kay Director Samson?"
Tanong niya sa akin.
Huminga muna ako ng malalim bago ako magsalita.
"I-cancel mo lahat ng appointments ko starting this afternoon hanggang Saturday, lilipad ako papuntang Germany."
Sabi ko sa kaniya.
"You mean Mr. President, three days ka mawawala rito sa Company?"
Tanong sa akin ng Secretary ko.
"Yes! gawin mo na kaagad. At paki book mo na rin ako ng flight papuntang Germany ngayon mismo."
Sagot ko sa kaniya.
"Copy! Mr. President."
Sagot niya sa akin at naglakad na palabas ng office ko.
Pagbukas niya ng pintuan ng office ko ay agad ko kinuha ang phone ko at saka nag chat ako kay Allen.
*Conversation nila Allen at Edward*
E: Kumusta lagay niya? how's David?
A: His okay Mr. President, nagpapalakas na siya ngayon rito sa mansion.
A: Kausap ni David si Isaiah ngayon.
E: Well good! bantayan mo mag ina ko.
*End of Conversation*
After ko malaman na nagpapagaling na sa mansion sa Germany si Isaiah ay napangiti ako. Gusto ko na siya makita at mayakap.
Tumayo na ako at nilagay ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko na itim at naglakad na papunta sa pintuan ng office ko. Pagkalabas ko ay sinalubong ako ng secretary ko.
"Na cancel ko na po lahat ng appointments niyo starting this afternoon until Saturday po. Nakakuha na po ako ng tickets niyo papuntang germany."
Sabi niya sa akin.
"Thanks for updating me. ipahanda mo na ngayon sa captain ng plane ko ang eroplanong sasakyan ko papuntang Germany, Mamayang gabi ako aalis ng bansa."
Sabi ko sa kaniya.
"Masusunod, Mr. President"
Naglakad na ako sa hallway papuntang elevator at sumakay na sa loob. Nasa likod ko ang secretary ko at agad na niya tinawagan ang Captain ng eroplano ko.
Pagbaba namin sa ground floor ng company ko. Paglabas namin ng elevator ay natigilan ako nung makita ko ang mag asawa na dating amo ni Isaiah at ang pumatay kay Scarlet.
Nakita nila ako at dali-dali silang lumapit sa akin dalawa habang nakangiti.
"Good afternoon Chairman Edward."
BINABASA MO ANG
THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)
RomanceGraduate ng Caregiver si Isaiah sa Isang kilalang training center, hindi na niya natapos ang kaniyang pag ko-kolehiyo dahil gusto na niyang tumulong sa kaniyang Ina na single parent. may dalawa siyang kapatid na nakakabatang babae. kinuha siyang ca...