Chapter 1

858 30 3
                                    

Isaiah





"Nay, aalis na po ako!"

Sabi ko kay nanay. nakaharap ako sa salamin at nagsusuklay ng buhok. ilang days na lang at pa graduate na ako sa Caregiving NCII.

"Naayos mo na ba ang baon mo? huwag kang mag papa gutom huh? after mo magpakain ng patient mo, kumain ka din. maliwanag?"

Bilin ni nanay sakin.

Humarap naman ako sa kaniya.

"Opo, nanay! ilang days na lang pala. tapos na ako sa OJT ko. graduate na ako ng caregiving. nakapasa na ako sa Tesda eh. so pwede na ako mag apply pa ibang bansa."

Masayang sabi ko kay nanay.

"Matutulungan ko din kayo balang araw nanay. hindi ka na nahihirapan pa mag budget ng pera pang bayad sa upa dito sa bahay at sa mga pangangailangan ninyo kapag nasa abroad na ako."

Confident kong sabi kay nanay.

"Sana nga anak! araw-araw akong nananalangin na sana ay makapasok o matanggap ka kaagad sa Agency na pag a-aplayan mo pagkatapos mo grumaduate sa Caregiver."

Umaasang sabi sakin ni nanay.

"Matutupad iyon nanay, may awa ang Diyos sa atin. matutulungan niya tayo basta't malinis ang ating hangarin at intensyon kung ano ang hinihiling natin sa kaniya."

Ngiting sabi ko kay nanay.

"Oh? paano nay?! mauna na ako?!"

Masayang paalam ko kay nanay.

"Mag-iingat ka huh? magsimba ka mamaya after ng OJT mo. okay?"

Bilin sakin ni nanay.

"Opo, nanay!"

Sabi ko sa kaniya.

"Nadala mo ba ang payong mo? mainit na sa labas. mag payong ka para hindi sumakit ulo mo sa init, mahirap na magkasakit sa panahon ngayon."

Habol pa niyang sabi sakin.

"Nandito na po sa loob ng bag ko po."

Sabi ko naman sa kaniya.

"Mauna na ako nanay!"

Sabi ko at saka na naglakad na palabas ng bahay namin.

"Mag iingat ka sa daan huh?"

Pahabol niyang sigaw sakin.

"Opo!"

Sigaw ko at naglakad na palabas ng gate at tinahak ang kalsada palabas ng kanto. paglabas nito ay highway na kaagad. mag aabang na ako ng FX papunta sa bahay ng pasyente ko kung saan ako na assigned.

OJT ko kase ngayon for almost 1 month at Ngayon iyon, malapit na siyang matapos. pag natapos na ako ay ganap na akong graduate sa Caregiving NCII. makukuha ko ang Certificate ko sa training center na iyon kung saan ako nag enrolled.

Pagpara ko ng FX ay tsaka ako pumasok sa loob at umupo na tapos nag bayad na rin ako. ganito lagi ang daily routine ko tuwing umaga. nakakasawa din minsan pero inisip ko na lang ay makaka graduate na ako at makakapag apply pa ibang bansa.

Hindi ko namalayan ang mabilis na takbo ng FX na sinasakyan ko at nag babaan na din ang mga pasahero pagdating ng Vito Cruz.

"Oh, libertad diyan oh? bumaba mga pasaherong bababa riyan sa libertad!"

THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon