⚠️Warning: Killing and vulgar words⚠️
"mom?" The young boy walked towards the room. Nakakaramdam siya ng takot dahil pakiramdam niya ay mag-isa lang siya sa malaking bahay nila dahil bukod sa madilim ay walang sumagot sa kaniya ng tawagin niya ang kaniyang ina.
"Mom.. yaya where are you?" Tila may nginig at takot ang boses niya habang papalapit sa kwarto kung saan may tanging liwanag
"Mom--" natigil siya sa pagsasalita ng may humila sakaniya kaya mas lalong kumabog ang dibdib ng bata. Wala siyang maaninag dahil pinasok siya ng kung sino man sa isang bakanteng kwarto na madilim.
"Blaze, it's me Yaya Neza" may luhang yumakap si Blaze sakaniyang yaya pero agad din siyang pinatahan at pinatahimik ng yaya na para bang kailangan nilang magtago at manahimik dahil maaari silang mamatay ano mang oras.
*Bang!
Mas lalong nanginig ang bata ng marinig iyon kaya niyakap siya ng yaya neto at tinakpan ang tenga. Alam niya kung ano ang nangyayari at aware siya na ano mang oras ay isusunod sila.
Pinasok ng mga bandidong lalaki ang mansyon ng mga De Vera at lahat ng guard sa labas ay napatay nila , ang mga kasamahan niya hindi niya rin alam kung anong nangyari. Buti na lang at siya ang nakakita sa nag-iisang anak ng mag-asawang De Vera na si Blaze.
"Look Blaze, whatever happen don't ever come out or make any noise, wait until someone will rescue you. Never place your trust in unfamiliar individuals unless they are either law enforcement or it's your father's men."
Hindi napigilan ni Neza na maiyak dahil alam niyang ito na ang huling araw at oras na makikita niya ang alaga niya at hiling niyang hindi siya matunton ng mga lalaking bandido.
"Yaya why are you telling me this?? Where is mom?"
"Shhh.. Blaze be brave okay , remember those things I've said. And always remember that your mom loves you ,okay?"
Niyakap niya ulit ang alaga at dahan-dahan niyang itinago si Blaze sa nakatagong compartment ng drawer siguradong hindi siya makikita dahil salamin ang harap nito at hindi makikita ang kung ano sa loob ngunit makikita pa rin ng taong nasa loob ang labas nito.
BINABASA MO ANG
A Psycho's Obsession (COMPLETED)
RomanceBlaze De Vera is a psychotic man ,that is obsessed with this college student. Aangkinin niya ang dalaga at walang makakapigil sakaniya.