Madame de Vera
Nag-aalala na ako sa mga nagdaang araw dahil sa mga balitang patungkol sa pagpatay sa mga pamilya ng mayayaman. Parang bumabalik yung trahedyang nangyare noon na ayaw kong maulit muli.
"What's the plan madame? we can't just stay calm and wait for them to attack. Alam nating babalikan kayo nga mga taong iyon. "
"I know Barol , pero hanggat walang senyales na may ginagawa sila laban saatin hindi ako mag-aalala." I know for sure that the day will come na tutugisin din kami. Hindi ko pa sigurado ang buong pakay nila saamin but I need to prepare.
"Hanggat hindi nila alam ang tunay na pangalan ni Blaze mananatili siyang tago. Alam kong hindi nila kayo papatayin dahil may gusto silang makuha." ramdam ko ang pag-aalala ni Barol. He's been with me since then as my asisstant.
"Oo tama ka kaya hindi ako nangangambang gagalaw agad sila laban saamin." Kailangan maging maayos muna ang kalagayan ni Blaze bago ko ipaalam sakniya ang lahat.
Third person's point of View
HINDI matanggap ni Blaze ang nangyari kahapon dahil sa nangyaring gulo sa pagitan ni Jace. Hindi niya ito palalagpasin dahil galit sakaniya si Chae at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nakikita. He dialed his friend's number.
"Bud I need you to do something for me."
"Hello sa baliw kong kaibigan mula mental kahit hindi man lang ako binati ng 'hello'. Ano nanamang kabaliwan yan?" Blaze have no time for his friend's drama.
"It's about Chae."
"Oh the girl you're telling me na wife mo?"
"Yeah." sinabi ni Blaze ang gusto niyang mangyari at naintindihan naman niya ito agad. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip ni Blaze at naisip niyang gawin ito. Walang ibang nagawa ang kabigan kundi pumayag sa kagustuhan nitong mangyari.
Nakatayo si Blaze ngayon habang hawak ang sintido niya. His aura is so cold and mad. Alam niyang iniiwasan siya ni Chae dahil kahit pinuntahan niya ito sa bahay nila ay wala siya dahil nakitulog daw sa kaibigan niya. Alam niya kasing baka puntahan siya ni Blaze pag nagkataon.
Ayaw na ayaw ni Blaze ang feeling na iniiwasan siya ng mga taong mahalaga sakaniya.
BAGO umalis ng bahay si Chae ay kina-usap muna siya ng mga magulang niya. Wala siyang ideya sa mga sasabihin nila dahil kakauwi niya lang galing sa bahay nila Lia.
"Anak napag-usapan namin ng tatay mo na bumalik sa probinsya dahil hindi na nagiging komportable ang ama mo rito sa syudad alam mo naman ang kalagayan niya diba kaya doon na muna kami baka sakaling maging maayos ang pakiramdam niya." Malungkot na sambit ng ina habang ang kamay nito.
" Kung ano po ang makakabuti kay itay." nalulungkot siya sa totoo lang dahil maiiwan siyang mag-isa pero kung para ito sa ama niya ay okay lang. Yumakap siya sa ina at pagkatapos ay sa ama.
"Magrelax ka lang doon tay ha wag ka po magpapagod, mahal ko po kayo." Tumango ang ama at hinaplos ang buhok ng anak.
" Doon na lang namin itutuloy ang karinderya anak para may maipadala pa rin kami sayo habang hindi ka pa graduate."
"Hindi na po inay may allowance pa rin naman po ako mula sa scholarship ko. Unahin niyo na po muna ang sarili niyo at gamot ni itay, mag-ingat po kayo ron."
"Ikaw rin anak mag-iingat ka dito babalik na lang kami bago ang graduation day mo. Baka hindi mo na kami maabutan dito mamaya anak dahil alas dose na ang biyahe namin ng tatay mo."
BINABASA MO ANG
A Psycho's Obsession (COMPLETED)
RomanceBlaze De Vera is a psychotic man ,that is obsessed with this college student. Aangkinin niya ang dalaga at walang makakapigil sakaniya.