SA hindi inaasahan habang pabalik sila madame de Vera ay may tumambang sakanilang dalawang itim na sasakyan kaya hindi sila makaalis. Nagtaka siyang lumingon sa harap at likuran ng sasakyan.
"Hindi po tayo makaalis madame may nakaharang." sabi ng Driver niya. Nanatiling kalmado si madame at hinintay ang mga susunod na mangyayari.
May isang lalaking nakaitim ang lumabas sa isang sasakyan at lumapit sa sasakyan ng madame.
"It's been a while, madame. Pleasure to meet you again." he smirked while looking.
"Frevo." hindi siya nagpakita ng kahit anong emosyon dahil ayaw niyang ipakita sa lalaking ito na may takot at pangamba sakaniyang isip.
"Oh you remember me."
"Of course. Sinong hindi makakaalala sa demonyong gaya mo. You killed my son and his wife."
"Oh Crap, I did?" tila nang-aasar pa ito. Nagpanggap itong nalungkot kaya mas lalaong nainis si madame de Vera. Kakaiba talaga ang isang ito, parang wala siyang kinakatakutan na kahit ano pa man.
"What do you need?"
"Come on, you know what I need." tumawa pa ito at binuksan ang back seat para makiupo sa tabi ng matanda. "Don't worry wala akong gagawin sa'yo hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko. Not now but soon." muli nanaman itong tumawa.
Huminga ng malalim ang matanda at umatras kaunti dahil naiilang siyang katabi ang lalaking pumatay sa anak niya pero wala siyang magawa para makuha ang hustisya.
"Wala saakin ang hinahanap niyo." matapang niyang hinarap ang lalaki.
"Alam ko. I'm just here to greet you At balaan ka na mag-ingat sa pinagkakatiwalaan mo." napalingon siya sa sinabi ni Frevo.
"What do you mean."
"Galing ka sa dating driver ng anak mo hindi ba? Hindi mo ba alam na siya ang dahilan kung bakit namatay ang pamilya ng anak mo, kung hindi niya sana sila trinaydor hindi sila mamatay." mas lalong kinabahan ang matanda sa sinabi nito kaya nanatili siyang tahimik at hinihintay ang iba pang detalye.
"Hayaan mong ikwento ko sa'yo ang lahat ng nangyari at iparinig ang pinag-usapan namin ni Mario." hinanda niya ang isang recorder.
Nagulat ang matanda sa mga nalaman at narinig niya. Hindi na niya alam kung ano ba ang gagawin niya at kung sino pa ang pagkakatiwalaan niya. Hindi na talaga ligtas na magtiwala sa iba.
Flashback
NAG-MADALING umalis si Mario mula sa mansiyon ng mga De Vera habang natutulog ang pamilya para makipagkita sa isang tao.
"Nakuha mo ba ang impormasyong kailangan ko?" seryusong sambit ni Frevo habang humihithit ng sigarilyo ng makitang tumango ito sa takot ay napangiti siya.
"O-opo."
"Then tell me kung ano ang titulong iyon."
"Ang titulong iyon ay para sa ownership ng isang isla. Binigay ito ni Mr. O'neill, ang kasama niyo sa industriya, bago ito mamatay. At ang i-islang ito ay.." napalunok si Mario at napapikit na natahimik.
"Ano?! sabihin mo huwag ka ng magpapaligoy-ligoy." galit na galit siya dahil gusto na niyang malaman ang lahat.
"May mga kayamanang na nakapaloob. Mga ginto, diamonds at iba pang mayayamang bato. Lahat ng kayamanan ni Mr. O'neill ay narito kaya ayaw ng mag-asawang ipaalam sa'yo."
"Ha! mga hangal. Kaibigan din nila ako pero traydor sila dapat saakin napunta iyon." Tumindi ang pagnanais niyang kunin ang titulong iyon kahit ano pa man ang kapalit , kahit buhay pa yan. "Nasaan ang titulo?"

BINABASA MO ANG
A Psycho's Obsession (COMPLETED)
RomanceBlaze De Vera is a psychotic man ,that is obsessed with this college student. Aangkinin niya ang dalaga at walang makakapigil sakaniya.