KASALUKUYANG nilalagyan ng ice pack ang pasa ni Chae sa likod at ulo dahil sa nangyari kanina. Pero kahit na ganoon ang nangyari ay kalmado pa rin siya at hindi mo siya makikitaan ng pagkainis kundi pag-aalala pa. Pag-aalala sa kung ano ba ang nangyari at naging ganoon ang reaksyon ni Blaze pagkatapos marinig ang balita. Ang pagwawala ng isang psychotic na may trauma ay dahil may mga bagay siyang nakita o narinig na may kinalaman sa trauma niya kaya hinala ng dalaga may kinalaman ang balitang iyon sa nangyari sakanila.
"Kumusta na po si Blaze."
"Kapag nagkaganun siya ay hinahayaan namin dahil siya mismo ang magpapakalma sa sarili niya. Sa ngayon seryuso siyang nag-iisip ng mga bagay na hindi natin alam. Paparating na rin ang lola nia kaya wag ka ng mag-aalala." Hinaplos ni nurse Loita ang braso ng dalaga.
"Ang sarili mo muna ang alalahanin mo. Pasensya na at dinala kita sa ganitong pangyayari kung hindi kita pinaki-usapan siguro ay maayos pa ang lahat. Huwag kang mag-aalala hindi na kita papapuntahin doon."
"Okay lang po ako nurse Loita gagawin ko po ang trabaho ko. Magandang experience po ito para handa ako sa actual na pagtratrabaho sa hinaharap." nakangiting sambit ni Chae. Napakabait niya talagang bata dahil iniisip niyang inspirasyon ang mga bagay na nakasama sakniya.
"Sige iha, pero kapag nangyari pa ito hindi na kita pipiliting magtrabaho para kay Blaze." Tumango siya at nagpaalam na pupuntahan si Justin para kumustahin.
Tahimik na bata si Justin yun ang unang napansin ni Chae noong umaga na puntahan niya ito. Pero hindi ito nakikitaan ng emosyon.
"Hello Justin, Kumusta na ang pakiramdam mo?" lumingon lang sakaniya ang bata at tumingin ulit sa kawalan.
"nandito ulit ako para bigyan ka ng gamot ha." sinalinana ng dalaga ang baso ng tubig saka lumapit sa bata. Bago ito kunin ng bata ay nabaling ang mata niya sa braso ng dalaga na may bandage kaya tumikhim si Chae at inilagay sa likod ang kamay. Ito yung hinawakan ni Blaze kanina ng mahigpit kaya nagkapasa.
"sugat." tanging salita ng bata kaya tinakpan ni Chae ang braso niya.
"Hindi, namaga lang ito dahil may nangyari kanina kaya wag ka ng mag-isip ng kung ano hmm?" ngumiti ito sakaniya para ipakitang masaya ito. Alam niya ang nangyari kay Justin noon kaya kung maaari mga positibong bagay lang dapat niyang ipakita.
Tumango ang bata at ininom ang gamot. Nakipagkwentuhan pa si Chae sakaniya kahit hindi ito masyadong sumasagot. Pagkatapos ang pag-uusap nila ay umalis na siya sa kwarto ni Justin.
Habang naglalakad ay may tumawag sa pangalan niya kaya lumingon siya.
"Chae , Are you okay? nabalitaan ko ang nangyari kanina.." nag-aalalang tanong ni Jace.
"Jace, Okay lang ako kaunting gasgas at pasa lang ito." may ngiti sa labi ang dalaga kaya nakahinga ng maluwag ang binata.
"Mag-iingat ka sa susunod , leave if you sense that you can't handle the situation." He said in a serious tone. Tumango naman si Chae.
"Naglunch ka na ba?"
"Hindi pa, Jace."
"Okay sabay na tayo. Out na rin ako eh."
"Sige." wala namang problema kung magsasabay sila eh.
Habang hinihintay ang order ay naisipang tanungin ni Jace si Chae ng mga bagay na gusto niyang malaman tungkol sa dalaga.
"By the way, do you have a boyfriend Chae?" Nanlaki ang mata ng dalaga sa tanong niya. Hindi pa kasi niya naencounter ang mga ganitong tanong dahil sa pag-aaral lang siya nakafocus.
"Don't get me wrong you're beautiful, intelligent and kind so I guess you have one?" Agad namang bawi ng binata ng mapansing parang hindi siya komportable sa tanong nito.
BINABASA MO ANG
A Psycho's Obsession (COMPLETED)
RomanceBlaze De Vera is a psychotic man ,that is obsessed with this college student. Aangkinin niya ang dalaga at walang makakapigil sakaniya.