Chapter 15

5K 88 3
                                    


MAS tumindi ang galit ni Blaze na umalis sa bahay nila Chae. Babalikan kita wife, I have to fix this. Hindi niya palalagpasin ang nangyaring iyon, she can't lose her. Agad niyang dinial ang number ni Zage.

"Hanapin mo kung sino ang huling kina-usap ni Chae ngayong araw. ASAP."

"On it." mabilis na gumalaw si Zage at walang kahirap-hirap na nakakalap agad siya ng impormasyon.

"Shet, its nurse Loita."

"F*ck kaya pala. Nalaman ni Chae ang tungkol kay Glaiza." galit na usal ni Blaze. 

"What the f*ck bud. Galit siya?"

"Sobra at hindi ko nagustuhan ang galit niya." Pinatay na niya ang tawag at pinaharurot ang sasakyan. Marami na ang gumugulo sa isip niya at dumagdag pa ito. Mas lalong sumasakit ang ulo niya para ng mababaliw ng sobra. 

"Mom I know you don't want me to do this but I have no choice." paumanhin niya na tila ba nasa tabi lang niya ang ina. May binabalak nanaman ito sa kaniyang utak.

Malakas na tinampal ni Blaze ang ibabaw ng mesa ng makarating siya sa opisina ni nurse Loita.

"Bakit mo sinabi kay Chae ang tungkol kay Glaiza?! What are you up to?" galit na galit siya. Mas lalo pa itong nainis dahil sa ngiti ni nurse Loita.

"Binalaan ko lang siya sa kung ano ang pweding mangyari sakaniya." tila natutuwa pa ito sa sinabi niya. Kung hindi lang siya matandang babae ay kanina niya pa ito sinapak pero nagpigil siya.

"Huwag kang mangingi-alam saamin." tiim-baga niyang babala.

"Hindi ka santo Blaze para sundin ko at isa pa, hindi ba dapat niya itong malaman?"

"Wala siyang dapat malaman dahil wala naman dapat ipag-alala. Alam mo kung ano ang totoo."

"Na kay Chae na rin ang desisyon ngayon, Blaze wala saakin." mas lalo niya pang sinuntok ang vase sa tabi ng mesa kaya nabasag ito. Kahit magalit pa siya ay tapos na rin , nasabi na ito kay Chae.

"Pagsisihan mo ito." ito ang huli niyang sinabi sa matanda bago ito umalis dahil baka kapag nagtagal pa siya ay makasakit na siya ng walang kontrol. 



MAG-AALAS otso na ng gabi maisipan ni Chae na umuwi galing sa condo ni Lia. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Blaze ay pumunta siya kay Lia para sabihin kung anong nangyari. Talagang mabigat pa rin ang pakiramdam niya kahit na nailabas na niya ang hinanakit niya.

"Nagpabook na ako ng grab gurl. Wait mo na lang sa labas. Palit muna ako ihahatid kita sa labasan."

"Hindi na Lia, kaya ko na to. Baba lang naman ako eh. Thank you for your comfort." yumakap lang sakaniya si Lia at hinimas ang likod nito. Pagkatapos mag-paalam ay umalis na rin ito para hintayin ang grab.

May papalapit ng grab sakaniya at ang hula niya ay ito na nga ang pinabook ni Lia. Agad siyang sumakay at sinabi ang address. Hindi sumagot ang grab driver at pinaharurot na ang sasakyan.

Ng makalayo na ay napansin niyang iba ang daang tinatahak nila.

"Manong hindi po ata dito ang daan papunta sa bahay ko." Hindi pa rin sumagot ang driver at nagpatuloy ito sa pag dadrive. Kinakabahan siya sa mga oras na iyon.

"Manong ano ba?!" hinawakan na nito ang balikat para patigilin ito pero nagulat siya kung sino ang nagmamaneho.

"We're going home, wife. Tama ang daan natin."

"B-Blaze, ano nanamang kalokohan ito? alam mong hindi ito ang papunta sa bahay."

"Sa bahay KO tayo uuwi." diniinan niya pa ang 'KO'. Umirap ang dalaga sakniya.

A Psycho's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon