Chapter 24

4.2K 80 3
                                    

THIS time Blaze wants to be happy with Chae and their son. Gusto niyang ibaon sa limot ang lahat ng nangyari sa nakaraan, he wants to start a new life. Marami na siyang nalaman na hiniling niyang sana hindi na lang niya nalaman.

Akala niya sa pag-uwi niya ay sasalubungin siya ng kaniyang mag-ina, akala niya mahahagkan na niya ang kaniyang anak, akala niya yayakapin siya ng mahigpit ng kaniyang asawa at babatiin ng 'welcome back, asawa ko' pero hindi.

Mga bulaklak, maraming tao, itim at puting tela, mga kandila, at kabaong ang sumalubong sakaniya. Kakaiba ang nararamdaman niya tila ba gusto niyang magising kung panaginip man ito.

"Blaze, apo.." tawag sakaniya ng kaniyang lola habang siya ay nanigas sa kinatatayuan niya. Lumingon sakaniya si Chae, mugto ang mata at puno ng pagdadalamhati ang emosyon. Ayaw niyang makitang nasasaktan ang asawa niya, ayaw niya ang nakikita niyang Chae ngayon.

Naglakad papalapit si Blaze sa isang maliit na kabaong. "Nakabalik ka na pala, apo. We're so sorry .." tuluyan na ring umiyak si madame De Vera at umiwas ng tingin. Umiling si Blaze at nilapitan ang kabaong atsaka lumingon kay Chae

Tinitigan niya ito sa mata. "He's.. he's my son?" parang hirap siyang sambitin ang mga tanong niya. Humagolgol si Chae at tumango. F*ck, why?

Kumuyom ang kamao niya at pinunasan ang kaniyang luha. Bumalik ang tingin niya sa kabaong at hinimas ang salamin nito. Parang mahimbing lang na natutulog ang bata. Ngumiti si Blaze at napa-isip. 

You're so handsome like your dad, son. Pero bakit naman iniwan mo agad ako? hindi pa kita nahawakan, nayakap at nahalikan. You didn't wait for me son..

"AAAARGGHHHH!" umalingawngaw sa buong bahay ang sigaw ni Blaze. He's grieving and heart broken. Lumapit si Chae sakaniya at niyakap siya para pakalmahin ito. Ibinaon niya ang ulo ng binata sa dibdib niya at doon bumuhos ang lahat ng luha ni Blaze.

"I'm sorry Blaze.." masakit rin sakaniyang makita si Blaze na ganito. Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit hindi man lang nakita ng binata ang anak nila. 

Chae needs to strengthen her emotions to comfort Blaze. Walang nagsalita ni isa sakanila, hindi pa alam ni Blaze ang rason kung bakit namatay ang kanilang anak. Nanatiling tahimik habang nakatingin sa kabaong si Blaze.

Ang lahat ng tao sa loob ay malungkot at nagluluksa. Napakabata pa ni Blaid para harapin ang kamatayan pero sadyang malupit ang tadhana.

"Blaze matulog ka na muna kahit kaunting oras lang. Alam kong pagod ka na." malumanay na sambit ni Chae. Halos parehas na kasi silang walang pahinga buong magdamag na nakabantay sa kabaong ng anak.

Hindi nagsalita si Blaze at hinila ang beywang ni Chae na nakatayo sa harap niya para yakapin. "Pagod ka na rin wife, pero nanatili ka. Ganoon din ang pakiramdam ko so just hug me and be my strength."

Pigil ang luha ni Chae na tumingin sa kawalan, hinaplos niya ang ulo ng kaniyang asawa na nasa tiyan niya. 

Flashback

Habang natutulog si Chae sa gilid ng hospital bed ng kaniyang anak ay bigla na lamang nagwala ang katawan ni Blaid na para bang hindi makahinga.

"B-Blaid anak! Mimosa tumawag ka ng doctor bilisan mo!" hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya ng makitang nahihirapan ang anak niya. She cupped his face. "Anak stay with mommy okay? magpalakas ka please.. ano bang nangyayari..." umiiyak na siya at nagpapanic ang pakiramdam niya.

Mas lumala ito ng makita niyang may dugong lumabas sa ilong ng anak. " Doc my son! oh god." 

Napasinghap na lamang siya habang tinitignan ang mga doctor na nagmadaling gumalaw. Ipinagdarasal niyang sana makayanan ito ng anak niya. Habang tinitignan ang mga doctor na nirerevive ang anak niya ay nadudurog ang puso niya. She can see that her son is suffering he can't breath, he is not responding. 

A Psycho's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon