Chapter 11

5.7K 112 0
                                    

⚠️⚠️:SPG alert bawal sa bata.


Someone's Point of View

"Ah, I can sense triumph within my grasp, sa tingin ba nila tanga ako para hindi malamang buhay ang anak ng mag-asawang iyon." Malademonyo niyang sambit at tumawa habang umiinom ng alak.

Pakiramda niya ay maghahari siya sa kagustuhan niya at malapit na rin niya itong makuha. 

"Pag napasaakin na ang titulong iyon, lahat ng gusto ko makukuha ko at kapag nangyari iyon lahat  ng mayayamang investor ay sasambahin ako. I want them to beg for my attention because of the power I will hold soon." 

"Malapit niyo na po itong makuha huwag kayong mag-aalala ngayong alam na nating buhay ang anak nila. It's easy for us to pass the ownership of that title to your name." natutuwa ring sambit ng tauhan ko. 

Natutuwa ako sa mga balitang nalaman ko. Tama lang na ganito ang maramdaman namin dahil ang lugar na ito ay dapat mapuno ng kasiyahan, kasiyahan mula sa kasamaan.

Sa tingin niyo ba talaga maiisahan niyo ako, patay na kayo pero pinapahirapan niyo pa rin ako. Buti na lang pala at nagkaroon kayo ng anak para hindi na ako mahirapan. No worries ako na ang gagawa ng paraan para makasam niyo siya. *Devil smirk

Blaid Zedrick de Vera is your son's full name right?



NAGISING si Blaze na may nakapulupot sa leeg niyang kamay habang nakayakap siya sa beywang ng isang babae. Tumingala siya at nakita niya si Chae na nakasandal sa headboard ng kama habang tulog habang nasa leeg niya ang kamay nito. Natuwa naman ng husto ang puso niya at bumalik sa pagkakapikit . Mas hinigpitan pa niya ang yakap niya kaya naalimpungatan si Chae.

"Blaze?" Naramdaman niya kasing nagising ito kaya naman tinawag nito ang pangalan niya.

"Hmm?" Nakabaon ang mukha niya sa tiyan ng dalaga.

"Bitaw na."

"Ayaw." Parang batang nagmamaktol

"Umaga na , kailangan na nating bumangon."

"I want to stay like this, wife. " mas lalo niya pang ibinaon ang mukha sa tiyan ng dalaga. Hindi alam ni Chae kung bakit pero parang may tumulak sakaniya na haplusin ang ulo nito. Ikinatuwa naman ito ni Blaze.

"Blaze lalamig na yung pagkain na kanina pa nila dinala rito at iinom ka pa ng gamot dahil sa hangover mo." malambing na sambit ng dalaga.

"Fine, wife babangon na po." parang napipilitan pa siya pero anong magagawa niya? he can't resist his wife.

Agad naman itong bumangon at dumeretso sa banyo para magshower. Naghugas lang din si Chae ng mukha at nagsipilyo pagkatapos ay inihanda na niya ang mga pagkain.

Habang kumakain ay naisip ni Chae na tanungin ang binata kung pwede na ba siyang magtrabaho, baka kasi malaman na ito ng dean nila at hindi siya makagraduate.

"Uhm Blaze , pwede bang--"

"No, wife. Dito ka lang ako ng bahala sa record mo."

"Pero hindi pwede iyon --" muli nanaman siyang pinigilan ipagpatuloy ang sasabihin

"I said no wife, pag-aawayan nanaman ba natin ito? ilang araw kong tiniis na hindi ka kausapin at yakapin para bigyan ka ng space ayaw ko nanamang maulit iyon." malumanay pero seryuso si Blaze. Ayaw niyang ipakita na madali siyang magalit, he's trying his best to control himself from doing something that will disappoint her.

A Psycho's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon