Behind the Truth
HALOS mag-iisang linggo na ng manatili si Chae sa baguio kasama si Blaze. Namuhay sila bilang mag-asawa at naging masaya ang kanilang pagsasama pero nag-aalala na rin si Chae sa anak niya kaya gusto niyang mapabilis ang pag-uwi nila kung gugustuhin ni Blaze.
"Blaze, pwede ba tayong mag-usap." She will try to convince. "Sige po asawa ko."
"Alam kong wala ka pang naalala tungkol sa totoong mong katauhan at buhay pero, kailangan na natin umuwi kung gusto mong sumama saakin." napatigil si Blaze sa ginagawa niya at humarap sakaniya.
"Bakit kailangan natin umuwi sa sinasabi mong bahay? Masaya na tayo dito." napangiti naman ang dalaga sa sinabi nito at tumango dahil masaya naman talaga sila rito pero hindi kasi pwedeng panghabang buhay sila rito.
"May kailangan kasi tayong balikan roon." hinaplos nito ang balikat ng binata. "Tayo o kailangan MONG balikan? sino ba iyan at kailangan mo pang bumalik?" tila ba umiba ang timpla ng mukha niya at galit din ang tono ng boses niya.
"Blaze nagkakamali ka ng iniisip---" bigla niyang kinabig ang beywang ng dalaga at hinalikan ito. " Asawa na kita , ako lang ang dapat mong isipin at wala ng iba. Akin ka, Chae. Hindi tayo aalis rito!" padabog itong umalis na ikinagulat ni Chae. Blaze ano nanaman bang nangyayari sa'yo?
Mukhang iba ang naintindihan ni Blaze sa sinabi ni Chae akala niya ay may kinikita itong iba. Pero ang nais niya lang sabihin ay kailangan nilang balikan ang anak nila. Gusto niya sana itong ipagtapat na pero hindi bumalik si Blaze.
Gabi na pero wala pa rin siya. Hindi na siya nakatiis at tinanong ang nagsilbing magulang ni Blaze.
"May nabanggit ho ba sainyo si Blaze kung bakit wala pa siya?" she said in a soft voice. "Hindi ba nagpa-alam ang asawa mo sayo iha? Dalawang araw siyang mawawala dahil may kailangan siyang puntahan at gawin."
"Saan daw po?"
"Naku iha iyan ang hindi namin alam pero noon pa man din niya ito ginagawa , may mga minsang dalawang araw siyang wala rito sa bahay." kumunot ang nuo nito sa sinabi ng ginang. "Pinapayagan niyo po siya ?" nagtataka siya dahil pinapayagan siyang umalis kahit na may problema siya sa pag-iisip at baka may gawin itong masama.
"Oo, sa tuwing nasa tamang huwesyo siya. Hindi mo ba napansin ang pagbabago ng personalidad niya kanina? Iyon na ang normal niya, kaya umaalis siya at hinahayaan namin siya sa kung anong gusto niya dahil umuuwi naman siya rito. Alam niya kung anong ginagawa niya." pagpapaliwanag niya sa dalaga at pinagpatuloy ang pagtatahi ng damit.
Kung ganoon umaalis siya ng ganoon katagal? Saan naman siya pumupunta? kaya ba naging ganoon ang reaksyon nito.
Mabigat ang loob niyang humiga sa kama nilang mag-asawa dahil sa naging alitan nila kanina at hindi pa ito uuwi ng dalawang araw, paano sila mag-uusap ng maayos?. Napabangon siya ng tumunog ang cellphone niya, si nana Aita. Agad niya itong sinagot.
"Ma'am sinugod po namin si baby Blaid sa hospital ng seizure siya at nahihirapang huminga!" nag-aalala niyang sambit sa kabilang linya. Para siyang naputulan ng hininga ng marinig niya ang nangyari.
"A-ano pong nangyari sakaniya?!" Kinakabahan siya at nanginginig ang boses niya habang nagsasalita. "Wala pa pong diagnosis ang doctor kararating lamang namin dito kanina, hindi pa po ba kayo uuwi?"
"Uuwi na ako ngayon, please balitaan niyo ako kung anong sasabihin ng doctor, oh my baby." Agad siyang nag-ayos ng gamit ng matapos ang tawag. Ipinagdarsal niya na sana okay lang ang anak niya, nila.
Nagpaalam si Chae sa mag-asawa at sinabi ang dahilan kung bakit ito aalis at naintindihan nila agad ito. Nalungkot rin sila sa nabalitaan kaya niayakap nila ang dalaga ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
A Psycho's Obsession (COMPLETED)
RomanceBlaze De Vera is a psychotic man ,that is obsessed with this college student. Aangkinin niya ang dalaga at walang makakapigil sakaniya.