Disclaimer⚠️⚠️: I lack expertise in mental disorders; I acquired information for everything through online sources and ayon lamang po sa nalalaman ko.
MAAGANG nagising si Chae upang maghanda para sa second day ng pagiging intern niya. Kailangan niya rin munang magreport sa University nila bago siya pumunta sa Jubilant Mental Hospital.
"Kumusta ang araw mo kahapon anak?" tanong ng ina habang nagsasalin ng tubig para sa anak. Hindi niya kasi ito natanong kahapon dahil nagpahinga agad ito kahapon. "Ayos naman po ma. Mababait lahat ng nurses at mapapaki-usapan."
"Mabuti naman kung ganoon anak. Oh siya mag-iingat ka ha kailangan ko ng pumunta sa karenderya natin at alas sais na." Ngumiting tumango si Chae sa ina. Bago umalis ay hinalikan ng ina ang anak sa noo at niyakap ito.
Matapos kumain ay nagligpit siya. mukhang hectic nanaman ang traffic buti na lang at maaga siya. Habang naglalakad siya ay nakita niyang maraming nagkukumpulang tao sa gitna ng kalsada at may mga sigawang nagaganap.
"purwesyo ang batang 'iyan , Kanino bang anak yan jusko nakakatakot at marunong ng humawak ng patalim." rinig niyang ilan sa mga bulungan. Sumiksik siya para makita ang buong pangyayari.
"Narinig kong tinutukan niya raw ng kutsilyo ang kalaro niya jusmiyong bata.." nagulat siya ng marinig iyon. Narinig rin niya ang sigawan ng isang matandang lalaki at bata.
"Anong klaseng bata ka! anak ka ba ng mamatay tao ha?! mapapatay talaga kita!" hawak ng matandang lalaki ang isang bata na may pasa na sa mukha. Napasinghap si Chae ng makita ang kalagayan ng bata.
"Lumayo kayo saakin! Sino kayo! Wala po akong ginagawa.." Umiiyak na sambit ng bata para ipagtanggol ang sarili.
"Napakabata mo pa pero kaya mo ng gawin 'yon ha?! Paano kung nasaksak mo yung anak ko ha! hindi ka sisikatan ng araw sinasabi ko sayo pag nangyari 'yon!" nangigigil na sambit ng medyo may katandaang lalaki.
Patuloy umiyak ang bata at tila ba ay balisa siya. He seems like he's not aware about what is happening. Napansin rin ni Chae na may panginginig sa labi niya at nagbibitaw ng mga salitang hindi maintindihan.
"Rea tulungan mo ako, sinasaktan nila ako..wala akong ginagawa.." pagsusumamo niya na para bang may kausap siya sa harap niya kahit wala naman.
"Ano?! sinong kausap mo, nababaliw ka na ba? o baliw kang talaga!" kahit bata ito ay wala siyang patawad dahil imbes na maawa ay sinapak niya pa ulit ito kaya napasalampak siya sa sahig. And that's it, kailangan ng lumapit ni Chae.
"kawawa naman iyong bata." Puro lang ganyan ang mga sinasabi ng tao pero walang nagkusang tumulong ni isa.
"Tumigil na po kayo!" hinarangan ni Chae ang matandang lalaki para hindi nito ituloy ang binabalak. Lumuhod siya para tignan kung okay lang ba yung bata.
"Alam mo iha wala ka namang kinalaman rito pero ang batang iyan kailangan niyang matuto dahil napakabata pa eh masama na." Galit na turan ng lalaki. Umiling lang si Chae at niyakap ang bata para pakalmahin dahil nanginginig na ito sa takot.
"Please po tumawag kayo ng ambulansya.." paki-usap ng dalaga kaya naman may isang agad na tumawag ng tulong.
Napatawa nalang ng sarkasmo ang matanda dahil roon. "May sakit ang bata, may mental disorder siya kaya sana po hindi niyo na lamang siya sinaktan. Ibig sabihin hindi niya controlado kung ano man ang naging pagkilos niya na nakita niyo."
Ipinakita niya ang kaniyang ID para maniwala sila sa sinasabi niya dahil parang walang nakaka-alam kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Kadalasan ang mga ganitong cases ay early-onset childhood schizophrenia. Ang mga behavior na nakita niyo ay dahil sa sakit niya . They have erratic behaviors which is why they can become highly aggressive at times, and they may be unaware if their actions are inappropriate." Pagpapatuloy niyang paliwanag sakanila at mukhang naiintindihan naman nila ang ibig nitong sabihin.
BINABASA MO ANG
A Psycho's Obsession (COMPLETED)
RomanceBlaze De Vera is a psychotic man ,that is obsessed with this college student. Aangkinin niya ang dalaga at walang makakapigil sakaniya.