Flashback (Jace's Death)
Magkikita sila Jace at Blaze ngayong araw dahil may kailangan daw sabihin sakaniya si Jace na importante. Naglakad siya papunta kay Jace pero iba ang naabutan nito. Nakatali ngayon ang binata at may saksak sa dalawa nitong binti kaya agad naalarma si Blaze.
"Sa likod mo Blaze!" agad siyang lumingon at may lalaking nagtangkang paluin siya mula sa likod kaya naka-ilag siya. Sinuntok niya ito hanggang sa mawalan ito ng malay.
"Ano bang nangyari bakit ka nakatali rito?" tanong ni Blaze habang kinakalagan ang sugatan na si Blaze. "F*ck, hindi ko din alam akala ko ikaw may gawa nito dahil tinext mo akong may pag-uusapan tayo, kaya nandito ako." daing ni Jace.
"Ano? You texted me that's why I'm here." Blaze look at him in disbelief. Nagtinginan sila ng marealize na ibang tao ang nagtext sa kanilang dalawa.
"Sh*t mukhang alam ko na ang may gawa--ahhhhhh!" hindi naituloy ni Jace ang sasabihin niya sana dahil binaril siya ng lalaki kanina. Nagising muli ito.
Sumugod si Blaze pero agad siyang pinalo ng bat sa likod mukhang may kasama ito. Sinubukan niyang bumango pero sinipa ulit siya. Nakita niya na lamang na binaril ulit ang kamay ni Jace ng makitang nagtangka itong gumalaw kaya napahiyaw pa ito.
Sa kabilang dako naman ay nanghihina si Blaze na pinipilit lumaban mukhang may itinurok sakaniya kaya nahihilo siya ng bahagya. Natumba siya sa malapit kay Jace kaya magkaharap na sila ngayon.
"P-protect Chae, I d-don't think I can do this Blaze." mga huling sinambit ni Jace bago siya mawalan ng malay. Blaze can't do anything, he's body is not functioning well.
F*ck! he hissed in his mind.
"I will do it idiot, without you telling me." pabalang niyang sagot kahit nanghihina na. Narinig ni Blaze ang pinag-uusapan ng dalawang lalaki na may gawa nito.
"Sabi ni boss huwag hayaang mabuhay ang isang to." tinutok nila ang baril kay Jace kaya agad tumayo si Blaze para hawakan ito at pigilan binabalak nila.
"Pukpokin mo gag* nanlalaban ka pa kahit mahina ka na!" pinukpok siya ng isa nitong kasama kaya mulang napahiga ang binata. Narinig niya ang isang putok ng baril na alam niyang iyon ang tumapos sa buhay ni Jace. Naramdaman niyang may pinahawak sakaniyang isang bagay at isinaksak ito ng tatlong beses sa nakahundusay na katawan ni Jace.
Ramdam niya ang pulang likido na dumaloy sa mga kamay niya. "tara na okay na siguro ito, mukhang patay na ang isang to." hindi nagtagal ang dalawa doon at umalis.
F*cker! Ako mismo ang papatay sainyo kapag muli ko kayong nakita. He felt sorry for Jace.
End of Flashback
Chae
NAPAYAKAP si Blaze ng mahigpit sa mahimbing na natutulog na si Chae. He kissed her nape and smell her hair. Masaya siyang sa pag gising niya ay katabi niya ang dalaga.
"Hmm Blaze.." suway niya sa binata. "Good morning , wife."
"Umagang-umaga ang kulit mo." humarap siya rito at kinurot ang matigas nitong tiyan. Hinalikan niya ang binata ng smack lang pero hinila ni Blaze ang beywang nito at hinalikan siya ng mapusok.
"I love you. You're mine." ngumiti siya sa binata at sumagot. "I love you too."
Niyaya niya nang bumango si Blaze kahit nagmamaktol pa ito na gusto daw ng cuddel, ang landi talaga. Sabay silang bumaba para sa breakfast.
BINABASA MO ANG
A Psycho's Obsession (COMPLETED)
RomanceBlaze De Vera is a psychotic man ,that is obsessed with this college student. Aangkinin niya ang dalaga at walang makakapigil sakaniya.