Chapter 3

7.1K 199 13
                                    

KINAKABAHAN si Chae habang nakaupo sa opisina ni nurse Loita kasama ang lola ni Blaze. Kasalukuyang natutulog ang binata dahil tinurukan ito ng pampatulog para hindi nanaman lumalala ang kaniyang pagwawala.

Ng dahil sa sinabi ni Blaze kanina naging interesante ang dalaga kay Madame de Vera.

"What's your full name iha?"

"Chaetaleah Hernandez po, Chae for short." ngumiti lamang ito sakaniya. "I guess bago ka rito? pero kung ipakilala ka niya ay parang matagal ka na niyang kilala."

Napatingala si Chae sa sinabi ng matanda. Wala rin siyang ideya kung bakit ganoon ang mga sinabi ni Blaze kanina at hindi inaasahan ang mga pangyayari. 

"Intern po ako rito at first day ko po ngayon. Nakilala lang po niya ako kaninang umaga dahil napunta ako sa kwarto niya hindi ko po alam na ganito ang mangyayari sorry po." Siguro ay kasalanan ko  dahil nagpakita ako sakaniya at nangialam pa kaninang umaga. 

Biglang natawa si Madame de Vera dahil sa tinuran ng dalaga na ngayon ay malungkot.

"No iha don't apologize, Wala ka namang ginawa in fact napakalma mo siya I think?" nanatiling nakatingin si Chae kay Madame.

"You know my grandson is mentally ill, he is aggressive sometimes and cannot be controlled but he was a very soft child before. Mapagmahal siya at masiyahin but traumatic circumstances ate him." She said with sadness in her voice. Malugod na nakikinig ang dalaga sa kwento niya.

Kinuwento niya ang mga pangyayaring naranasan ni Blaze noon at talagang nakakalungkot, nakakagalit at nakaka-awa ang nangyari sakaniya. Sa murang edad niya ay namulat siya sa madugong mundo kung saan may mhga walang pusong Tao. Mas lalaong sumidhi ang kagustuhan ni Chae na tulungan si Blaze na gumaling hanggat may maitutulong siya dahil alam naman niyang studyante pa lamang siya at wala siya gaanong magagawa.

Kitang-kita sa mga mata ni madame de Vera na gusto niyang gumaling ang apo kung saan gagawin niya ang lahat para rito. Sa katunayan lahat ng connection niya ay nagamit niya para lang gumaling ang binata, dinala niya ito sa mga experto  pero wala pa ring pagbabago.

"I am planning to bring him to international psychologist once I'm done with my business here. I badly wanted him to be healed." Hanga si Chae sa tatag ng loob ni Madame dahil nanatili itong malakas para sa apo niya kahit na ganoon ang nangyari sa family nila. 

"Everything will be okay madame, in God's grace." She said in a soft voice.

"Thank you.." Madame said with a smile in her mouth. " Anyways, I am Clear de Vera. Lola ni Blaze." Chae accepted her hand para makipag handshake.

"nice meeting you po ma'am"

"You are so kind iha, I can feel it."

"Opo madame at marespeto rin po siyang bata. Actually, She's a graduating student with Latin Honors po." Proud na sambit ni nurse Loita kaya naman nahiya si Chae.

"Wow that's good iha. Gusto ko tuloy maging apo ka rin." Biro niya kaya napatawa silang tatlo. Magaan ang loob ni Chae kay madame at ganun din si madame sakaniya.

"Well I have to go nurse Loita kayo na bahala sa apo ko, call me if you need something." paalam niya kay nurse Loita at agad naman itong ngumiti pabalaik.

"I'll go ahead, see you around my grandson's wife" biro niya at ngumisi pa ng nakakaloko si madame  kaya natatawnag ngumiti si Chae at nakipagbeso sakaniya bago ito tuluyang umalis.

Binilin rin ni nurse Loita ang mga gagawin niya bukas para handa ito. Nagpaalam na rin si Chae na uuwi na dahil alas singko na rin ng hapon.

Naisipang bisitahin ni Chae ang kwarto ni Blaze bago siya umuwi. Habang nasa harap ng pintuan at tinitignan ang natutulog na binata ay bigla siyang nalungkot dahil naalala niya ang kinuwento ni madame tungkol sa pagkabata niya. Natakot ka ba ng sobra? napakabata mo pa noon pero nasaksihan mo ang mga bagay na hindi mo dapat makita. Ipagdarasal ko na matanggal ang mga poot sa puso mo at ang mga ala-alang hindi na dapat pang maalala.


NAKAUWI si Chae sa bahay nila at agad siyang sumalampak sa kama dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Maraming nangyari sa araw na ito at ito ay mga hindi inaasahang.

Tumunog ang cellphone niya kaya kinuha ito at sinagot.

"Besfren ano kumusta ang first day mo?" si Lia pala. 

"Ayos naman nakakapagod lang talaga dahil maraming nagyari." she is very exhausted.

"Fighting gurl, ayos ba ang hospital na pinauskan mo? Kasi saakin okay naman marami na akong naging kaibigan pero hindi naman kita ipagpapalit huwag ka magselos ah haha at mabait rin ang pasyente na handle ko." Natawa si Chae sa kwento ng kaibigan. Ganito talaga si Lia, masiyahin, napakatotoo at jolly kaya mahal na mahal niya ito. Lahat ng nangyayari ay kinukwento niya saakin kaya nakakatuwa at ganun din naman ako sakaniya.

"Ikaw kumusta mabait ba handle mong pasyente?" speaking of naalala niya si Blaze pero agad siyang umiling.

"Wala pang naibigay saakin, Tinour lang muna ako bukas pa ibibigay kung sino ang pwede kong ihandle." sagot niya sa Kaibigan niya.

"Ah ganun ba sige update mo ako ah." ngumiti si Chae dahil gustong gusto talaga ni Lia na magkwento siya . "Sige. By the way anong gender ang pasyenteng handle mo" tanong ng dalaga sa kaibigan

"Babae at matanda na siya pero palagi siyang tahimik kung magsasalita man ay mga pangalan lang ang mga binabanggit kaya hula ko pamilya niya ang mga ito." Nagpatuloy ang kwentuhan nila ng ilang minuto bago nagpa-alam sa isa't isa.

Niyaya si Chae na kumain pero tumanggi ito dahil gusto niyang magpahinga at matulog na, siguro ay talagang napagod siya kaya hindi na siya pinilit ng ina.



HINDI alam ni Chae na habang natutulog siya ng mahimbing ay may bumisita sakaniyang hindi inaasahan. Ngumisi ang lalaki habang nakatitig sa dalagang natutulog sa harap niya. 

"What an angel.." lumapit ito at hinaplos ang buhok. Napakainosente talaga tignan ang dalaga bukod sa para itong diwata sa kagandahan.

" I really want to own you though." Huminga ito ng malalim at akmang hahalikan ang pisngi nito pero pinigil ang sarili dahil hanggat maaari ay gusto niya itong respetuhin. For the first time he controlled his self from doing something he really wants to do. Padabog siyang tumayo mula sa kama ng dalaga at inilibot ang paningin sa kwarto ng babae.

The room is very neat and clean. Lumapit siya sa mga picture frames kung saan nakalagay ang mga pictures ng babae mula noong bata pa siya.

"cute." he obsessively smirk. Kinuha niya ang picture ng dalaga at inilagay sa bulsa ng pantalon. Nakita niya rin sa mga academic certificate ng dalaga ang buong pangalan neto .Chaetaleah B. Hernandez.

Tumunog ang wrist band niya kaya napamura siya dahil kailangan na niyang bumalik kahit gusto pa niyang manatili. Ayaw niyang malaman nila na nakakalabas siya ng gabi dahil baka mas higpitan ang security. Before leaving he kissed the lady's forehead.

"See you tomorrow wife."



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

bat me paganon 😳 uwu

Dahil nadagdagan ang ating readers here's a bonus for ya'll 😊

Vote

Comment

Share




A Psycho's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon