NAGISING si Chae na wala sa kaniyang tabi si Blaze at tanging kumot lang ang nakatakip sa kaniyang katawan. Patawarin niyo ako ma, itay nagkamali po ako. Hindi ko dapat hinayaang ang bugso ng damdamin ko. Napaluha siya ng ma-alala ang nangyari kagabi pero wala siyang maramdamang pagsisi. Bakit dahil ba gusto na rin niya ang binata? o mahal na niya?
Bumangon siya at dumeretso sa shower room para maligo. Isinuko na niya ang ang bataan at hindi na ito maibabalik pa. Sumasabay sa agos ng tubig sa katawan niya ang luha niya. Hindi pa siya grumaduate at hini pa siya nakakapagtrabaho pero nagkamali agad siya alam niyang pweding magbago ang hinaharap niya dahil sa nangyari. Ayaw niyang bigohin ang kaniyang mga magulang.
Natapos siyang maligo kaya naman nagpunas na siya at nagpalit. Huminga siya ng malalim bago yakapin ang sarili sa kama. Wala siyang ibang magawa kundi manatili rito , ayaw na niyang may mapahamak nanaman sa kapusukan niya. Narinig niyang nasesante lahat ng guards niya pati na rin si Mimosa. Alam niyang kasalanan niya ang lahat pero wala siyang magagawa dahil siguradong ikukulong lang ulit siya rito ni Blaze.
Kumusta na kaya sila mama, miss ko na sila.
Someone's POV
"What do you mean Frevo?! you'll sacrifice your son for that?" Umuungos siyang nagpunta sa opisina ko para lang dito, crazy.
"If I have to ,yes. Mas importante saakin ang kayaman, Freea. Don't meddle in my business." malamig kong sagot
"Anak mo ang pinag-uusapan dito Frevo! hindi kung sino lang!" sigaw niya saakin at galit na galit pero hindi ko siya pinakitaan ng pakialam at humithit ng sigarilyo.
"Leave, I already made my decision." wala na siyang pakialam sa mga gusto kong gawin. At isa pa wala naman silbi saakin ang anak ko eh kung magiging way siya para makalapit ako sa kaaway ko well edi may silbi siya.
Nagsisimula pa lang ako at ayaw ko ng sagabal. Its show time.
Third person's POV
GABI na at oras na ng uwian ni Blaze pero kinakabahan si Chae dahil hindi niya alam kun paano ito iaapproach ng dahil sa nangyari kahapon. Nahihiya siya at hindi mapakali.
Tumunog ang telepono rito kaya naman sinagot niya ito kahit hindi niya alam kung sino ang tumatawag.
"Chae?"
"Nurse Loita?!"
"Alam kong kinukulong ka ni Blaze sa bahay niya. Please umalis ka na jan, hindi mo siya kilala." para bang balisa ang boses ni nurse Loita
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" naguguluhang tanong niya.
"Lumala ang pagiging aggressive behavior niya at sa totoo lang isang linggo na siyang wala sa pangangalaga ng hospital kaya hindi siya umiinom ng gamot. May nagawa siyang hindi dapat." Nagulat siya sa sinabi ni nurse Loita. Pero ang sabi niya saakin pumupunta siya sa hospital ibig sabihin nagsinungaling siya saakin? saan siya pumupunta?
"Ano po ba ang ginawa niya?"
"Manood ka ng balita ngayon at umalis bago siya makarating jan. Nag-aalala ako sa'yo iha kaya be safe." naputol agad ang kanilang usapan kaya naman binuksan ni Chae ang TV para manood ng balita.
"Kinilala ang biktima na si Jace Norman Garcia, isang 4th year college student na gragraduate sana ngayong taon, siya ay 22 yrs old. Ayon sa imbestigasyon may mga tama ng baril ito at limang saksak sa katawan. Natagpuan ang fingerpints ng isang lalaking nagngangalang Blaze de Vera isang pasyente ng Jubilant mental institution. Siya ang pangunahing suspect sa krimen na ito. Kasalukuyang pinaghahanap na siya ng pulis ngayon dahil tumakas ito." napasinghap si Chae sa balita. Blaze.. hindi.
BINABASA MO ANG
A Psycho's Obsession (COMPLETED)
RomanceBlaze De Vera is a psychotic man ,that is obsessed with this college student. Aangkinin niya ang dalaga at walang makakapigil sakaniya.