Chapter 17

4K 76 3
                                    

⚠️⚠️: SPG alert bawal sa bata!

GALIT na galit si Blaze ng malaman niya ang dahilan kung bakit namatay ang magulang ni Chae. Kasalukuyan niyang kausap ang lola niya.

"Pasensiya na apo huli na ng balikan namin sila , kung alam ko lang na may alam si Frevo sana nagbigay ako ng seguridad sa mga magulang ni Chae."

"Bakit hindi mo sinabi saakin ang tungkol sakanila lola?!"

"Ayaw ko kasing mabigla ka at malaman mong may kinalaman ang magulang niya sa pagkamatay ng magulang mo. Nakikita kong mahal mo na siya Blaze." pag-amin niya.

"What?" kita ang gulat sa mga mata ng binata sa sinabi ng kaniyang lola. Ikinuwento ni madame sakaniyang apo ang nalaman niya kay frevo at ipinarinig ang recording ng usapan ni Mario at Frevo.

"Alam kong si Frevo ang nagpapatay dahil nalaman niyang trinaydor siya ni Mario at alam niyang hawak niya ang kalahati ng titulo pero hindi niya alam na nasaakin na ito." kumuyom ang kamao ni Blaze hindi dahil galit siya sa ama ni Chae pero dahil galit siya sa mga ginagawa ni Frevo.

Alam niyang may dahilan si mang Mario kung bakit niya nagawa iyon dahil kung tuluyan na siyang kumampi kay Frevo hindi niya dapat binigay ang kalahati ng titulo sa lola nito. Nagdidilim ang paningin ni Blaze sa kamuhian.

"I know there's a reason behind it kung bakit nagawa ito ni mang Mario. And I didn't know na ang dating driver ni dad ay ang tatay ni Chae." huminga siya ng malalim at inutusan ang mga tauhan na sundan si Chae sa probinsya nila upang protektahan ito. May mga bagay lang siyang kailangan gawin dito bago sumunod.

"Nasa kaniya ang kalahati ng titulo."

"W-what?" hindi makapaniwalang usal ni madame.

"Nakuha niya na ito noon pa at ang kailangan na lang para mabuo ito ay ang nasa atin." seryuso pa rin siyang nakaupo.

"We have to secure it then." tumango naman si Blaze sakaniya at nag-paalam na aalis muna.


MAKALIPAS ang tatlong araw walang Blaze ang dumating sa lamay ng magulang ni Chae. Alam naman niyang wala siyang kinalaman dito pero gusto niya ng yakap mula sa binata , gusto niya ng kalinga mula rito pero wala. 

Burol na ng magulang niya at mabigat pa rin ang pakiramdam niya halos ilang araw na siyang walang tulog at umiiyak. Nakayap ito sa kabaong ng magulang niya bago pa nila ito ilibing.

"Mamimiss ko po kayo." mabigat sakaniya na magpaalam sa magulang niya pero wala na siyang magagawa dahil nangyari na ang lahat. Hinila na siya ng pinsan at niyakap dahil kailangan na nilang ibaba ang kabaong.

Nagpa-iwan muna siya. Ang lahat ay nakaalis na sa sementeryo pero nakaupo pa rin siya at umiiyak sa tabi. Hindi siya makapaniwala na sa isnag iglap lang ay nawala ana agad ang kaniyang magulang.

Umaasa si Chae na darating sa araw na iyon si Blaze para damayan siya pero natapos ang araw na walang Blaze ang dumating. Wala na ba siyang paki-alam saakin? Pero ang sabi niya mahal niya ako dapat dinadamayan niya ako. Bumuhos muli ang kaniyang luha.

Lumapit siya sa mga guards na ipinadala ni Blaze, ummasang may balita sila rito.

"M-may nasabi ba siya sainyo kung pupunta siya rito?" 

"Wala po madame basta ang bilin lamang saamin ay ang bantayan ka." tumango siya sa naging tugon ng lalaki sakaniya. Bakit niya pa ako pinapabantayan kung wala naman siyang paki-alam saakin.

Malungkot siyang nagbalot ng damit , naisipan na niyang bumalik sa syudad. Kinuha niya ang picture frame ng kaniyang magulang at inilagay sa bag niya.

"Babalik na po ako."

A Psycho's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon