PROLOGUE

133 15 0
                                    

"Magkano ho lahat?"

"Four hundred fifty-five pesos, miss ma'am." I smiled.

She gave me the money at tinanggap ko naman ito. "Here, thank you." And she walked away.

Napabuntong hininga naman ako at mabilis kong kinuha ang isang upuan na nasa aking gilid at umupo roon, at sinandal ang aking likuran.

Nag ta-trabaho ako bilang isang cashier dito sa isang convenience store. Nakakapagod dahil simula kaninang umaga pa ako rito at mamayang alas dose pa ng madaling araw ang out ko.

Gustong-gusto ko na ring umuwi sa bahay upang tignan ang mga kapatid ko roon pero bago ako uuwi mamaya ay bibili na muna ako siguro ng pandesal para sa kanila dahil alam kong paborito iyon nina Kira at Fira. Ang kambal kong kapatid.

One month pa lang akong cashier dito sa convenience store na ito pero nakakapagod na talaga, kaunti lang ang sahod ang natatanggap ko at hindi ito sapat para sa pang araw-araw namin lalo na sa mga kapatid ko na nag-aaral pa.

Senior high school lang ang na tapos ko, hanggang grade twelve lang, hindi na ako nag college dahil mas pinili ko mag hanap ng trabaho dahil kapos na kapos na kami sa pera at may dalawa pa akong kapatid na nag aaral pa.

I'm already twenty-one years old.

Gustong-gusto ko mag college pero wala kaming sapat na pera para mag-aral ako muli, kahit ilang trabaho pa ang papasukin ko, ang hirap talaga.

Ang hirap ng buhay ngayon.

Ang hirap mag hanap ng trabaho lalo na kapag walang-wala ka talagang pera. Kapag walang-wala ka talaga.

Napabuntong hininga naman ako at tumayo mula sa pagkaupo. Kinuha ko ang walis at nag walis muna ng sahig. Wala na ring masiyadong costumer ang pumasok ngayon dahil lumalalim na ang gabi. Medyo nasanay na rin ako na ganito na palagi ang takbo ng buhay ko, hindi ko lang talaga alam kung ano pa ba ang susunod na mangyayari sa buhay ko, kung ano ba ang kadugtong nito. Mabuti ba o hindi.

Napatingin naman ako sa cellphone ko at tinignan kung anong oras na, nakita kong malapit na ang out ko. Makakauwi na rin ako sa bahay.

Palagi pa naman akong hinihintay ng mga kapatid ko kahit madaling araw na ako umuwi, hinihintay pa rin nila ako dahil alam nilang may pasalubong ako para sa kanila sa tuwing uuwi na ako sa bahay.

Matapos ang mahabang oras na pag-lilinis ay sakto naman at dumating na ang papalit sa akin.

"Nako... pasensiya ka na Lionore kung ang tagal ko.”

Inilagay niya naman ’yung mga gamit niya sa counter at ngumiti sa akin, “O siya, puwede ka na umuwi, tutal narito naman na ako." Nakangiting sambit ni Aling Rusil. Isa rin siyang cashier dito na pumapalit sa akin sa tuwing mag o-out na ako.

Mabilis ko namang kinuha ang aking mga gamit at nag bihis ako ng simpleng t-shirt sa banyo, pagkatapos naman non ay kinuha ko na ang aking mga ibang gamit upang lumabas na ng convenience store.

Tumingin naman ako kay Aling Rusil, “Aling Rusil, aalis na po ako ha? Mag-iingat ho kayo rito!" Sambit ko at umalis ka agad ng convenience store.

Nag-lakad naman ako papunta sa isang malapit na bakery store at bumili ng pandesal. Kaunti lang ang pera ko pero mabuti na lang at sakto lang ito kaya nakabili pa ako ng pandesal para sa mga kapatid ko.

Pagkatapos ko namang bumili ay ka agad akong sumakay sa tricycle upang umuwi na ng bahay.

Habang nasa tricycle naman ako ay hindi ko naman maiwasang mapaisip sa buhay namin. Sobrang hirap pala maging hirap, ’no?

Aldecantra Series #1: A Love Made in PampangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon