"Lady, can you clean my office later-- Wait, what's your name again?" Dhrake asked me.
Nasa sala ako ngayon at nag lilinis, kanina pa ako nag simulang mag linis dahil sinabi sa akin ni Aling Fiona na mag simula na raw ako. Hindi rin naman ako tumanggi sa sinabi niya at sinimulan ko ka agad, sayang naman kung tatanggi pa ako e nandito na ako e.
I blinked my eyes so many times at halos hindi ako makatingin ng maayos sa kaniyang mga mata dahil sobra akong naiilang dahil sa malalim niyang titig sa akin.
"L-Lionore. Just call me Lionore a-and Sam for short, Mister."
Tumango naman siya and he slightly smiled at me. "Nice to meet you, Sam. Thank you for volunteering yourself to become my maid, highly appreciated." Nakangiting sambit niya at nag mamadaling umalis sa aking harapan.
Naiwan naman akong nakatunganga lang at nakatulala.
Aga-aga pero ibang-iba ang nararamdaman ko ngayon-- Dapat pala hindi ko ito iniisip, ang iniisip ko dapat ay ang magiging trabaho ko rito ngayon. Para sa mga kapatid ko.
Nang makaalis na si Dhrake ay ka agad akong nag linis ng bahay at sa sobrang laki ng bahay niya ay sobrang tagal ko na tapos. Tutulungan sana ako ni Aling Fiona pero tumanggi ako na ako, sinabi ko sa kaniya na mag pahinga na lang muna siya dahil kitang-kita ko talaga sa mukha niya kahapon na pagod na pagod talaga siya.
Sunod ko namang nilinisan ang opisina ni Dhrake, nang binuksan ko iyon napakalinis naman ng buong paligid. Parang hindi na kailangan linisan e.
Pumunta ako sa table niya at may nakita akong picture frame na nakalagay sa gilid ng kaniyang mesa. Sa tabi niya ay may isang babae na sobrang ganda at kay ganda pa ngumiti. Ang ganda... Sa tabi niya naman ay nandoon si Dhrake na nakahawak sa bewang doon sa babaeng kasama niya.
Siguro kasintahan niya ito. Ang ganda e, bagay na bagay sila.
Nilibot ko pa ang aking tingin sa buong opisina niya, maraming mga picture frames sa tabi-tabi, kasama ang mga pamilya niya, kaibigan, at itong nag-iisang magandang babae na kasama niya.
Baka nga kasintahan niya ito o ano relative?
Ang ganda niya talaga... Ang puti niya, ganda ng mata, matangos pa ang ilong, parehas pa sila matangkad ni Dhrake.
Suwerte niya ah, sikat pa itong si Dhrake dahil sa banda na sinalihan niya kuno kahit hindi ko pa nakikita.
Umiling na lang ako at nag patuloy sa paglilinis kahit na malinis naman ang buong opisina ni Dhrake, hindi ko alam kung bakit pinapalinis niya pa ito o baka maarte lang talaga siya dahil gusto niya 'yung malinis talaga.
Sobrang bilis ko na natapos dahil hindi naman gaano marumi ang opisina ni Dhrake. After that, bumaba na ako upang mag luto ng ulam para sa pananghalian namin ni Aling Fiona. Nakita ko naman si Aling Fiona na nasa sala, nakaupo habang nanonood ng TV sa sala.
“Aling Fiona?”
“Ano iyon, Hija?”
“Ayos lang po kayo jaan?”
Tumango naman siya sa akin at ngumiti, “Oo naman. Gusto mo mag luto ako para sa uulamin natin ngayon--” Sumingit naman ako, “Huwag na po, ako na po mag luluto, ako na po bahala.” Sabi ko naman sa kaniya at wala naman siyang nagawa kaya napangiti na lang siya sa sinabi ko.
“O sige, sigurado ka bang kaya mo? Baka kailangan mo nang tulong, ha?” Umiling naman ako at ngumiti sa kaniya. “Ayos lang po.” I smiled at her.
Pumunta naman ako sa kusina at hanggang dito ay hangang-hanga pa rin ako sa laki ng kusina nila, ang linis talaga, ang lamig pa ng bahay. Nag simula naman akong mag luto, klase-klaseng pagkain din ang nakita ko roon kaya kahit ano na lang ang kinuha ko. Nang maluto naman iyon tinawag ko na si Aling Fiona para kumain na.
BINABASA MO ANG
Aldecantra Series #1: A Love Made in Pampanga
RomantizmAldecantra series #1 (COMPLETED) There are two problematic people who met in this problematic world. They even reside in the same city. Pampanga. Some problems will never be resolved, but what about these two new acquaintances? Will they deal with t...