Lionore’s Point of View
“We are about to celebrate our success tonight, and you two are invited!” Theo suddenly spoke up at nakatingin ito sa amin na may malaking ngiti sa kaniyang mukha, and we all looked at him.
Invited?
Dapat kasi ay uuwi na ako ngayon, mag isa lang si Aling Fiona roon sa bahay. Humingi nga ako ng pehintulot kay Aling Fiona pero nahihiya na rin kasi ako rito lalo na’t hindi alam ni Dhrake na narito ako kasama si Sofia.
Sofia invited me at balak ko sanang tumanggi pero wala akong magawa dahil sumingit si Aling Fiona sa usapan namin kanina at sinabing puwede ako sumama kay Sofia, kaya wala na rin akong magawa dahil pinipilt pa ako ni Sofia na sumama sa kaniya.
I keep staring at Dhrake, napapansin ko siyang hindi nakikinig sa usapan.
Bakit parang galit na galit siya ngayon?
Dahil ba... Pumunta kami rito?
Kailangan ko na talagang umuwi.
“A-Ah... Uuwi na p-pala ako, may gagawin pa kasi ako e--” Hindi ko naman napatuloy ang dapat kong sasabihin dahil bigla silang sumingit.
“Ano?”
“Bakit?”
“Kakain pa sana kami sa labas, sumama ka na.”
“Sayang naman.”Sabay nilang sabi, maliban kay Dhrake na tahimik lang sa gilid.
“Mamaya ka na umuwi, Sam. Siguradong magiging masaya ’to." Pagpipilit ni Sofia sa akin. Mag sasalita sana ako pero napatigil kaming lahat at napalingon kay Dhrake nang mag salita ito bigla.
“I’m going home.” And he started walking, lalabas na sana siya sa backstage pero tumigil siya nang mag salita sina Theonizie.
“Bud, minsan lang ’to, kaya sumama ka na.” Pagpipilit sa kaniya ni Clark. “Yeah, Clark’s right. Sumama ka na muna sa amin, huwag mo muna isipin ’yung nangyari kanina.” Yusef added.
May nangyari k-kanina?
I turned around at halos kaming lahat ay nakatingin sa kaniya at hinihintay siyang lumingon sa amin.
“Mamaya na kasi kayo umuwi, alam kong gusto na ring umuwi ni Sam. Pero mamaya na ’yan, mag saya na muna tayo ngayon.” Sambit ni Fourteen. “Hoy Dhrake, mamaya ka na umuwi, malalagot ka talaga sa akin.” Pagbabanta naman ni Theo kay Dhrake.
It's getting awkward here, parang gusto ko na talaga umuwi.
“I’m not coming.” Dhrake uttered habang nakatalikod ito sa amin. Lalabas na sana siya sa backstage pero pinigilan na naman siya nina Fourteen. “Bakit ba kasi ayaw mong sumama?” Fourteen asked him.
“Kung tungkol man ’yon sa nangyari kanina, kalimutan mo muna ’yon, bud. Mag saya na muna tayo ngayon, huwag mo siya masiyadong isipin.” Theo told him.
Narinig ko namang napabuntong hininga si Dhrake at napayuko. “Fine fine.”
“Yes!”
“Aha!”
“Papayag din naman pala e!”Sigaw nina Theo, Yusef, at Clark sa likuran ko. Maliban kay Fourteen na nanatiling tahimik sa tabi nila.
Ang kulit pala nila, akala ko mga seryoso ’to.
Nauto ako.
“How about you, Sam? Are you coming with us?” Tanong ni Fourteen sa akin.
Napayuko naman ako at napakagat sa aking ibabang labi.
Should I come with them?
Alam kong minsan lang ’to pero nahihiya kasi ako lalo na’t sasama si Dhrake. Ni hindi ko rin alam kung bakit ako nahihiya kay Dhrake ngayon, amo ko lang naman siya, siguro nahihiya ako dahil isa lang akong katulong.
BINABASA MO ANG
Aldecantra Series #1: A Love Made in Pampanga
RomanceAldecantra series #1 (COMPLETED) There are two problematic people who met in this problematic world. They even reside in the same city. Pampanga. Some problems will never be resolved, but what about these two new acquaintances? Will they deal with t...