Umayos naman ako ng pagkaupo sa kaniyang higaan at hinawakan ng maayos ang gitara niya.
Nag simula na akong tumugtog, at dahil hindi naman ako sanay gumamit ng gitara ay hindi ko maiwasang mapatingin sa aking kamay na iniipit yung string sa ibabaw dahil medyo hindi ako marunong at kinakailangan ko itonh tignan.
“Don't stray, don't ever go away, I should be much too smart for this, you know it gets the better of me.” I started singing. Ramdam na ramdam ko rin na tinititigan ako ni Dhrake na ngayo’y nasa aking tabi, pero hindi ako makatingin sa kaniya dahil hindi ko rin maalis ’yung tingin ko sa string ng gitara niya.
“Sometimes, when you and I collide
I fall into an ocean of you, pull me out in time.”“Don't let me drown, let me down
I say it's all because of you, and here I go, losing my control.”I smiled habang kumakanta, naiilang ako pero parang natutuwa naman ako, nalilito ako sa nararamdaman ko ngayon kaya ngumiti na lang ako. Nahihiya akong tignan siya.“ I'm practicing your name, so I can say it to your face It doesn't seem right to look you in the eye.” I continued singing.
“Let all the things you mean to me, come tumbling out my mouth
Indeed it's time tell you why... I say it's infinitely true...”This time, I closed my eyes. “Say you'll stay, don't come and go... Like you do”
“Sway my way... Yeah, I need to know all about you...” I opened my eyes and I chuckled.
Hindi ko na alam at nakalimutan ko kung ano ang sunod sa kantang ’yon, kaya tumigil na lang ako at tumingin kay Dhrake na nakatitig sa akin.
“You can play guitar...” Hindi siya makapaniwala sa ginawa ko, binigyan ko na lang siya ng maliit na ngiti.
“Marunong ako mag gitara kaso ’yon lang. Kaya ’yung "Sway" ni Bic Bunga ang kinanta ko dahil ’yon lang na kanta ang alam ko kung paano mag gitara.” I told him. “Huwag mo na rin pansin ’yung boses ko dahil alam ko namang sintodano e.” I added.
“Mabuti alam mo. Sintado talaga--”
“Sabi na e.” I laughed at inabot sa kaniya ’yung gitara niya, at tinanggap niya naman ito.
“Kumanta ka." Sabi ko rito at ngumiti lang siya sa akin. “I can't, masakit ’yung bibig ko, hindi ako puwede mag salita ng matagal o kumanta.” He informed me.
Tumango na lang ako sa kaniyang sinabi. Mag sasalita pa sana ako pero bigla siyang nag salita, “Madaling araw na, Sam. You should sleep already." Sabi niya ulit sa akin, pinagtataboy niya talaga ako ’no.
Tumawa naman ako nang mahina nang sabihin niya sa akin ’yon, kaya tumayo na lang ako at hinarap siya. “O sige, good night.” Sabi ko rito at nag lakad papalapit sa pintuan ng kuwarto niya.
Binuksan ko naman ’yung pinto at bago ako lumabas ay lumingon ako kay Dhrake at sabay sabing, “Everything will be fine.” Iyon ang huling sabi ko sa kaniya bago ako umalis at pumunta sa kuwarto upang matulog na.
Kinaumagahan ay nag linis ka agad ako ng bahay, ’yung buong bahay ni Dhrake talaga.
Medyo nag tataka rin ako dahil medyo kaunti na lang ’yung nililinis ko at hindi katulad dati na may mga kalat, pero ngayon? Hindi ko alam, medyo malinis siya kanina nung hindi pa ako nag linis.
BINABASA MO ANG
Aldecantra Series #1: A Love Made in Pampanga
RomanceAldecantra series #1 (COMPLETED) There are two problematic people who met in this problematic world. They even reside in the same city. Pampanga. Some problems will never be resolved, but what about these two new acquaintances? Will they deal with t...