"Alright, thank you, Theonizie-- oh, she's my best friend. We are almost best friend for almost a year and she's having a problem right now that's why she's finding a job. Maraming salamat para rito, malaking tulong na ito kay, Sam. Alright, thank you again, bye." Narinig kong sabi ni Sofia mula sa kaniyang cellphone.
Kinakausap niya siguro 'yung kaibigan niyang may kaibigang mayaman, na kung saan magiging kasambahay ako roon.
Nasa sala kami ngayon ni Sofia at ang mga kapatid ko naman ay pumasok na sa paaralan. Kakahatid lang namin ni Sofia sa kanila kanina.
Umupo naman si Sofia sa aking harapan and she gave me a thumbs up. "Ayos na raw, pupunta na lang daw tayo doon sa bahay ng kaibigan niya ngayon." Nakangiting sambit niya sa akin. "Akala ko nag-usap kayo nung may ari ng bahay." I chuckled.
Umiling naman si Sofia na may ngiti sa kaniyang labi. "Nope, I was talking to, Theonizie. Nakausap na raw niya ang kaibigan niya at ang sagot naman ng kaibigan niya ay pumunta na lang daw tayo roon mamaya para malaman at makilala ka niya. Hindi ko kasi makausap 'yung kaibigan niya e kasi wala akong number niya."
"Ano ba pangalan nung may ari nung bahay?" I asked. "Dhrake Zandigiero. Sa pagkakaalam ko kasama 'yan ni Theonizie sa Aldecantra at palagi raw siyang busy, narinig ko lang 'yan mula kay Theonizie." Sofia explained.
Kumunot naman ang noo ko. "Anong Aldecantra? Ano 'yan?" Tanong ko muli.
"A band. Lima sila, si Dhrake, Theonizie, Yusef, Clarkidezi, at si Fourteen. Sa pagkakaalam ko rin ay isa rin silang sikat na banda rito sa Pilipinas. Tumutugtog sila kahit saan."
It's funny to think na magiging kasambahay ako ng isang sikat na miyembro ng banda. Hindi lang ako sigurado kung matatanggap ako doon bilang katulong doon sa bahay niya.
I slowly nodded. "Nakita mo na silang kumanta?"
Mabilis namang tumango si Sofia na para bang atat na atat ito. "Oo naman! Ga-ganda ng boses‚ hindi talaga nakakasawang pakinggan. Soon, pupunta tayo sa tugtog nila at makikita mo kung paano sila kakanta.” Natutuwang sabi niya sa akin. “Ang guwapo nga ni Theonizie e. I admire him so much pero hindi niya alam na may gusto ako sa kaniya, mag kaibigan kasi kami at ayaw ko ring masira iyon." Malungkot na sambit niya.
"Pero siyempre malandi ako, susubukan kong umamin sa kaniya, baka maunahan pa ako, pero hindi pa ngayon dahil nahihiya ako." She giggled.
I smirked, "Ibang klase ka talaga ma in love. Ngayon lang kita nakita na ganiyan." I laughed.
Iniripan niya naman ako. "Bahala na nga, basta gusto ko siya kaso nahihiya lang ako umamin--"
"Take the risk or lose the chance?" I asked and she stopped. "I am willing to take the risk." Mabilisan niyang sagot.
“Sus... Hihintayin ko ’yan, ah?” Panunukso ko naman sa kaniya.
Hindi ko inaasahan na ganito pala 'to siya ma in love sa isang tao.
Tama nga sila, nakakabaliw ma in love.
"I'm done." Sabi ko kay Sofia nang matapos ako mag bihis.
"Tara?"
"Saglit, 'yung mga gamit ko, hindi ba ako doon matutulog? O uuwi pa ako rito?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya. "Sabi ni Theonizie sa akin doon ka raw matutulog pero puwede ka raw umuwi rito." Sofia explained.
Pumasok na kami sa sasakyan ni Sofia and she started the engine, lumayo na rin kami sa bahay niya upang pumunta sa bahay ni Dhrake na kung saan magiging katulong o kasambahay ako roon.
“’Yung si Dhrake na tinutukoy mo... Hindi ba siya nakakatakot?” Biglang tanong ko kay Sofia habang kami ay nasa byahe.
Mahina namang natawa si Sofia sa sinabi ko habang nagmamaneho siya. Umiling siya sa sinabi ko, “Nope, he’s nice, minsan hindi, pero maybe ganiyan talaga may bad side, may good side. But, I don’t know talaga kay Dhrake, mabait naman siya sa akin e. Hindi ko lang talaga alam kung ano ba ’yung totoo niyang ugali.” Napatango na lang ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Aldecantra Series #1: A Love Made in Pampanga
RomanceAldecantra series #1 (COMPLETED) There are two problematic people who met in this problematic world. They even reside in the same city. Pampanga. Some problems will never be resolved, but what about these two new acquaintances? Will they deal with t...