Kabanata 3

56 14 0
                                    

"Sam! Gala tayo! Free ka ba ngayon?" Bungad sa akin ni Sofia nang sagutin ko ang tawag niya habang nag lilinis ako sa kusina dahil kakatapos lang kumain ni Dhrake, hindi ko rin alam kung umalis na ba ’yon.

Napabuntong hininga naman ako. "Nako, pasensiya na talaga, Sof. Parang hindi ata kita masasamahan ngayon e, hindi pa ako tapos mag linis dito--"

"You can't go out, hindi pa tapos ang trabaho mo."

Napatigil naman ako nang may nag salita sa likuran ko.

Nakita ko si Dhrake na nakapag-ayos na at ang kaniyang kamay naman ay nakapasok sa bulsa ng trouser niya.

Inilayo ko naman ka agad ang cellphone ko mula sa aking tainga at naiilang na tinignan si Dhrake.

Napayuko naman ako dahil hindi ko siya kaya tignan sa kaniyang mga mata. "P-Pasensiya n-na ho, hindi n-na mauulit..." Mahinang sagot ko sa kaniya at nanatili naman akong nakayuko, iniiwasan kong huwag tumingin sa kaniya.

Hinihintay kong sumagot siya pero wala akong narinig mula sa kaniya, umalis siya sa harapan ko na para bang walang pake, na parang walang nangyari. Galit. Natural, galit talaga siya, hindi ko naman kasi alam o napansin na narinig niya pala ang sinabi ko nang tumawag si, Sofia.

Nanatili akong nakatayo roon ng ilang minuto, matapos 'yon ay mabilis akong pumunta ng banyo upang mag kunwari na nag ba-banyo ako pero ang totoo talaga ay tatawagan ko ulit si Sofia upang ituloy ang pinag-usapan namin.

Hinihintay ko naman ang sagot ni Sofia at nang sinagot niya ito ay ka agad siyang nag salita, "Bakit bigla kang nawala kanina? Haba-haba ng sinasabi ko kanina tapos bigla ka na lang nawala--"

Agad naman akong sumingit, "Nahuli ako ng amo ko. Si, Dhrake. Narinig niya kasi ang sinabi ko sa iyo kanina na hindi ako puwede lumabas o gumala ngayon kasama ka dahil may trabaho pa ako, tapos bigla siyang sumulpot na para bang galit siya, sabi niya bawal ako lumabas kasi hindi pa tapos trabaho ko.”

“Nakakatakot siya kanina, sobra. Halos hindi ako makatingin sa mga mata niya kanina e." Kuwento ko naman.

Napakunot naman ang aking noo nang marinig ko ang boses ni Sofia na tumatawa nang mahina.

"Bakit ka natatawa?" Tanong ko naman dito.

"Wala, hindi ko lang talaga alam kung saan ako papanig e." Then she laughed again. So hard. "Ang kuwento kasi sa akin ni Theonizie na masayahin daw ’yan si Dhrake at mapang asar tapos ngayon base sa kuwento mo parang galit nga siya. I'm not sure ha, but we don't know kung ano nga ba ang totoong ugali niya.” Pagpapatuloy niya.

"'Yun na nga e. Natakot ako sa kaniya kanina, humingi agad ako ng pasensiya sa kaniya pero umalis ka agad siya sa harapan ko na para bang walang nangyari e."

Narinig ko namang napabuntong hininga si Sofia, "Nako, huwag mo na siyang isipin sa ngayon, ibalik na natin 'yung topic about sa galaan." Singit niya.

Napapikit naman ako, "Hindi talaga ako makakasama ngayon Sofia e, pansensiya na. Marami akong tatapusin ngayong araw, sobrang laki pa naman ng bahay." Wika ko.

"Gala sana tayo kasama mga kapatid mo but I understand, sa susunod na lang! Pero sa ngayon sina muna Kira at Fira na muna, para mabili nila ang mga gusto nila. Ako na ang bahala sa kanila, Sam. Basta ha? Update mo ako kapag may mangyaring masama sa iyo o kung may gusto kang sabihin."

I smiled, "Thank you, maraming salamat talaga, Sof. Puwede bang pakisabi sa mga kapatid ko na kumusta na sila? Pakisabi na gustong-gusto ko na sila makita. Pakisabi sa kanila na maayos lang ang lagay ko rito." I told her.

"Gusto mo bang kausapin sila? Ibibigay ko ito kay Kira--" I cut her off. "Huwag na muna, mag lilinis pa kasi ako, tumakas lang kasi ako para tumawag sa ’yo ngayon. Siguro mamaya ko na lang sila kakausapin. Miss na miss ko na sila, Sof, maraming salamat at nandiyan ka." Nakangiti kong sambit na para bang nasa harapan ko lang si Sofia.

Aldecantra Series #1: A Love Made in PampangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon