Three months had passed, my life was like a rollercoaster. Maraming nangyari sa buhay ko na hindi ko na kayang ipaliwanag pa.
Napag usapan namin ni Dhrake dati na dito na titira sa bahay niya sina Kira at Fira, upang makasama ko sila at hindi na ako mabahala pa. Nag papasalamat rin ako kay Sofia dahil kahit paano ay inaalagaan niya mga kapatid ko dati noong walang-wala ako.
I told her na babayaran ko siya sa lahat ng mga ginawa niya sa kapatid ko, pero tumanggi siya at sinabihan niya akong ayos na ayos lang iyon sa kaniya.
Inamin niya ring napasaya siya ng mga kapatid ko dahil sobrang bait nina Kira at Fira kay Sofia.
Kaya nung tumira na sina Kira at Fira rito sa bahay ni Dhrake ay ipinakilala ko sina kay Aling Fiona, at habang tumatagal ay mas lalong napapalapit ang loob nina Fira at Kira kay Aling Fiona.
Minsan rin ay bumibisita si Sofia rito para makasama ang mga kapatid ko at si Aling Fiona.
Araw-araw kasi akong wala rito dahil hanggang ngayon ay nag ta-trabaho pa rin ako sa kompanya ni Dhrake.
Tatlong buwan na ang nakalipas ay nag bago rin si Dhrake.
Nagiging palatawa na siya, mabait, at hindi na rin napipikon. ’Yung kompanya niya naman ay mas lalong lumago, pati na rin ’yung bar niya.
Si Huwan naman ay biglang na tahimik, sa pagkakaalam ko kasi ay hindi na siya nang gulo ulit sa buhay ni Dhrake. Sinabi rin ni Fitha na lumaos na raw ’yung bandang hinahawakan niya, pati na rin ’yung kompanya ni Huwan ay bumagsak.
Ang sabi nga ni Dhrake na karma na raw ’yon sa kaniya.
Sinabi rin ni Fitha noong nakaraang araw na lumabas ng bansa si Huwan at pumunta siya ng Canada, balak nga sana nilang ipakulong si Huwan pero hinayaan na lang nila dahil pumunta na siya ng Canada.
’Yung banda naman nila Dhrake ay mas lalong sumikat sa buong mundo, kilalang-kilala na rin sila. May sarili rin silang kanta na ginawa lang nila last month, at dahil sa kantang iyon ay mas lalong dumami ang mga taong humahanga sa kanila.
“Kamay” ang pamagat nung bagong kanta nila.
Ilang beses ko na ring narinig ’yon at balita ko nga rin ay mamayang gabi ay kakanta sila mamaya sa bar.
Si Sofia at Theo naman ay ganoon pa rin, walang pinagbago, hindi pa rin umaamin si Sofia sa kaniya. Pinipilit namin si Sofia pero ayaw niya talaga dahil hindi pa siya handa.
Pero napapansin naman namin ni Dhrake na mas lalo silang napalapit sa isa't isa, na para bang may kakaiba sa kanilang dalawa, na para bang may hindi kami nalalaman. Pero hindi na lang namin iyon pinansin at hinayaan muna sila.
Narito ako ngayon sa loob ng conference room at nasa gilid ko si Dhrake habang nakaupo ito sa swivel chair, at nasa gilid niya ako.
They are talking about the business of Dhrake, they are planning na mas palaguin pa ito at mag tayo ng isa pang building rito sa Pampanga.
Nang matapos naman iyon ay sobrang saya ni Dhrake dahil matutupad na ang pangarap niya na mag tayo ng isa pang building rito sa Pampanga, marami pa siyang pangarap sa buhay niya at habang tumatagal ay natutupad niya ito.
I'm happy for him by the way.
“Are you hungry?” He asked me habang nag lalakad kami rito sa hallway papunta sa opisina niya.
Mabuti na lang din at hindi na ma issue ’yung mga nag ta-trabaho rito sa tuwing mag kasama kami ni Dhrake.
Umiling naman ako kahit na gutom na gutom na ako.
BINABASA MO ANG
Aldecantra Series #1: A Love Made in Pampanga
RomansAldecantra series #1 (COMPLETED) There are two problematic people who met in this problematic world. They even reside in the same city. Pampanga. Some problems will never be resolved, but what about these two new acquaintances? Will they deal with t...