Lionore's Point of View
It's been two days simula no’ng dinala rito si Kira. Sobrang taas ng lagnat niya at akala namin ni Sofia ay dengue na, inamin rin kasi ni Sofia na ilang araw na raw bumabalik ’yung lagnat ni Kira.
Gusto rin ni Sofia na sabihin sa akin ’yon pero nag mamakaawa sa kaniya si Kira na huwag sabihin sa akin, dahil ayaw ni Kira na mag alala ako sa kaniya.
Nag papasalamat rin ako sa tulong ni Sofia dahil kahit paano ay sinabihan niya ako.
Mabuti na lang din at medyo magaling na si Kira.
Unti-unting bumababa ang lagnat niya.
Narito ako ngayon sa hospital at nakaupo sa isang upuan na kung saan katabi ko lang si Kira. Pinakain ko siya kanina at mabuti na lang ay kumakain na siya ng marami ngayon.
Kaming dalawa lang ang nandito ngayon ni Kira dahil si Sofia may lakad at si Fira naman ay may pasok. Ayaw nga sanang pumasok ni Fira dahil gusto niyang samahan ako rito, pero hindi ako pumayag at sinabihan siyang pumasok na.
Dalawang araw na rin akong hindi nag ta-trabaho sa kompanya ni Dhrake.
Sinabihan ko naman siya at hindi naman siya nag dalawang isip na payagan ako. Wala rin kasing mag babantay sa kapatid ko kaya sinamahan ko si Kira rito.
But I stopped thinking nang may kumatok sa pintuan, hanggang sa bumukas ito.
I thought it's Sofia.
But I was wrong.
It's Dhrake.
Umayos naman ako ka agad sa pag upo nang pumasok siya, may dala rin siyang nga prutas na nakalagay sa malaking basket.
Ang guwapo niya rin sa suot niyang white long sleeve at black trouser.
Humakbang naman siya papalapit sa akin kaya tumayo naman ako upang tanggapin ’yung ibibigay niyang mga prutas, at nag pasalamat naman ako sa kaniya. “Hey... How is she?” He asked me habang nakatingin siya kay Kira na mahimbing na natutulog.
Inilagay ko naman ’yung basket na nag lalaman ng mga prutas sa lamesa na nasa gilid lang.
“She’s fine. Bumababa na rin ’yung lagnat niya, sabi nga ng doctor sa akin kanina na kung gagaling na siya bukas, puwede na siyang iuwi sa bahay para mag pahinga.” I told him.
He remained silent at tinitigan ang kapatid ko.
Is he thinking of something?
Mag sasalita sana ako sa kaniya kaso biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sofia.
Na patigil pa nga siya nang pumasok siya dahil nakita niyang nandito si Dhrake, pero bigla ring nawala ’yung pagka gulat niya at lumapit sa amin.
“Hi,” Sofia greeted him. “Hello, where's Theo by the way?” Dhrake asked her at na pansin ko namang naging kamatis bigla si Sofia kaya lihim naman akong napangiti dahil doon.
“I don’t know. We talked earlier, but he told me that he's busy with something.” She uttered. “Oh, maybe he's busy with his new girl--” Hindi naman natuloy ni Dhrake ’yung sinabi niya dahil biglang nabulunan si Sofia.
“T-Teka--” Patuloy namang umuubo si Sofia at lumabas sa silid.
Ako naman ay natawa lang ng mahina dahil kay Sofia.
Sakit naman nun.
“Bakit? What happened to her?” Dhrake asked me curiously.
Nag dadalawang isip naman ako kung sasabihin ko ba sa kaniya o hindi. Matalik niya pa namang kaibigan si Theo at ayaw ko rin sabihin kay Dhrake dahil baka magalit si Sofia sa akin.
“Mangako ka sa akin na huwag mo ito sasabihin sa kahit sino ah.” I told him at tumango naman siya at nagtataka pa rin. “Matagal nang nahulog si Sofia kay Theo, pero natatakot siyang umamin dahil baka masira ang pagkakaibigan nilang dalawa. Malapit kasi sila sa isa't isa, hindi ko rin kasi alam kung gusto rin ba siya ni Theo. E sa sinabi mo siyempre nasaktan talaga ’yon.” Sambit ko.
“I’m sorry, I didn't expect that. But Theo told me that he's in love to someone else right now, hindi ko rin alam kung sino kasi hindi naman siya nag drop name.” He chuckled. “I should apologize to her, I'll be right back--”
I laughed and he stopped because of that. “Ganiyan talaga si Sofia, babalik din ’yon.” I laughed. “Bakit natatawa ka?” He asked me. “Hindi mo ba love kaibigan mo.” He smiled and I just chuckled.
“Ganiyan naman talaga si Sofia, inaasar ko nga ’yan minsan e na what if may kasintahan na si Theo, aalis siya at maya-maya ay babalik siya para sabihin sa akin na ang guwapo ni Theo.” I smiled.
I was about to speak dahil parehas na kaming nakangiti pero na palingon kami kay Kira nang mag salita ito.
“A-Ate...” I heard her, kaya dali-dali akong lumapit sa kapatid ko at ngumiti sa kaniya.
“How are you? Maayos na ba pakiramdam mo? Hindi na ba masakit?" Sunod-sunod na tanong ko sa kapatid ko. She smiled at me at umupo sa kama niya, bigla niya akong niyakap kaya mas lalo akong napangiti dahil doon.
“Thank you for staying, Ate. Kahit alam kong pagod na pagod ka sa trabaho mo, pero pinili mo pa ring alagaan ako rito.” Kira told me kaya umalis naman ako sa pagkayakap niya sa akin at hinawakan ang mag kabilang pisngi niya.
“Nandito lang ako para sa ’yo.” I smiled at her. Sakto naman at may biglang kumatok at pumasok si Sofia kasama ang Doctor ng hospital.
“Hello, Kira. How are you?” The Doctor smiled at my Sister, “Maayos na po ako.” Nakangiting sagot naman ni Kira sa babaeng Doctor na nasa harapan namin ngayon.
Chineck naman nung Doctor si Kira at nang matapos naman ’yon ay nag paalam na ang doctor sa amin, pero bago siya umalis ay ibinigay niya sa akin ’yung bill at nakita ko naman kung gaano kalaki ang babayaran namin.
Umabot hanggang twenty-two thousand, e hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganito kalaking pera.
“Magkano, Sam?” Sofia asked me habang nakatitig lamang ako sa papel na hawak ko.
Inabot ko naman sa kaniya ’yung papel at nang makita niya ’yon ay nag salita siya. “Ako na ang bahala--” But Dhrake cut her off. “Let me see.” Biglang kinuha ni Dhrake ’yung papel kay Sofia at tinignan ito.
“Ako na ang mag babayad.” Dhrake uttered. “I’m going to approach the doctor later.” He looked at me.
Lumabas naman saglit si Sofia dahil tumawag sa kaniya si Theo kaya hinayaan namin siya ni Dhrake, natawa pa nga si Dhrake dahil na pansin niyang nagiging kamatis na naman ang mukha ni Sofia.
Ako, si Dhrake at ang kapatid ko na lang ang naiwan rito sa silid na ito.
Hinawakan ko naman ang kamay ni Dhrake at hinila siya sa sulok upang mag usap nang hindi naririnig ng kapatid ko.
“What are you doing?” tanong ko rito. Tumaas naman ang dalawang kilay niya, “Mag babayad.” He answered sarcastically.
“Ang mahal-mahal nga nung babayaran--”
“May mali ba?"
Na pahinto naman ako. “Wala naman...” Mahinang sagot ko. “Sadyang nahihiya lang talaga ako, si Sofia rin kasi minsan ang gumagastos sa mga kapatid ko, iniisip ko pa kung paano ko siya babayaran tapos ikaw ’yung gagastos rito sa hospital. Hindi ko rin alam kung paano kita susuklian--”
“No need. Wala naman akong sinabi na babayaran mo ako, It's fine.” Ginulo niya naman ’yung buhok ko at ngumiti sa akin habang ako naman ay nakatulala pa rin. “Tell your sisters na puwedeng-puwede sila pumunta sa bahay ko o tumira roon para naman makasama mo sila.” He smiled at me.
Bakit ba siya ganito...
Naramdaman ko namang may isang butil ng luha ang dumaloy sa pisngi ko at ngumiti naman ako kay Dhrake.
“Thank you...” Mahinang sambit ko sa kaniya habang may ngiti sa aking labi.
BINABASA MO ANG
Aldecantra Series #1: A Love Made in Pampanga
RomanceAldecantra series #1 (COMPLETED) There are two problematic people who met in this problematic world. They even reside in the same city. Pampanga. Some problems will never be resolved, but what about these two new acquaintances? Will they deal with t...