Kabanata 17

17 6 0
                                    

“Tell me about your life.”

“Bakit ko naman sasabihin sa ’yo?"

He stopped drinking his coffee at inilagay ito sa mesa, tinukod niya ang kaniyang dalawang siko sa mesa at tiniklop iyon, at tumingin sa aking mga mata.

“Of course, I want to know about your life. Tutal medyo hindi pa kita nakikilala, I don't know your entire life slightly.” He smiled.

“Ano ba ang nakain mo at na sabi mo ’yan?" Diretsahan kong sabi sa kaniya.

Hindi ko siya ma gets e.

“Do you have any siblings?”

Tumango ako.

“Who are they?”

“Kira and Fira, they are twins. They are staying at Sofia's house.” I answered at ininom ang aking kape, na pataas naman ang dalawang kilay ni Dhrake habang hinihigop ang kaniyang kape at pagkatapos non at tumingin ulit siya sa akin. “Why are they staying at Sofia's house? Where's your Mom or Dad?”

Huminga naman ako nang malalim at sumagot, “Bakit ba puro ka tanong? Hindi naman ’to interview--”

“Hindi kasi kita na tanong nang ganito no’ng kakarating mo pa lang dito e. I want to know you more, Lionore--”

“It's Sam, not Lionore.” I correct him. “Okay, Sam, then where's your Mom and Dad? Why your siblings are staying at Sofia's house--”

“Wala akong magulang, okay? Wala na ’yung Papa ko at ’yung Mama ko naman hindi ko na nakakausap. Gets? Kaya huwag mo na ulit i-tanong sa akin ’yan.” Iritadong sabi ko sa kaniya kaya naman ay tumahimik siya at sandaling hindi umimik.

“What happened?”

Napapikit na lang ako at huminga nang malalim.

Jusko, punong-puno na ako.

Kailan ba ’to titigil?

Ayaw ko na ulit maalala si Mama, at ganoon din sa nangyari kay Papa.

“Construction worker ’yung Papa ko dati, na disgrasiya siya at natusok siya sa isang bakal. Hindi niya kinaya kaya na iwan niya kami rito sa magulong mundo na 'to.” Walang emosyon kong sabi sa kaniya. Tinukod ko naman ang dalawang siko ko sa lamesa at tumingin sa kaniyang mga mata. “'Yung Mama ko naman, masama ang ugali, abusado, at palaging sinasaktan ang mga kapatid ko, sinisigawan, sinasampal, at pinapakain ng mga hindi masustansyang pagkain.” I told him, pero wala siyang imik at nakatitig lamang sa mga mata ko.

“Nag ta-trabaho ako sa isang convenience store dati, kaya late na ako umuuwi ng bahay. Nadadatnan ko na lang ang mga kapatid kong may pasa na sa hita, mukha, pisngi, braso, at leeg. Natatakot din ako kay Mama noon kaya hindi ako umangal sa mga ginagawa niya sa mga kapatid ko at natatakot ako na masigawan niya ako--”

“I’m sorry.” He cut me off at na pahinto naman ako dahil doon.

Ano raw?

Kumunot naman ang noo ko. “Huh?”

“I keep shouting at you these past few weeks right? I didn't know that you are scared if someone was shouting at you--”

“Hayaan mo na, nangyari na e.” Pag pigil ko rito at ininom ang kape na nasa harapan ko. “Should I continue? Hanggang sa isang gabi, nadatnan ko si Mama na sinisigawan ang mga kapatid ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nagalit ako kay Mama hanggang sa sinabihan niya ako na walang kuwenta, na sana daw ay hindi niya na lang kami binuhay. After that, napag isipan kong mag layas kasama ang mga kapatid ko. Dinala ko sila sa bahay ni Sofia, wala ring problema kay Sofia na manatili muna ang mga kapatid ko sa bahay niya, pero nangako naman ako sa kaniya na susuklian ko siya sa tamang panahon lalo na’t si Sofia ang nag papa-aral sa kanila.” Pag ku-kuwento ko sa kaniya. “You should visit them." Dhrake uttered. Umiling naman ako, “No, they are too busy, marami silang ginagawa sa school nila at wala rin akong balak na istorbohin sila.”

Aldecantra Series #1: A Love Made in PampangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon