“You will be my secretary starting tomorrow.”
He left me speechless when he said that.
Isa lang akong katulong tapos mabibigla na lang ako na magiging sekretarya na niya ako?
Hindi ba siya nag bibiro?
Kasi kung biro man ’to, sa tingin ko hindi ’to nakakatuwa.
Lumalalim na ang gabi at nasa kuwarto ako ngayon, nakatitig lamang sa kisame. Iniisip ko pa kasi kung totoo ba ’yon o hindi. Pero mukhang totoo naman, ang seryoso niya kasi e.
Bahala na, kung totoo man ’to o hindi.
Napapaisip na lang talaga ako kung tama ba itong dinadaanan ko sa buhay.
Sana nga tama ito.
Para sa mga kapatid ko, gagawin ko talaga lahat.
Two days later, it's exhausting.
Akala ko talaga nag bibiro si Dhrake na kukunin niya ako bilang sekretarya niya, pero totoo nga talaga! Buwesit, akala ko madali, pero ang hirap! Mas pipiliin ko na lang talaga maging katulong doon sa bahay niya.
Hindi nga sana ako papayag na maging sekretarya niya ako, pero sinabi niya naman sa akin na babalik na raw si Aling Fiona, alam na rin ni Aling Fiona kaya ang sabi niya sa akin na kaya niya na roon sa bahay mag isa.
Nag lalakad ako papunta sa opisina ni Dhrake para sabihin sana sa kaniya na aalis muna ako. May bibilhin sana ako para sa mga kapatid ko, tumawag kasi sila noong nakaraang araw na gusto nila ng bagong notebooks kasi malapit na raw maubos ’yung sa kanila. ’Tsaka nahihiya rin sila humingi kay Sofia.
While I was walking, my phone suddenly vibrated and I saw Sofia message, so I read it.
“Hi Sam! Ako na ang bahala sa mga bibilihin ng mga kapatid mo, huwag ka na umangal sige ka. Good luck jan sa work mo! Love you!”
Napa hinto ako sa pag lalakad nang mabasa ko ’yon. Sobrang bait talaga ni Sofia. Pinapangako ko talaga na susuklian ko ’to siya sa tamang panahon, sadyang wala pa talaga akong sapat na pera ngayon para mabayaran siya.
I sighed and I continued walking hanggang sa marating ko ang opisina ni Dhrake at binuksan ko ito.
“Can you brought me some coffee, Sam?” Sambit niya habang hindi ito nakatingin sa akin dahil may inaasikaso siya, at hawak-hawak ang mga papel na nasa harapan niya.
“Ilang beses ka ba umiinom ng kape sa isang araw? Grabe ka naman makainom, pang-apat mo na ata ’to.” Iritadong sagot ko rito. Nakakapagod mag lakad, ang sakit ng heels na suot-suot ko. Tinitiis ko lang talaga.
Bumuntong hininga na lang ako at akmang lalabas na sana, pero nag salita si Dhrake kaya naman ay napa hinto ako at hindi lumingon sa kaniya habang hawak-hawak ko ang doorknob.
“Is there any problem?” He talked to me, and now, I can feel his presence, nasa likuran ko na siya.
“Are you concerned?” He asked me, at dahil doon ay lumingon ako sa kaniya. “Wala naman.” I answered sarcastically.
Lalabas na sana ako ng tuloyan but he suddenly grabbed my hand, sa sobrang bilis ng pangyayari ay napasubsob ako sa kaniyang dibdib at muntik na rin akong matumba dahil natapilok ako sa suot-suot kong heels, but Dhrake hands are so fast, kaya nahawakan niya ako sa bewang upang hindi matumba ng tuloyan.
“Dumudugo ’yung paa mo,” He murmured softly, and he suddenly carried me like a bride at dahil doon ay napalaki ang dalawang mata ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Halos hindi na rin ako makagalaw.
BINABASA MO ANG
Aldecantra Series #1: A Love Made in Pampanga
RomanceAldecantra series #1 (COMPLETED) There are two problematic people who met in this problematic world. They even reside in the same city. Pampanga. Some problems will never be resolved, but what about these two new acquaintances? Will they deal with t...