Kinagabihan.....
"Bukas, makakilala kayo ng magagandang Engkantres kaya dapat gwapo kayo at kaibig-ibig tignan."
"Mn-mn." Sang-ayon ni Liram.
"Dadalo din ba po ang mga Engkantre at Engkantres sa sektor ng Silab, Ditse?" Tanong ko. Matagal na rin ang panahon mula nang putulin ng angkan ng Liyab ang ugnayan ng kanilang sektor sa iba pang sektor at sinara ang mga daanan.
"Sa palagay ko ay hindi. Bakit mo pala natanong?"
"Iniisip ko lang kung gaano sila kalakas ngayon."
"Ako man ay hindi ko mapigilan ang sarili na ma-usisa-nga pala bago natin pag-usapan yan may sasabihin ako sa inyong paalala."
"Ano po yan ditse?" Tanong ni Liram.
"Kung hindi ako nagkakamali ay may dadalo na Engkantres na hindi basta-basta malapitan. Ito ay ang Engkantres ng angkan ng Lawiswis, sa pagkakaalam ko Liwa ang kanyang pangalan."
"Li..wa?" Ani ko. At inaalala kung saan ko narinig ang pangalan na ito.
"Oo, at sa tingin ko ay isasama rin ng Engkantre ng angkan ng bawod ang kanyang pinsan,na ayon sa sabi-sabi ay hindi maganda ang ugali-pangalan niya ay Dag om. Kaya mas mainam na layuan niyo ang Engkantre at Engkantres na binanggit ko. Naintindihan niyo ba?"
Hmm..ano kaya ang itsura ni Liwa?
"Opo."sagot ni Liram.
"Wala ako doon kaya alagaan niyo ang isa't isa."
"Opo."
"Mabuti naman, Sige na't matulog na kayo para hindi kayo mukhang hapis bukas." Ani ni ditse.
"Masusunod po, Ditse."
"Inaantok na rin ako. Lalabas na ako." Ani ditse saka binuksan ang pinto.
"Sige po."
Tak~!
Pagkasara ng pinto humiga si Liram sa higaan ko habang nakadipa ang kamay.
"Dito ako matutulog. Tinatamad ako lumabas."
"Umayos ka nga ng higa." Saway ko sa kanya. Kinuha ko ang paa niya at inikot para makahiga ng maayos.
"Buhay malaya..."Mahinang ani Liram habang nakatingin sa bubong. "nasasabik na ako para bukas." Sabi niya.
Sumang-ayon ako sa kanya saka pinikit ang mga mata."Hindi na ako makapaghintay na makilala ang tinatawag nilang Liryo at kambal alon ng laot."
"Mm. Kambal buhawi ng Bugso naman ang nais ko'ng makilala." sabi ko.
"Pagpalain ka nawa." biglang ani ni Liram. Tumingin ako sa kanya.
"Bakit naman?" tanong ko. Tumingin naman siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Engkanta :Unang Yugto
SpiritualKabado kaming lahat. "Engkantre Mikan, paano po kung may sukdulan na rin sa ating katubigan." "Huwag kayong mag-alala. May inihanda na ako'ng paraan. Makinig kayong mabuti, anuman ang masaksihan niyo mamaya huwag kayong masindak. Kumapit lang kayo...