Kabanata 3

13 2 0
                                    

—Mikan——

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


—Mikan——

Dumeritso kami sa kung saan gaganapin ang seremonya ng buhay-malaya.

"Pagbati sa kagalang-galang na maestro..Maestro Wako."Sabay naming bati kay maestro wako.

"Ikinalulugod ko ang inyong pagdalo,mga Engkantre ng angkan ng Luntian at Engkantre ng angkan ng Kahel." Yumuko kami bago naglakad papunta sa bakanteng upuan.

"Hoy, san ka pupunta?" Tanong ni Liram sa mahinang boses.

"Uupo." Sagot ko.

"Dito tayo."

Sasagot na sana ako ng may naramdaman ako'ng isang bagay na tatama sa akin. Sinalo ko ito saka tiningnan.

Isang bato

"Ayoko diyan." sagot ko saka umupo sa upuan na nasa likuran niya.

"Bago tayo magsimula,ipakilala niyo muna ang inyong mga sarili. Magsimula tayo sa Engkantre ng angkan ng Bawod."
Ani ni Maestro Wako.
Tumingin ang lahat sa banda kung saan sila naka-upo.

"Magandang araw sa lahat. Ang pangalan ko ay Agus,masaya akong makilala kayong lahat."

"At ako naman si Dag om, pinsan ni engkantre Agus." pakilala nung isang engkantre saka tumingin sa akin na parang galit.

Sa kanya galing ang bato kanina.

Mukhang kailangan ko talaga siyang iwasan.

Sunod-sunod na nagpikilala ang iba pang engkantre ng ibang angkan.

"Magandang araw. Ako po si Engkantre Lawin.." Tumigil siya sandali.
"Engkantres Liwa." Pakikilala ng Engkantres.

"Engkantre at Engkantres ng angkan ng Lawiswis. Masaya kaming makilala kayo." Sabay nila na sabi.

Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang aking tawa ngunit may nakatakas pa rin.Nilingon ako ni Liram kaya itinaas ko ang dalawa ko'ng daliri,upang humingi ng paumanhin.

Hindi ko lang talaga mapigilang matawa sa itsura ni engkantres Liwa. Masaya raw siya'ng makilala kami pero parang hindi naman iyon ang sinasabi ng mukha niya.

Mukhang narinig niya ang pagtawa ko kaya tiningnan niya ako ng masama.Ngumiti ako sa kanya sabay taas ng dalawang daliri.Inalis niya ang tingin sa akin at bumalik sa pag-upo.
Sunod na tumayo si Bagis at nagpakilala.

"Pagbati sa lahat. Ako si Bagis, labing apat na taong gulang,Engkantre ng angkan ng Kahel. Masaya akong makilala kayo."
Sunod na tumayo si Liram.

"Engkantre Liram po. Galing sa angkan ng Luntian.." Pagpapakilala niya, saka tumigil sa pagsasalita.

Bakit siya tumigil?
Nag-iisip pa ba siya kung ano ang sasabihin?

Kunot noo siyang lumingon sa akin.

"Hoy,ano'ng tinutunganga mo diyan?" Naiinis na sabi niya.

Eh?
Ako ba ang tatapos ng pagbati?

"Pasensya na po.Magadang araw po sa inyo." Sabi ko atsaka umupo.

Pagkatapos magpakilala ng lahat sinimulan na ni Meastro Wako ang pagpapaliwanag kung ano ang buhay-malaya.

"Ang buhay-malaya ay isang panukala na gaganapin taon-taon. Kung saan dumadalo ang mga piling engkantre na may edad na labing-apat hanggang labing anim. Dito sa Arya ay malaya kayo sa mga patakaran ng inyong angkan at gawin ang nais niyo'ng gawin. At mananatili kayo sa nayong ito ng isang buwan."

"Bagaman malaya kayo sa inyong gagawin, hindi pinahihintulan ang sinuman na manakit ng kapwa o kumitil ng buhay ng kapwa Engkante."

"Kung ganun po Maestro Wako, Hindi na Buhay-malaya ang tawag sa panukalang ito kung hindi pinahihintulan ang manakit o kumitil ng buhay ng kapwa Engkante." Sabi ni engkantre Dag om. Napatingin ang lahat sa kanya saka nagbulong-bulungan.

'mukhang totoo ang sabi-sabi tungkol sa kanya'

'Sa tono ng kanyang pananalita parang may gusto siyang saktan.'

'Kung nagkataon siya ang magbibigay ng malaking kahihiyan sa kanilang angkan.'

'Nakakatakot siya. Kaya pala sabi ni Ina hanggat maari lumayo ako kay Engkantre Dag om.'

'Yan din ang bilin ni Ina sa akin. Kailangan ko raw mag-ingat sa Engkantreng ito.'
Bulong-bulungan ng ibang Engkantre't engkantres.

"Engkantre Dag om.Ang buhay-malaya ay hindi binuo upang ipaglaban-laban ang mga Engkante."

"tsk.Paano namin malalaman  kung sino ang malakas at mahina kung hindi maglaban-laban."

"Ang buhay-malaya ay hindi binuo upang alamin kung sino ang malakas o mahina."

"Psh.Wala ka na bang masasabi? Paulit-ulit—"

"Dag om."Saway ni Agus sa kanya."Hindi kita isinama dito upang bigyan mo ng kahihiyan ang ating angkan." Malumanay na sabi ni Agus. Tumahimik naman siya kaagad.

* *  • • • •

MARAMING SALAMAT PO SA PAGBASA!!

------Magkita tayong muli sa Kabanata 4!!

*  *  *  Katatawanan:

:Yung pinag-usapan niyo yung taong gusto niyo tapos bigla siyang sumulpot sa likod. AHAHAHA






Engkanta :Unang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon