—Mikan——
Habang pahaba ng pahaba ng aming araw dito sa arya,pa-inip naman ng pa-inip ang araw namin dito.
Ipinagbawal pa kasi ni maestro Wako ang pagpasok namin sa kagubatan ng siba. Pili lang ang pinapayagang mangaso dito.
At halos kabisado na rin namin ang mga patibong sa kagubatan ng patibong kaya nawawalan na rin kami ng gana.“Gusto ko nang umuwi!” naiinip na sabi ko sabay higa sa damuhan. “Hindi ko lubos akalain na hahanap-hanip ko ang mga pagsasanay sa nayon.” sabi ko saka bumangon.
“kasalanan mo naman kasi.” ani ni Liram.
“Engkantre Mikan, ano'ng pagsasanay po ba ang mayroon sa inyong nayon?” tanong ni engkantre Sanga.
“Marami. Ang mga batang may edad na anim hanggang sampung gulang ay paglinang ng mahika at tamang paggamit nito. Pagsasanay sa paggamit ng pana at espada.”
“Sigarado?! Hindi ba at masyadong maaga yun.”
“Hindi sa aming nayon. Sa edad na sampu hanggang labing lima isasanay naman ang iyong sarili sa totoong laban, kasama na dito ang pagsasanay ng KALI at iyong liksi, talas ng isip at depensa.” sabi ko.
“At hindi basta-bastang pagsasanay ito dahil hindi basta-bastang nilalang ang haharapin mo. At lalong hindi basta-bastang patibong ang iiwasan mo. Yung mga patibong dito wala pa yan sa sangkapat na patibong sa kagubatan ng medyum.” sabi ni bagis na may kasamang pananakot.
“Ibig sabihin ba nito mga bata ang makakasama ng mga engkantre't engkantres sa araw na iyon?” Tanong ni Lawin.
“Ehe, yun na nga...” pekeng ngisi ko.
“Sa yugto na meron ang mga engkantre't engkantre maaring ganun nga.” Ani ni Liwa.
“Hindi ba't nakakailang yun?” ani ng isang engkantres.
“Yun ang inaalala namin ngunit sigurado naman ako na may naiisip na solusyon si Ama.” Sabi ni Liram.
“Sa inyong nayon engkantres Liwa, ano'ng pagsasanay ang mayroon kayo?” tanong ko.
“Desiplina sa sarili, paglilinang ng hiwaga,tamang paggamit ng mahika at depensa.”
“Ano pa?” tanong ko.
“Yun lang.” Ani ni Liwa na ikinagulat ko.
“Ee?” gulat na sabi ko. Mahina namang tumawa si engkantre Lawin sa naging reaksyon ko.
“Mahihinhin at eleganteng gumalaw ang aming lahi. Kaya nakasentro sa aming angkan ang paglinang ng mahika at tamang paggamit nito.”
“Paano naman kayo nagsasanay ng depensa? O pagsasanay sa pakikipaglaban?” tanong ko.
“Sa hangin at sa ilalim ng tubig.” sagot ni Lawin.
“Makatwirang pamamaraan.” puri ko.
“Makinig! Makinig!!” Biglang sigaw ni engkantres Silang. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya.
“Batid ni Maestro Wako ang inyong pagka-inip kaya naman inaanyayahan niya ang lahat ng mga engkantre't engkantres na makilahok sa pagsasayaw ng tinikling mamayang gabi!!”
Dagdag pa niya.“Tinikling? Ngunit hindi makakasali niyan si Liwa.” Sabi ko.
“Walang problema, maaari silang manood lamang.”
“Ngee! Ayoko na din sumali—”
“Hindi pwede!!” Sigaw ni engkantres Silang sabay lapit ng mukha niya sa akin. Gulat ko'ng inilayo ang mukha ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Engkanta :Unang Yugto
SpiritualKabado kaming lahat. "Engkantre Mikan, paano po kung may sukdulan na rin sa ating katubigan." "Huwag kayong mag-alala. May inihanda na ako'ng paraan. Makinig kayong mabuti, anuman ang masaksihan niyo mamaya huwag kayong masindak. Kumapit lang kayo...