—Mikan——
"At yun ang nangyari. Nagkasakit ka nun at hindi ka nagising ng limang araw. Hindi ko alam na umabot pala ang balitang iyun sa ibang sektor."
Wala ako'ng naalalang ganun.
"Naalala ko pa nun, nung marinig ko ang kwento ni ama,pumunta ako kaagad sa angkan ng Luntian. Hahaha naalala ko pa nun, lagi ko'ng nadadatnan si liram na—"
"Manahimik!"Putol ni Liram sa sasabihin ni Bagis.
"Oy,mukhang may tinatago.." panunudyo ni engkantre Lawan kay liram.
"Wala!!" sigaw ni Liram na tumawa kami. Ang pula kasi ng mukha niya. hahaha
"Mukhang meron."
"Walaaa! Wala wala wala! Huwag mo'ng sasabihin!" Sabi niya kay Bagis na may pagbabanta.
Pinagtitinginan na kami ng ibang Engkantre at Engkantres."Hahaha! Namumula ang tenga ni Liram O." Pang-aasar ni Bagis.
Nilapit ko ang ulo ko kay bagis para maibulong niya sa akin.
"Lagi siya'ng nakaabang sa pinto ng silid at may hawak na bulaklak. Hahaha." Sabi niya sabay tawa at tumawa rin ako. hindi lubos maisip ang itsura ni Liram hahaha!
"hahaha talaga?"
Inilarawan pa ni Bagis ang itsura ni Liram nung panahon na iyon.
Umikot si Liram sabay sipa sa amin,at agad naman namin itong naiwasan."Inutusan lang ako ni ditse nun." Namumula ang tenga na sabi niya.
"Weee!" Pang-aasar ko sa kanya. Sinipa niya ako pero mabilis ako'ng tumakbo palayo habang tumatawa.
"Pulang pula ka O."
"Isa pang pang-aasar." Pagbabanta niya.
"Bleeehh!" Pang-asar ko sa kanya.
"Mikan!" Asar na saway niya sa akin. At natawa naman si Lawan at Bagis.
"Hindi na hindi na—E?" napatigil ako sa paglakad saka bumalik ng ilang hakbang nang may kakaibang liwanag na tumama sa aking mukha. tiningnan ko kung saan iyon nanggaling.
"Ano'ng tinitingnan mo?"
"Nakita ko na ang gintong ohas ko." Sabi ko at nagtakbo palapit sa isang malaking puno.
"Iiwan ka namin." Ani ni Liram. Kumaway lang ako sa kanya. Pero sumunod pa rin sila sa akin.
Nakatago ang gintong ohas sa maliit na bitak sa ugat ng puno."Tsaran!" Pakita ko sa kanila. Inilapit nila ang mukha dito at binasa ang nakasulat.
"Eng..kan..tres..li..wa." Basa ni Bagis.
"E?" Nasabi ko at tiningnan ang nakasulat na pangalan.
"Engkantres Liwa nga." Ani ko.
"Patingin nga." Ani ni Liram na parang hindi makapaniwala. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at iniharap sa kanya ang gintong ohas.
Binitiwan niya ang kamay ko at saka ako tinapik sa balikat.
BINABASA MO ANG
Engkanta :Unang Yugto
SpiritualKabado kaming lahat. "Engkantre Mikan, paano po kung may sukdulan na rin sa ating katubigan." "Huwag kayong mag-alala. May inihanda na ako'ng paraan. Makinig kayong mabuti, anuman ang masaksihan niyo mamaya huwag kayong masindak. Kumapit lang kayo...