—Mikan——
Tahimik lang ako sa inuupuan ko habang nagpipinta.
Ramdaman ko'ng may nakatingin ng masama sa akin—tinapik ko ang gilid ng aking ilong..Sino kaya to'ng nakatingin ng masama sa akin?
'Tingnan mo, nakatingin si Engkantre Dag om ng masama kay Engkantre Mikan'
Lumaki ang tenga ko nang marinig ang mahinang sabi ng isang Engkantres.
Engkantre Dag om?
Bakit naman masama ang tingin niya sa akin?'Magka-away ba sila?'
Paano kami naging magka-away? Ngayon ko nga lang siya nakita.
'Siguro may galit siya kay Engkantre Mikan.'
Bakit? Wala naman akong ginawang masama sa kanya.
'Nagkita ba sila ni Engkantre Mikan dati?'
Hindi. Dito ko nga lang siya nakita—hm?
Sandali nga....bakit alam nila ang pangalan ko? Hindi naman ako nagpapakilala kanina.
Nagkakilala na ba kami dati?
Pero saan?Aaaaa! Hindi ko alam!
"E-Engkantre Mikan.." Pabulong na tawag ng katabi ko sa aking pangalan. Tumingin ako sa kanya.
"Mm?" Patanong na sabi ko.
"bakit po nakatingin ng masama si Engkantre Dag om sayo?" Pabulong na tanong niya.
"Sa akin ba talaga siya nakatingin?" Tumango-tango siya ng mahina.
"Hindi ko alam. Ngayon ko lang naman siya nakilala. Nga pala may gusto akong itanong." Pabulong na sabi ko.
"Ano po yun?"
"Bakit nga pala alam niyo ang pangalan ko?" Nagtataka na tanong ko.
"Bakit parang nagtataka ka po?"
"Hindi parang..Nagtataka talaga ako." Sagot ko sa mahinang boses.
"E,bakit ka po nagtataka? Kilala ang iyong pangalan sa lahat ng sektor. Hindi nga lang ako sigurado sa sektor ng silab."
At mas lalo akong nausisa sa sinabi niya."Bakit naman kilala ng lahat ng sektor ang pangalan ko?" Takang patanong na sabi ko. Kinalabit ko si liram, lumingon naman siya atsaka ko nilapit ang ulo ko at pabulong na tinanong siya.
"Alam mo ba ang tungkol dito?" Bulong ko.
"Wag mo 'kong tanungin hindi ko rin alam kung bakit." Pabulong na sagot niya.
"E~?"dismayado na sabi ko.
"Nakatago sa iba't-ibang sulok sa nayon ang inyong mga gintong ohas. Hanapin niyo ito dahil ito ang inyong magiging tanda bilang panauhin sa Arya. At kapag mahanap niyo na ito maari niyo nang puntahan ang gusto niyong puntahan."
"Masusunod maestro Wako." Sabay-sabay na sabi namin. Tumayo kami sa inuupuan namin saka yumuko ng konti at naglakad palabas.
"Liram hindi mo ba talaga alam ang tungkol dun?" Tanong ko pagkalabas namin.
Nababahala ako, baka umabot sa boung sector ang lahat ng nangyayari sa Nayon ng Luntian noon.Paano ko haharapin ang mga kasmaa namin dito ngayon.
"Ang alin?" Biglang singit ni Lawan sabay akbay sa akin at kay Liram.
"Ako alam ko." ani ni Bagis,sabay taas pa ng kanyang kamay.
"Ano?alin sa mga iyon ang kumalat?" Sunod-sunod ko na tanong sa kanya.
Hinawakan niya ang kanyang baba at parang may inaalala."Kung tama ang pagka-alala ko nagsimula yun nung anim na taon ka pa lang."
Anim na taon? huindi ba at ito yung kakadating ko pa lang sa nayon ng Luntian
"Naalala mo ba nun,yung nahuli mo ang limang tikbalang mag-isa?"
Pinilig ko ang ulo ko pakanan—sinubukang alalahanin ang sinabi niyang pangyayari.Wala ako'ng maalala.
"A! Naalala ko yun." Singit ni Liram.
"Ako hindi—aga!" Nasabi ko nang sipain niya ang pwetan ko. Napahawak ako sa pwetan ko sa sakit. "Ba't ka naninipa?!" Inis na sigaw ko sa kanya.
"Para yan sa hindi mo pagpakilala mo kanina."
"Wala yan sa pinag-uusapan natin."
"E,Naalala ko e. Sumbong kita kay Ditse pag-uwi." Pananakot niya. Ngumuso ako habang hinahaplos ang pwetan.
"Hindi ko talaga maalala ang tungkol dun." Nakanguso na sabi ko.
"Ipaalala ko sayo. Siguro naman hindi mo nakakalimutan nung inaway kita, bata pa tayo nun. Sinipa kita nun palabas sa tarangkahan ng nayon kasi akalab ko inagaw mo sa akin si Ina at Ditse..."
pagsisimula ni Liram.
* *..........
SALAMAT PO! HANGGANG SA SUSUNOD!!
**........
Ayiiiiiieeeeee!! Saba aaaallll!!
BINABASA MO ANG
Engkanta :Unang Yugto
SpiritualKabado kaming lahat. "Engkantre Mikan, paano po kung may sukdulan na rin sa ating katubigan." "Huwag kayong mag-alala. May inihanda na ako'ng paraan. Makinig kayong mabuti, anuman ang masaksihan niyo mamaya huwag kayong masindak. Kumapit lang kayo...