—Tagapagsalita——
Nagsisiyahan ang lahat, bata man o matanda. malalakas na tugtog ang maririnig mula sa nayon ng Luntian.
Lalo namang hinigpitan ni Mikan ang seguridad ng nayon. Gumawa siya ng pananggalang mula sa tubig na hinaluan niya ng kanyang mahika. Mayroon ding pananggalang na gawa sa pinagtipong mahika ng mga taga-nayon—isang makapal at malakas na pananggalang.
Maya-maya lang ay dumating na si Engkantre Hakilis, nakasout ito nang pangkasal at dala nila ang handog para sa kasal.
Sampung kalabaw, limang baka, tatlong ba-ul ng ginto,mga kahon ng mga alahas at perlas,
tatlumpong kaban ng palay at mais.Ibinigay nila sa engkantreng tagabantay ang sekretong palatandaan na nagpapatunay na hindi sila impostor,bago sila pinapasok.
Bilang lamang ang imabatado para sa kasal at ang huling dumating ay sina Lawin at Liwa. Tulad ng nauna, ibinigay nila ang sekretong palatandaan bago pinapasok.
.
..
.
."Mabuhay ang bagong kasal!!" Sigaw ng mga taga-nayon pagkalabas ng bagong kasal.
Abot langit naman ang ngiti nila Lunti at Hakilis habang sinasabuyan sila ng bulaklak na sampaguita habang naglalakad papunta sa piging."Maraming salamat po."pasasalamat nila.
Pigil pigil naman ang luha nila Mikan at Liram habang pinanood ang kanilang ditse na masayang naglalakad kasama ang kanyang asawa.
Nang makalapit sila Lunti sa kanila, binuka niya ang kanyang braso. Agad naman lumapit sa kanya ang dalawa at masaya silang nagyakap.
"Ano ba yan. Ba't kayo umiiyak. Naiiyak tuloy ako." Ani ni Lunti pagkalayo nila saka niya pinahid ang luha niya.
"Kasi po,hindi ka na namin makakasama dito sa nayon."
Ani ni Liram sabay pahid ng luha.
Hindi nila mapigilang malungkot lalo na at malapit na malapit silang tatlo sa isa't isa."Dadalaw pa rin naman ako dito. Tahan na." malumanay na sabi niya sabay pahid sa luha nila Mikan at liram.
"Sangko,Alagaan mo po si ditse a."
"Makakaasa kayo engkantre Mikan, engkantre Liram."
"Mikan na lang po ang itawag niyo sa akin. Hindi niyo na po kailangan maging pormal sa akin."
"Bayaw na lang po itawag niyo sa amin." ani ni Liram.
"Sige, kung iyon ang iyong nais."
Pagkatapos mag-usap ang tumungo na sila sa piging para sa tanghalian.
.
.
."Liwa,subukan mo 'to. Masarap yan." ani ni Mikan sabay bigay ng mangkok na pinakbet kay engkantres Liwa.
"Engkantres Liwa." pagtatama ni engkantres Liwa sa kanya.
"Hihihi,engkantres Liwa."pagtama ni Mikan.
Kumuha si engkantres Liwa sa pinakbet at tinikman ito."Masarap ba?" Tanong ni Mikan.
"Mn." Tipid na sagot ni Liwa.
"Ito pa, subukan mo rin to. lumpiya tawag dito."
Kumuha naman si Liwa dito at tinikman."Masarap?"tanong niya ulit. Tumango si Liwa.
"At ito rin. Adobo,, magugustuhan mo yan. Iba yan sa natikman mo nung una." Ani ni Mikan sabay bigay kay liwa. At tinikman naman ito ni Liwa.
"Mas mabango siya at mas masarap yung timpla."
"Di ba?! At meron pa. Sandali lang ah."
"Salamat ngunit hindi ko na ito mauubos." Ani ni Liwa,napahinto si Mikan. Bumaba ang tingin niya sa pagkain na nasa harap ni Liwa, at marami na nga ito. At sa pagkakilala niya kay engkantres konti lang ang kain nito.
BINABASA MO ANG
Engkanta :Unang Yugto
SpiritualKabado kaming lahat. "Engkantre Mikan, paano po kung may sukdulan na rin sa ating katubigan." "Huwag kayong mag-alala. May inihanda na ako'ng paraan. Makinig kayong mabuti, anuman ang masaksihan niyo mamaya huwag kayong masindak. Kumapit lang kayo...