—Silang——
Kasalukuyan akong nasa pamilihan ng bayan—bumibili ng mga gulay.
"Totoo ba talaga yan? Ikakasal ang Anak ni Punong Hamog kay engkantre Mikan?"
Lumaki ang tenga ko nang marinig ang pangalan ni Mikan. Tumingin ako sa ginang engkantres na nagsabi nun.
"Paumanhin po ginang,saan niyo po narinig ang balitang iyan?" Tanong ko sa kanya.
"Iyon ang balita na kumalat sa bayan ng Sagsag. Galing ang mangangalakal kong asawa doon." Ani ng isang ginang.
"At ayon sa asawa ko si Punong Hamog mismo ang nagbalita nito sa kanilang boung bayan."
"Nagkaroon daw ng malaking piging sa nayon ng Lawa at inimbitahan ang boung bayan."
"Ganun po ba?"
"Napakaswerte naman ng anak ni Punong Hamog."
"Nakakapanghinayang na hindi nakadalo ang anak ko sa buhay-malaya. Magkakilala rin sana sila ni Engkantre Mikan."
"Kaya nga mare. Ako nga rin nanghihinayang ako. Malay natin isa sa anak natin ang maibigan ni Mikan. Ang swerte ni Engkantres Agwa at siya ang naibigan ng Engkantre."
Ano raw?!
Naibigan? Si Engkantres Agwa?... Ni Mikan—??ha!HAHAHA! gusto ko'ng matwa ng malakas.
"Sandali lang po nga ginang. Sinabi din ba iyan ni Punong Hamog?" Tanong ko.
"Iyon ang sabi ng asawa ko. Ang sabi pa nga daw ni Engkantres Agwa,lagi niyang kasama si Engkantre Mikan noong nasa Arya pa sila. Sinamahan siya nitong kumain,magkasama sila kahit saan magpunta." Ani ng ginang Engkantres. Naglakad ako paalis.
Katawa-tawa! paano siya nakagawa ng ganitong kwento?
Kailangan kong pumunta sa Nayon ng lawa at kausapin siya.
Agad akong umuwi sa nayon upang iuwi ang pinamili ko'ng mga gulay."O ba't nakabihis ka? Saan ang iyong punta." Tanong ni Ina.
"May kumalat pong katawa-tawang balita sa bayan Ina. Pupunta ako sa karatig nayon upang tiyakin ang katotohanan nito. At kung totoo man ito kailangan ko itong pigilan." Sabi ko habang tinalian ang buhok ko.
"Ano'ng balita?"
"Na ikakasal daw po si Engkantre Mikan kay Engkantres Agwa."
"Ano?!"
"Aalis na po ako, Ina. Hindi rin ako magtatagal do—" Napatigil ako nang may kilalang tao na dumating. Yumuko ako bilang paggalang.
Mukhang hindi ko na kailangang pumunta sa nayon ng lawa.
"Maligayang pagpunta sa aming nayon,Hara Isla. Ano po ang maipaglilingkod ko. " Pagbati ko sa kanya.
"Nariyan ba ang iyong Ina? Nais ko'ng ipabatid sa kanya ang magandang mensahe. At para na rin anyayahan siya." Aniya na may malawak na ngiti sa kanyang labi.
"Pumasok po kayo. Nasa loob po si Ina." Aya ko sa kaniya. Pumasok si Hara Isla sa loob.Papasok na sana si Engkantres Agwa ngunit pinigilan ko siya.
"Maaari ba kitang kausapin. Nang tayo lang..dalawa." Mahinahon na ani ko sa kanya.
"Oo naman. Ang totoo ikaw talaga ang pakay ko sa pagpunta dito." Pagpayag niya habang nakangiti ng matamis.
"Dun tayo sa dampa mag-usap."
"Sige." Pagpayag niya naglakad kami papunta sa dampa.
"Totoo ba na ikakasal ka kay Engkantre Mikan?" Tanong ko nang makapasok kami sa dampa.
BINABASA MO ANG
Engkanta :Unang Yugto
SpiritualKabado kaming lahat. "Engkantre Mikan, paano po kung may sukdulan na rin sa ating katubigan." "Huwag kayong mag-alala. May inihanda na ako'ng paraan. Makinig kayong mabuti, anuman ang masaksihan niyo mamaya huwag kayong masindak. Kumapit lang kayo...