—Tagapagsalita——"litse." Inis na mura ng engkantre nang matunugan nila ang pagdating niya.
"Hindi ko inaasahan na mahihirapan ako sa angkang ito.He-" Aniya sabay Sarkastikong ngumisi. At mas lalong lumapad ang ngisi niya nang makita ang Puno ng angkan na sakay ng kanyang bal-ag kanyang bal-ag pabalik sa nayon.
Ginamitan niya ito ng mahika.Bigla ay nakaramdam ng antok si Punong Mago at agad na nakatulog."Hanggang diyan ka muna. Hihiramin ko lang ang iyong anyo... Punong Mago."
Pagkatapos ay nag-anyo siyang Puno ng angkan. At naglakad palapit sa sa tarangkahan ng nayon."Puno!!"
Nakahinga ng maluwag ang mga nasasakupan."Anung nangyayari?!" Pag-arte niya.
"Naramdaman ulit ni Mikan ang presensya ng panganib."
Mikan??
Dumapo ang tingin niya sa isang binatilyo na nasa unahan.
Siya ang sinasabi ni Ama.
sa isip niya.Bilin sa akin ni ama na mag-ingat sa kanya.
"Naramdaman niya pa rin ba ito hanggang ngayon?" Tanong niya sa isang engkantre.
"Hindi ko po alam. Naramdaman niya ito kanina lang."
"Pagtibayin niyo pa ang depensa. Huwag niyong hahayaan na makapasok ang magnanakaw!" Utos niya.
"Pagtibayin ang depensa!" Pag-uulit ng mga engkantre.
"Engkantre Mikan, pangunahan mo sila." Aniya at nilagpasan si Mikan.
Ngunit mabilis na humarang si Engkantre Mikan at itinutok ang kampilan sa leeg ng engkantre.
"Mikan! Anong ginagawa mo?" Ani ng isang Engkantre.
"Hindi siya ang Guro."
"Anong ibig mo'ng sabihin?"
"Impostor." Biglang singit ni liwa at iniwa ang espada nito.
Engkantres ng Lawiswis??
Agad niyang sinipa si Mikan saka sumirko sa hangin upang iwasan ang mahika ni engkantre Liwa.
Lumundag siya sa lupa paharap sa pinto ng mansyon kung saan nakatayo si Liwa. At sa oras na ito ay katabi na niya si Lawin.
Nagulat siya ng konti at nakabawi rin kaagad,at mabilis siyang lumipad palayo.Ang kambal buhawi ng bugso.
Bakit sila nandito?
Tanong niya sa isip.Naapagtanto niya na isang napaka-istupido ng kanyang naging tanong.Napakatanga ko para tanungin iyan.Tiningnan niya ang kambal buhawi ng lawiswis.
Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan kung saan naroon ang mga Engkantre't engkantres ng luntian.Nandito na ako. Kung aalis ako dito na walang mangyari maging katawa-tawa ako.
Iyon ang hindi ko papayagan."Hulihin siya!!" Utos ni Hara Malaya saka sumugod.
Umugong sa boung nayon ang sigaw ng mga Engkantre't Engkantres at sabay-sabay na sumugod sa kanya."Tsk." Aniya. Hawak ang espada nito sa kanang kamay at saka ito winasiwas.Naglabas ito ng kakaibang kulay na ambon.
"Pampatulog! Mag-ingat kayo!" Sigaw ni Mikan. Agad gumawa ng pananggalang ang mga Engkantre't Engkantres sa kanilang ulo upang hindi malanghap ang ambon.
Nainis ang engkantre at tinira ng mahika si Mikan.
Pumitik si Mikan at hinarang ng tubig ang atake ng engkantre at mabilis na sumugod.
Susugod na rin sana ang mga Engkantre't Engkantres ngunit sa di malamang dahilan hindi sila makagalaw.Habang nakikipag laban si Mikan, sinubukan naman ng mga Engkantre't engkantres na makawala sa mahika na bumabalot sa kanila.
"Mikan." Nag-alalang ani ni Lunti nang tumilapon si Mikan.
Kasabay ng pagtilapon ng ni Mikan ay napatilapon rin ng Engkantre. Sabay silang bumunot ng balaraw at sabay din nila itong inihagis sa isa't isa.
Sumirko ang Engkantre pasulong upang iwasan ang balaraw. Kasabay ng pagsirko niya ay ang paglabas niya ng marami pang balaraw at sunod-sunod na inihagis kay Mikan.
Walang kahirap hirap niya itong sinangga gamit ang kanyang kampilan.Tsk. Hindi ko makukuha ang pulang bato kung hindi ko siya matatakasan. Sa isip ng Engkantre.tm tumingin siya sa ibaba at ngumisi nang makita ang mga engkantre't engkantres na hindi makagalaw.
Binggo!sa isip niya.
Naglabas siya ng maitim na mahika mula sa kamay at itunutok sa kanila.
"Magaling ka nga,ngunit kaya mo ba silang protektahan lahat?" Ani ng Engkantre. Palaki ng palaki ang bilog ng mahika sa kamay niya.
Aminado si Mikan na kulang na ang kanyang lakas upang protektahan silang lahat."Ano ang kelangan mo dito sa aming nayon?" Tanong ni Mikan. Kailangan niyang antalahin ang kalaban habang nag-iisip siya ng plano.
"Ang pulang bato. Ibigay mo sa akin ang pulang bato."
"Wala dito ang pulang bato."
"Wala dito o wala kang alam?" Nagsalubong ang kilay ni Mikan.
"Ang angkan ng Luntian ang itinuro ng pulang bato."
"Mikan, huwag mo siyang hayaan!" Sigaw ni Lunti. Nag-ipon siya ng lakas upang makawala.
"Hindi ko hahayaang mapapasakamay mo ang pulang bato!" Sigaw ni Hara malaya.
Sabay na nakawala si Lunti sa mahika na pumipigil sa kanila.
Agad silang naglabas ng mahika at sabay na sinugod ang Engkantre.
Nabigla sandali ang Engkantre sa pagsugod ng dalawa at walang pagdadalawang isip na tinira ang hindi makagalaw na mga Engkantre't Engkantres."Mikan!" Sigaw ng Di-an sabay sunod-sunod na inatake ang impostor na Mago.
Naintindihan naman ni Mikan ang ibig sabihin ng kanyang Inang at agad lumipad pababa upang pigilan ito." Mikan!" Nag-alalang sigaw ni Liram habang pinipilit na makawala. Alam niyang hindi na ito kayang pigilan ni Mikan sapagkat hindi na sapat ang lakas niya.
"Asaar!!" Inis na ani ni Liram habang pilit kumawala.
Pag-angat niya uli ng ulo nakita niya si Lawin na tinulungan si Mikan."Engkantre Lawin." Mahinang aniya.
"Hah!" Sabay na sigaw ni Mikan at Lawin. Nagsalpukan ang tatlong mahika at nagkaroon ng malakas na pagsabog.
Nang makalapag si Mikan sa lupa doon pa lang niya naramdaman ang panghihina ng mga paa niya. Nawalan siya ng balanse at bumagsak sa lupa.
"Liwa." Ani ni Mikan nang lumapit sa kanya si Liwa.
"Engkantres Liwa." Pagtama ni Liwa sa kanya. Ngumiti lang si Engkantre Mikan bilang tugon. Inalalayan siya ni Engkantres Liwa na maupo sa damuhan.
"Salamat." Ani ni Mikan.
Itinapat ni Liwa ang kanyang palad sa dibdib ni Mikan at naglabas siya ng mahika— upang bigyan ng karagdagang lakas si Mikan.
Hindi makalaban ang impostor dahil kaliwa't kanan na pag-aatake ni Hara Malaya at engkantres Lunti. Tanging pag-iwas lamang ang kanyang nagawa at minsan ay hindi pa niya naiiwasan ang mga tira ng Hara at Engkantres.
Sinadya ng Hara at engkantres na huwag tapusin ang buhay ng impostor na engkantre sapagkat may nais pa silang malaman mula dito.
Nang mapansing hinang-hina na ang engkantre ay huminto na sila sa pag-atake. Ginalaw ni engkanyres Lunti ang kanyang daliri at isang baging ang gumapos sa impostor na engkantre.Ang akala nila ay nawalan ito ng malay ngunit ang hindi nila alam ay nagpapanggap lamang ito, kaya nang tumalikod sila ay mabilis itong kumilos.
"Ina, tatakas siya!" Sigaw ni Liram ngunit huli na nang sabuyan ng impostor sila Hara at hindi na sila nakagalaw. Lumugnot si Liram ng malakas at nakalaya siya, mabilis siyang gumawa ng hawla at ikinulong dito ang impostor.
"Hindi kita hahayaang makatakas!" Ani ni Liram. Ikinuyom ni Liram ang kanyang kamay at lumiit ang hawala. Mayroon pa itong matutulis na tinik na may halong lason.
BINABASA MO ANG
Engkanta :Unang Yugto
SpiritualKabado kaming lahat. "Engkantre Mikan, paano po kung may sukdulan na rin sa ating katubigan." "Huwag kayong mag-alala. May inihanda na ako'ng paraan. Makinig kayong mabuti, anuman ang masaksihan niyo mamaya huwag kayong masindak. Kumapit lang kayo...