Kabanata 45

3 2 0
                                    


—Lawin——

Tumigil si Engkantre Mikan sa pagtugtog ngunit nanatili pa rin ang pananggalang.

"Kaya pala, kaya pala wala kaming makita-kitang patibay. Tama nga ang hinala ko. Hindi pangkaraniwang engkante ang gumawa ng lahat ng ito. Pupuntahan ko siya sa kanilang nayon ngayon din—!"

"Wag." Pigil ni Ama sa kanya."Lubos na makapangyarihan na siya ngayong nasa kamay na nila ang mahiwagang pulang bato." dagdag ni Ama.

"Ngunit hindi ako maaring tatayo lamang dito!" Salubong ang kilay na ani ni Punong Bangis.

"Kumalma ka muna Punong Bangis.Isang pagpapatiwakal ang pumasok sa sektor ng Silab ngayon,maghahanap tayo ng ibang paraan." Ani ni Punong Mago.

"Paraan na magpapalabas kay Punong Apu sa sektor ng Silab."

"Sa tingin ko po ay hindi na kailangan." Ani ni Engkantre Mikan.

"May naisip ka ba Engkantre Mikan?" Tanong ni Engkantre Hakilis.

"Dalawang mahiwagang pulangbato pa ang kailangan nila. Hangga't hindi nila ito nakukuha lalabas at lalabas sila sa kanilang sektor."
Tumango-tango ako ng konti bilang pagsang-ayon.

"Ang sinasabi mo ba. Aakitin natin sila gamit ang pulang bato?" Ani ng isang Pinuno na sa tingin ko ay galing sa sektor ng Laot.

"Hindi na po iyan kailangan. Ang iisipin natin ay kung paano natin sila hulihin sa oras na pupunta sila sa nayon ng luntian at sektor ng laot."
Napahawak ang mga Pinuno sa kanilang mga baba atsaka tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Engkantre Mikan.

"May naisip ako'ng paraan..." Ani ni Punong Daloy.
.
.
.
.
.

—Silang——

Napatigil ako sa pangunguha ng gulay nang may nakita akong pangitain.

Isang engkantre na nakasout ng pulang kasuotan ang papunta sa Nayon ng Bawod.
Nakita ko rin ang mahiwagang pulang ba—

"Ha-! Ang pulang bato!"
Napasinghap ako nang mapagtanto ang aking nakita.
Sumakay ako ng kabibi at mabilis na lumipad papunta sa nayon ng bawod.
Labis na pagkakabahala ang naramdaman ko. Wala sa sektor ang lahat ng Pinuno ng mga angkan ng sektor ng laot sa oras na ito.Naglabas ako ng pana at tinira sa iba't-ibang angkan ng laot bilang hudyat.
.
.
.
.
.

—Tagapagsalita—

Tumama ang tinirang pana ni Engkantres Silang sa gilid ng upuan ng Hara ng angkan ng dalayday at ganun na lang pagkagulat nito.
Nagulat naman ang mga taga nayon ng dilis nang tumama ang pana sa harap ng Engkantre na anak ng Pinuno ng angkan na nakatayo sa bakuran ng kanilang bahay.
Nanlaki naman ang mata ni Engkantres Agwa nang dumaan sa gilid ng mukha niya ang pana at tumama sa haliging kahoy.

Nakatali sa mga pana ang maliit na piraso ng damit na may nakasulat na tatlong salita.....

Nanganganib
Pulang bato
Bawod

Agad nilang nakuha ang ibig sabihin nito at mabilis na lumipad papunta sa nayon ng Bawod.
Maliban kay Engkantres Agwa na pinunit-punit pa ang piraso ng tela. Sa kadahilanang galit siya kay Engkantres Silang. Hindi rin niya ito ipinaalam sa kanyang ama.

Mula sa di kalayuan natanaw ni Engkantres Silang ang nangyari sa nayon ng bawod.
Natanaw niya ang mga Engkantan na nakahiga sa lupa at hawak ng Engkantre si Hara Tiwasa sa leeg.
Gumawa ng palaso si Engkantres silang at inumang sa di kilalang Engkantre.

Nagulat ang engkantre sa paparating na pana sa kanya at mabilis na umiwas. Nagawa niya itong iwasan ngunit nadaplisan pa rin nito ang ang kanyang mukha. Dahil dito nawala ang maitim na usok sa kanyang mukha at lumantad ang totoo niyang pagkatao.
Nanlaki ang mata ni Hara Tiwasa at Engkantres Silang. Napatigil rin ang mga kakarating na mga Hara, Engkantre't engkantres mula sa iba't-ibang angkan.

Engkanta :Unang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon