—Mikan——“Mikan! Gising! Engkantre Lawin!” Dinig ko'ng boses ni Liram.
“Mikan! Gising! Anong nangyari?Bakit dito kayo natutulog sa engklan” Nang banggitin niya ang engklan napabalikwas ako ng bangon at bumunot ng espada.
“Sinong nandyan?!” Malakas na sabi ko.“Magpakita ka!”
“Anong ibig mo'ng sabihin? Tayo lang ni Engkantre Lawin ang nandito.” Engkantre Lawin? Ha—! Si Liwa. Umikot ako at tiningnan si Li...wa? Wala siya!
“Asan si Liwa?!” Kinakabahan na tanong ko.
“Ha? Wala si Liwa dito.Kayo'ng dalawa lang ni Engkantre Lawin ang naabutan ko.”
“Engkantre Lawin! Nawawala si Liwa.” Kinakabahan ko na sabi.
“Liwa?” inaantok na aniya. At bigla ay bumalikwas siya ng bangon“Asan si Liwa!” Taranta na sabi niya at tumingin tingin sa lahat ng sulok sa engklan.
“Sangko!!” Tawag ni Bagis pagkapasok sa engklan.
“Nakita niyo bang lumabas si Liwa?” Tanong ko.
“Nagkasalubong kami.” Sagot ni Bagis. Nakahinga kami ng maluwag ni Lawin.
“Mikan, anong nangyari kagabi? Bakit dito kayo natutulog?” Tanong ni Liram.
“Huling natandaan ko kagabi..Bigla na lang akong nakaramdam ng sobrang antok.” Sagot ko.
“Yun din ang nangyari sa akin kagabi.”
“Sa amin rin.” Ani ni Bagis.
Nagtaka ako at napa-isip.“Kataka-taka,hindi kaya may ibang tao dito sa engklan kagabi maliban sa atin?”
“Marahil ay meron.” ani ni Lawin.
“Kagabi bago ako tuluyang nakatulog may nakita ako'ng anino ng tao.” Ani ni Bagis. Tumingin ako kay bagis.
“Babae o lalaki?”
“Sa tingin ko ay lalaki.”
'Tulooong!!Aaaaa!'
Nagkatinginan kami nang may narinig kaming humihingi ng tulong.'Tulong! Tulungan niyo kami!!!'
Mabilis kaming tumakbo palabas ng engklan.
'Tulungan niyo kami! Tulong!Paki-usap! Tuloooong!!'
Umiiyak na sigaw ng Engkantres habang humihingi ng tulong.Nakita namin ang iba pang Engkantre't Engkantres na nagtakbuhan.
Tumakbo kami patungo sa silangang bahagi ng arya.
Naabutan namin ang iba pang Engkantre na tarantang tumingin-tingin sa paligid. Hindi na nila alam kung saan ito nanggaling“Asan na?”
“Hindi ko na marinig.”
“Uuy! Ayos lang ba kayo?!”
“Padaan! Padaan!” Nagmamadali na sabi ko habang sumsiksik.
“Paumahin, dadaan kami pasensya na Engkantre.”
“Hindi mabuksan ang tarangkahan.”
“Tabi.” Sabi ko sa dalawang Engkantres na pilit binubuksan ang tarangakahan.
Hinugot ko ang aking kampilan saka hinati ang tarangkahan.
Pumasok ako at sumunod naman sila Liram.“Ano'ng nangyari?”
“Nasaan na ang ilog?”
“Bakit may bundok na dito?”
Hindi na ako nagsayang ng segundo. Binaliktad ko ang sout ko'ng damit gamit ang mahika.
Nawala ang guni-guni at malinaw ko'ng nakita ang pakikipaglaban ng mga Engkantre't engkantres sa mga nilalang sa tubig.
BINABASA MO ANG
Engkanta :Unang Yugto
SpiritualKabado kaming lahat. "Engkantre Mikan, paano po kung may sukdulan na rin sa ating katubigan." "Huwag kayong mag-alala. May inihanda na ako'ng paraan. Makinig kayong mabuti, anuman ang masaksihan niyo mamaya huwag kayong masindak. Kumapit lang kayo...