—Lawin——Pagdating namin sa Nayon ng bawod, naabutan namin ang mga Hara at Engkantre't Engkantres na nakahiga sa lupa. Sira-sira na rin ang boung nayon.
"Maawaing bathaluman." Ani ni Hara Ulan.
"Tiwasa!" Sigaw ni Punong Daloy at agad nilapitan ang kanyang asawa.
Nilapitan naman namin ang iba pa at siniyasat ang kanilang pulso."Buhay pa sila." Sabi ko at agad ko silang binigyan ng paunang lunas.
"Halos mabasag na ang hiyas ng engkantre na ito?"
"Huli na naman tayo. Tuluyan na nilang mapasakamay ang boung engkanta."
"Sana lang ay hindi nito nakuha ang pulang bato." Ani ng isang Pinuno.
"Sa itsura ng mga Hara at mga Engkantre't Engkantres. Malabong wala." Ani ni Ama.
"Sana lang ay ligtas ang pulang bato ng Lupaan. Iyon na lamang ang tanging pag-asa natin."
"Sana nga."
Nakarinig kami ng kaluskos ng nga dahon at napatingin kami sa pinanggalingan nito.
Lumabas ang Engkantre't engkantres mula sa damuhan. May mga sugat ang mga ito at nanghihina."Silang, anak!" alalang tawag ni Hara Ulan. Pansin ko ang paghakbang ni ama ngunit huminto rin siya,kita ko sa mukha niya ang matinding pag-alala.
ama?
"Agus!" Tawag naman ni Punong Daloy kay Engkantre Agus.
Agad na lumapit si Hara Ulan sa kanila."Paumanhin Ina." Nanghihinang ani ni Engkantres Silang.
At saka abay sila ni Engkantre Agus na bumagsak, mabilis naman silang sinalo ni Hara Ulan."Wala kang dapat ipagpaumanhin. Ginawa niyo ang makakaya niyo. Sapat na iyon."
Wala sa sariling napatingin ako kay Ama. Nakatitig siya kila Hara Ulan at hindi ko maintindihan kung bakit parang may bakas ng lungkot ang mga mata niya.
"Ama." Malumanay na tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at agad na nawala ang lungkot sa mga mata niya. "Ayos ka lang po ba?" Tanong ko.
"Mn." Sagot niya sabay talikod.
.
.
.
"Punong Daloy" Biglang dating ng Ginoong Engkantre.
"Ginoong manggagamot. Mabuti naman at nandito na kayo."
Tinigil namin ang pagbigay lunas. Yumuko ako bilang pagbigay galang saka kami lumabas ng bahay pagamutan."Maawaing Bathaluman." Ani ng mga ginoong manggagamot.
"Mukhang wala na kaming dapat gawin dito Punong Daloy. Uuwi na kami sa aming nayon."
"Hindi ko na kayo pipigilan pa. Maraming salamat sa inyong tulong. Nawa ay gabayan kayo ng mga bathaluman sa inyong paglalakbay."
.
.
."Ama." Tawag ko kay Ama. Nakasakay kami ng talutot ngayon pauwi ng aming nayon.
"Mn?"
"Ano po kaya ang binabalak ng angkan ng Liyab? Bakit nila ninanakaw ang mga pulang bato?"
"Marahil ay balak nilang maghari sa boung engkanta. Mukhang darating na ang kinatatakutan ng ating mga ninuno."
"Ano po ang ibig ninyong sabihin ama?"
"Ang pulang bato ay ang pinakapangyarihang bagay na binou sa engkanta. Bagaman itoy pangtaboy sa mga sukdulan. Maari rin itong pagsisimulan ng malaking digmaan o dilubyo kapag ito ay gagamitin sa kasamaan." Ani ni Ama. Pansin ang pagkakabahala sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Engkanta :Unang Yugto
SpiritualKabado kaming lahat. "Engkantre Mikan, paano po kung may sukdulan na rin sa ating katubigan." "Huwag kayong mag-alala. May inihanda na ako'ng paraan. Makinig kayong mabuti, anuman ang masaksihan niyo mamaya huwag kayong masindak. Kumapit lang kayo...